Wednesday, August 29, 2018

Pondo Peso Versus Peso Loan -Anong Mas Maganda?

Actually, wala naman talagang mas maganda sa kanila. Pareho lang ang interest na pinapatong nila sa bawat approved loan nyo. Although, hindi pa naman confirm kung totoong sister company nga sila. Pero marami ng client ang nagsasabing iisa lang ang mother company na pinagsimulan dahil sa pareho ding sender sa kanilang disbursement method. Ang sender ay galing sa ECC Philippines. 

Kung ganun, hindi taga Pilipinas ang company na ito. Based doon sa mga nakaraang post natin na kapag ini-link mo ang iyong gmail account sa Pondo Peso, mag-a-alarm ito na may gustong mag-access from Vietnam. Pero hindi rin natin masasabi na taga Vietnam talaga dahil nauuso na rin ngayon ang VPN, malay natin baka gumamit lang ng ibang IP. 

Ang Pondo Peso ay walang physical office dito sa Pilipinas, kung haloghugin mo ang kanilang website, wala talaga nakalagay na physical address. Wala ding nilagay na cellphone number. Palaisipan pa rin ng karamihan kung paano nakapasok ang Pondo Peso sa Pilipinas. Pero in fairness para sa lending company na ito, marami na silang natutulongan na Pinoy.

Nong nakaraang linggo, nagkagulo ang lahat dahil nasira ang system ni Pondo Peso, nagulantang ang iba dahil tumatawag ito sa mga taong naka stored sa phonebook nila kahit hindi nila ginawa itong character reference. INA-access ni Pondo Peso ang contacts ng client kung hindi ito nagbabayad. Kaya walang kawala ang mga may planong hindi magbabayad kung ayaw nitong mapahiya sa mga kamag-anak at kaibigan.

Hanggang ngayon unstable pa rin ang system ni Pondo Peso. Marami ang hindi nakaka-reloan kahit bayad na sila sa kanilang mga utang. Nanghihinayan sila dahil mabilis lang mag-approved ang Pondo Peso na hindi gaya sa ibang online lending companies. Kahit paman, mayrong hindi magandang feedback sa kanila, mas marami pa din naman ang gustong mag loan sa kanila. Kaso lang, ngayon napakahirap ng mag-apply ng loan dahil naka-limit sa iilang tao lang ang niririlesan nila ng pera.


Sa mga may utang pa kay Pondo Peso at nagbabalak na umutang din kay Peso Loan, huwag na kayong mag-attempt pa dahil mari-reject lang din kayo. ASikasuhin muna ang pagbabayad sa Pondo Peso para makakautang kayo sa Peso Loan na pinaghihinalaang iisa lang. 

ABANGAN ANG SUSUNOD NAMING MGA UPDATES TUNGKOL SA DALAWA.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.