Prepaid Cards Vs Postpaid Plans: Alin ang mas nakakatipid?

Share:
   
Nangangailangan ng tamang pagbubudget sa iyong paggamit ng cellphone bill, maging ito ay prepaid sim cards o postpaid plans.

   Sa kasalukuyan 60 milyong tao ang gumagamit ng internet, at bihirang tao lamang sa buong kapuluan na hindi gumagamit ng mga cellphone. Ang ilan pa  nga dito ay may dalawang mobile phone pa. Hindi nakakapagtaka na mangyari ito dahil sa mabilis na paglago ng ekonomiya ng smartphones sa merkado ayon sa isinagawang pagsisiyasat ng International Data Corporation (IDC)

   Sa araw araw na pagsakay ko sa MRT at jeepney, ay nakakasalamuha ko ang mga taong hawak hawak ang kanilang mga cellphone na nagiiscroll ng pababa at pataas, na ang iba ay parang kinakausap ang sarili ng malakas, hanggang sa mapansin mo ang Bluetooth speaker na nakalagay sa kanilang mga tenga at ito pala ay isang tawag.  Ang iba naman ay hindi mapigilan ang kanilang pagtawag bunga ng kanilang pinapanood na mga nakakatawang video sa you tube. At lalo sa lahat ang mga taong naglalaro ng Mobile Legends, Clash of clans at ang Everwing.


   Ang pinaka lundo nito: Na tayong mga aktibong gumagamit ng serbisyo ng telecom ay kumakain ng malaki sa ating budget

   Magkano ang ating ginagastos sa loob ng isang buwan? Ito  ba ang pinakamahusay na opsyon sa pananalapi?

Ano ang prepaid?
   Ipinapakita dito na ang paggamit ng Prepaid ay nangangailangang bayaran muna ang kanilang serbisyo bago mo ito magamit, karaniwan ng mayroon na tayong mga mobile phone bago bumili ng sim card. Hindi gaya sa ibang mga bansa na kailangan mong bumilli ng legal na sim card kahit saan ka man pumunta. 
   Karamihan sa ating mga may ari ng cellphone ay may dual sim slot, na nagbibigay kalayaan sa atin na magkaroon ng dalwang aktibong prepaid cards sa parehong panahon, bumili lamang ng prepaid loads para magamit ang serbisyo na may katumbas ng halaga nito.

Ano ang Postpaid?
   Ang Postpaid ay may termino ng ginamit sa konteksto, babayaran mo ang kanilang serbisyo pagkatapos mong gamitin ito.  Karaniwan ng ito ay binubuo ng mga plano na maaari mong kunin nakapaloob dito saktong halaga ng iyong babayaran kasama na dito kung ilang minuto ng tawag at bilang ng mga text.

   Kaakibat nito mayroon itong legal na kontrata, upang mapakinabangan mo ito, nangangailangan ng balidong ID na galing sa ating pamahalaan, katibayan ng pagbabayad Meralco bill man ito o water bill, at katibayan na iyong pinagkakakitaan.

Round 1: Tagal
   Nasubukan mo na bang magparehistro para sa promo ng prepaid gamit ang iyong mobile load? Nakadepende ito sa pagsasalarawan sayo, kung ito ay isang buong araw, isang linggo o isang buwan mong gagamitin. Siguruhing tandaan ang expiration, kung patuloy mong gagamitin ang ganitong serbisyo ng lampas sa itinakdang oras at araw kinakailangan mong muling magbayad para ito ay iyong magamit.

   Sabihin na nating nakarehistro ka ng GOTSCOMBODD70 sa iyong Globe sim card. Makakakuha ka ditto ng 1GB data at unlimited SMS sa lahat ng network sa loob ng isang linggo. Ang aking kaibigan ay gumagamit ng ganitong promo, subalit kapag nakakalimutan nyang i-off ang kanyang data pagkatapos ng expiration nito, kinakain nito ang kanyang regular na load.


   Sa kabilang banda, ang postpaid naman ay kagaya ng isang pautang, na magagamit mo ngayon at pagkatapos ito iyong bayaran sa itinakdang panahon ng iyong pagbabayad. Sa round na ito, sa aking palagay ito ay para sa postpaid. Ginagamit ko ang postpaid plan para sa pocket wi fi, sapagkat araw araw akong bumibyahe sa buong metro manila at wala akong oras para magload araw araw, kaya naman ang pinakamahusay na aking pipiliin ay ang magbayad ng minsanan sa loob ng isang buwan.

   Kung ikaw ay naman masyadong busy upang magbayad bago o ang mismong takdang petsa ng pagbabayad, maaari kang magbayad gamit ang iyong bank account automation o online banking

Round 2: Invoice
   Kapag bibilli ng prepaid load, pumunta lamang sa pinakamalapit na loading station, ilagay ang iyong numero at piliin ang iyong promo code. Kung ito ba All Txt 10, All Out Surf 50 o kaya naman ay regular load?  Magbayad lamang at maaari mo na itong gamitin ng walang ng ibang babayaran.

