Hindi lang ang mobile app ng Pondo Peso ang nawindang, pati rin operation nila. Hanggang sa ngayon hindi pa rin maayos ang serbisyo nila. Inaabangan ng lahat na gagana na ito ng maayos para makapag-reloan na ang lahat na nakapagbayad na. Marami pa din ang nagre-reklamo dahil hindi nila makukuha ang kanilang loan. Nagbigay na nga ng reference number pero pagdating padala center, transaction not found or hindi tugma.
Ang problema ng Pondo Pesa ay hindi lamang tungkol sa mobile app nila, isa na rin dito ang pondo nila. Nauubusan din ng pondo dahil sa dami din ng nangungutang sa kanila. Hindi naman binigay kung ilan ka tao ang hindi pa nakapagbayad pero sigurado akong malaki na rin ang collectables nila. Ngayon mahirap maningil lalo pa't karamihan ay naghihirap at nahihirapan maghanap ng perang pambayad.
Ang releasing ng loan ay capping pa rin. Mayron lang silang number of applicants na pagbigyan ng disbursement kada araw. Kung nahuli kana, kahit approved kapa sa loan, mahihirapan kang makakuha ng tamang oras para mapagbigyan ka nila. Wala din naman sinabi na oras na maganda magtuloy para sa disbursement process mo.
Sa ngayon, hindi na natin maaasahan ang Pondo Peso. Hindi na sila tulad dati na halos kada araw ay hindi mabibilang ang number of applicants ang napagbigyan. Kaya mas maganda pa rin ang maghanap ng ibang mapagkukunan ng pera o maghanap ng ibang lending company para at least makakabayad kayo ng mga bills nyo o may pangbudget kayo sa pagkain.
Kung maliit lang ang pondo ng isang company, mahihirapan talaga itong makaka sustain ng maraming borrowers. Dito sa Pilipinas, napakadaming population na umaasa lang sa utang. Utang dito at utang doon para din pangbayad ng utang. Mas mabuti na yong marami kang pwedeng mauutangan para sa oras ng kagipitan, marami ka ding matatakbuhan. Kaya dapat maging responsible borrowers tayo. Paano ba maging responsible borrowers? Simply lang naman, kailangan mo lang bayara ang inyong mga utang para makakaulit kapa. Maaaring hindi man ngayon pero sa mga susunod na araw na kailangang-kailangan mo, mayron kang masasandalan.
Buti sana kung narelease o naikash out ang perang sinisingil...hindi maikash ou kase walang traking number na gagamitin taz maniningil sila na overdue daw ang loan at kailangan bayaran kahit hindi pa nakukuha ang pera..imposible namang hindi updated ang pondo sa hinde pa naikakash out na pera dahil walang send c coins.ph na gagamiting control o traking number para mailash out ito...ang !asama dito nagkakalat pa sila ng msg sa mga kakilala...which is hindi dapat lalo pag walang lumabas at natnggap na pera kase paninira yon..
ReplyDelete