Wala talagang perpekto sa mundo kaya lahat ay makakaranas ng mga pagsubok. Kaliwa't kanan ang natatanggap naming tanong kung ano naba ang nangyayari sa Pondo Peso, mag-isang linggo na itong sira at wala man lang update mula mismo sa kanila kung anong nangyayari sa system nila.
Sinubukan naming mag-sent ng mensahe sa facebook page nila pero walang balita, ni seen wala. Nakailang beses na rin akong nag-message mula pa last month of July pero wala talagang sumasagot. Samakatuwid, hindi nila ginagamit ang kanilang facebook page kaya kalimutan na natin ang isang method of communication sa kanila.
Nag-sent na rin ako ng email sa cmanager@pondopeso.com pero wala ding reply ni isa. Paano sila makontak kung ganun. Kami dito sa USAPANG PERA ay wala ding alam kung anong nangyari. Kung magsasara naba sila o inaayos lang nila ang kanilang system para sa ikagaganda ng kanilang serbisyo. Marami na din kaming nakausap na sinisingil na sila ni Pondo Peso at ng magkataong matanong nila kung anong update sa system nila, sinasagot lamang sila na under maintenance pa ito sa ngayon.
Masaya ang mga walang planong magbabaya sa kanilang loan dahil baka makakalimutan na ito ni Pondo Peso na singilin. Yong iba naman galit at naasar dahil inuna nilang bayaran ang utang nila kay Pondo Peso, hoping makaka-reloan agad at makukuha ang pera na pwedeng gagamitin din na pambayad sa iba pang inutangan. Kumusta na yong mga kaka-loan palang? Isa din sila sa mga nagreklamo, excited pa naman sana sila para makuha ang pera na gusto nilang hiramin kaso hanggang ngayon hindi pa rin nila makukuha.
Sa mga nagplano pa lang na mag-apply ng loan sa Pondo Peso, chill muna kayo dahil wala din naman patutunguhan ang effort nyo. Maaaring pumasa kayo pero hindi nyo rin makuha ang pero na hiramin nyo. Antayin nalang natin kung kailan maayos ang system nila kung sakaling maaayos pa. Pero sakaling mag BID goodbye na, kayong mga may existing loan, magparty na kayo baka hindi na kayo sisingilin pa.
Sa mga nakapag-loan na sana pero nagkaka-problema sa disbursement at hindi na nagtutuloy pero ngayon kasing bilis ng metro sa mga taxi natin ang interest na dumadagdag araw-araw, huwag nyo pong intindihin ang pagtaas ng inyong balance, disregard nyo po yon lalo na kung due date nyo na tapos wala kayong natanggap na pera. Hindi nyo kasalanan yon, kasalanan nila kaya don't worry hindi kayo masisingil sa mga pera na hindi nyo naman nakuha.
Pansamantalang hindi talaga makapagpatuloy ang mga gustong mag-reloan at gustong mag-loan sa Pondo Peso dahil ang disbursement option ay DISABLED na ito ngayon. Unavailable na ang ONLINE at OFFLINE disbursement. Tama lang ito para hindi muna aasa ang mga applicants na makukuha ang kanilang loan dahil wala pa naman itong method of disbursement. Habang inaayos pa nila ang kanilang system, mabuting mag-apply muna sa ibang lending companies para hindi mauubusan ng pasensya sa kakaantay.
Makakaasa kayong kayo ang unang makakaalam dito sa USAPANG PERA kapag bumalik na si Pondo Peso o di kaya'y may bagong update na ito para sa lahat ng client nila. BAKA MAY PASABOG SILA..... Habang nag-aantay, try muna sa iba.
Wag na po muna umasa para mabigo😂😂
ReplyDeleteYes alam namin yon, sinabi namin yan sa laman ng aming post, just a sort of question lang po ang title ng post. Malapit na maayos as per feedback ng mga client na nakakuha ng loan nila.
DeleteMy control no. N ulit kaso bka pagdating nnmn ng kinabukasan error n nmn...
ReplyDeleteSana tuloy2 na yan...para lahat masaya...
DeleteSana tuloy2 na yan...para lahat masaya...
DeletePaano naman yung nakapagbayad na at patuloy pa din sinisingil ni Pondopeso? Its so annoying lalo na ngayon na minimessage na nila mga contacts ko. Will they compensate sa kahihiyan binibigay nila sa client na nagbayad na? Anong steps ang pwede gawin ng customer dito?
ReplyDeleteSana po maipasara na at makasuhan mga personnel ne' tong Pondo Peso Platform na to! Swear hindi nakakatuwa any scheme nila.
ReplyDelete