   Sa Postpaid makakakuha ka ng bill buwan buwan, ito man ay nakaprint sa isang papel o ipinapadala sayo sa email, maaari mo itong gamitin bilang proof of billing. Maraming mga pinansyal na institusyon ang tumatanggap ng bills na galing sa mga telecoms bilang isang balidong patunay ng proof of billing.

   Madaling mag apply para sa isang postpaid account, kung ikaw ay naghahanap ng loan sa kahit saang rehistradong nagpapautang maging ito man ay mga bangko, Mabuti itong simula, maliwanag at halata naman na ang round na ito ay para sa postpaid.

Round 3: Plano
   Ang Prepaid ay isang nakapirmi at rehistradong  plano na kung saan sisingilin ka sa tamang oras, pagkatapos mong magrehistro, ang angkop na halaga ay ibabawas sa iyong regular na load. Ang promo ay tumatagal lamang at nawawalan ng bisa ayon sa promo na iyong ginamit. Halimbawa na, na ang iyong inirehistro ay 2GB ito ay magagamit mo sa loob ng isang linggo, kung gamitin mo naman ito ng walang patumanggang paggamit tyak na ito ay mauubos kahit pa na nakasaad dito na ito ay magagamit sa loob ng isang linggo, at tyak din na mababawasan ang iyong regular na load.

   Magkakaroon ito ng epekto sa iyong wallet, kung sakaling ginamit mo ang load hindi mo na  magagamit ang kanilang serbisyo. Syempre makukuha mo iyong load sa pamamagitan ng pautang. Halimbawa ng naka-avail ka ng 3 pesos na load, kailangan mo itong bayaran ng 4 pesos sa susunod na magpaload ka.


   Ang serbisyo sa Postpaid ay may kakayahang umangkop sa ating pangangailangan. Sisingilin ka nila ng isang premium subalit maaari mo pa ring gamitin ang kanilang serbisyo kahit na ito lampas sa limitasyon nito. Hindi rin magkakaroon ng malaking epekto ito sa iyong mga pananalapi hanggang sa dumating ang iyong bill.

   Sa aking palagay ang round na ito ay para sa prepaid, sa dahilang nakapirmi na ito at madali mong masubaybayan ang iyong mga gastos. Kung ikaw ay may nakapirmi at budgeted na halaga ng load, maaari kang kumuha ng angkop na promo lamang ng naaayon sa iyong budget.

   Ang pagkabigo na masubaybayan mo ang paggamit ng postpaid na serbisyo ay magreresulta ng iyong pagkabigla sa laki ng iyong babayaran.

Round 4: Pagbabago
   Baguhin ang iyong prepaid sim network at promo  anumang oras na gustuhin mo. Maaari kang bumili ng SIM cards sa kahit anong convenience store o sa kahit saang lugar, kahit na nga sa mga entrances  ng mall. Kung gusto mong palitan ang iyong numero, o dahil kaya sa Nawala ang dating mong sim card, maaari mo itong palitan kahit anung oras na gugustuhin mo. Ang pagpapalit ng network provider ay madali din, sa paglalagay mo ng iyong bagong sim card sa iyong cellphone napalitan na ito lahat.


   Ang postpaid plan ay natatali ka sa isang kasunduan sa loob ng itinakdang panahon,  kung gusto mong palitan ang iyong numero, kailangan mong tumawag o magsadya sa iyong service provider,karagdagan pa rito hindi mo mapapalitan ang iyong network provider sa buong panahon ng inyong kasunduan na may panahong 6 na buwan hanggang dalawang taon.  Kung sakali naman na hindi mo talaga gusto ang kanilang serbisyo at gusto mo ng tapusin ang inyong kontrata ito ay may katapat na parusa.   

Ang nagwagi sa round na ito ay ang prepaid dahil sa pagiging flexible nito.

Round 5: Phones
   Ang Prepaid ay walang plano o promo na pagpipilian upang makabili ng smartphones. Ito ay mainam kung ikaw ay mayroon ng phone at nais mong manatili na lamang ito, ang Postpaid ay nagbibigay o nag aalok ng mga bagong smartphones na may nakapaloob na kasunduan para dito. Ito ay magaling dahil ang pagbili ng smartphone sa pamamagitan  ng installments ay ginawang madali at abot kaya. Pantay lamang na paghatol para sa round na ito.

Ano ang dapat na piliin prepaid o postpaid?
   Ang Prepaid at Postpaid ay may kani-kaniyang kalamangan, pakinabang at limitasyon, sa huli ang kailangan mong tanungin sa iyong sarili ay ang iyong layunin.

   Kukuha ka ba ng postpaid plan dahil ang iyong mga katrabaho ay mayroon nito? O kaya naman ay dahil sa kinakailangan mo ng madaling access para magamit ito bilang proof of billing sa kahit saang legal na transaksyon?

   Kung ikaw may madalas na gumamit ng serbisyo para sa personal na pangangailangan o kaya naman ay para sa iyong negosyo mas mainam na gamitin ang postpaid na koneksyon, kung hindi makakakuha, piliin na lang ang prepaid na koneksyon.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.