Thursday, August 02, 2018

Prolongation Repayment Kay Moola Lending -Paano?

Five days bago ang aking due date kay Moola Lending, palagi akong nakakatanggap ng tawag galing sa kanila. Simply lang naman ang itatanong nila, kung makakabayad ba ako sa araw ng aking due date o hindi. 

Kung sakaling sasabihin mo na hindi, sasabihin nila sayo ang option na pwede kang mag prolong para hindi lalaki ang inyong interest. Sampung beses na akong umutang sa kanila kaya gustong masusubukan kung paano ba ang prolongation repayment para din may maisasagot ako sa mga nagtatanong sa akin dito sa USAPANG PERA AT IBA PA! blog.

Akala ko papagalitan o marami siyang sasabihin pero ang nangyari hindi yong inaasahan ko. Mahinahon itong nagsabi sa akin na sa P20,000 loan ko na babayaran ko na sana sa due date ay P26,000. Kung pipiliin ko ang prolongation, magbabayad lang ako ng P6,000 para ma extend ng another 30 days ang loan ko sa Moola Lending.

Tinanonk ko siya, after 30 days magkano ang babayaran ko? Ang sagot nya, magbabayad ako ng P26,000 plus P700 so magiging P26,700. Ngayon kung mag-extend ako, P6,000 lang talaga ang babayaran, saka na ang P700 after 30 days. Ang P6,000 ay para sa interest at ang P700 ay para sa prolongation fees. Sa prolongation period mawawala ang Processing Fees kasi hindi ka nag-aaplay ng loan. 

Ibig sabihin kung kulang ang pabayad mo piliin mo nalang muna ang Prolong repayment instead na mag fully paid tapos magreloan ulit. Dahil every reloan, sakaling P20,000 ang reloan mo, P2,000 ang mababawas dahil sa processing fees. Kaya mas mabuting mag prolong kay sa mag reloan dahil makaka-save kapa ng P2,000 na dapat mapupunta sa processing fees. Kung hindi mo na kailangan pang mag reloan at parang ramdam mo na ang laki ng interest saka mo pa bayaran ng buo para maghiwalay na kayo ni Moola Lending.

Ngayon ko lang na intindihan ang ganitong mga bayarin. Dati kasi meron nagtatanong at hindi ko masagot dahil hindi naman ako nakaranas ng ganun since nagstart akong mangutang kay Moola Lending. Actually ang ma-save mo lang ay P1,300 kung hindi kayo mag reloan, mag prolong nalang kayo. Sa P2,000 na processing fees na ibabawas every loan, ito'y mababawasan P700 para sa prolong repayment. Kaya hindi kapa rin lugi sakaling pipiliin mo ang prolong kay sa mag reloan.

Sana hindi nalang ako nag reloan simula nong na grant yong P20,000 reloan ko. Kung tinuloy ko nalang sana ang pag prolong at babayaran lang lagi ang P6,000 na interest at P700 na prolong repayment, makaka-save ako ng P9,100. Kaya kung ramdam nyo na kulang pambabayad nyo, mag-prolong nalang kayo para hindi kayo mahihirapan.

By the way, tapos naming mag-usap ng agent, I received an SMS na naglalaman sa detalye ng aking prolong repayment. Nakalagay na amoung ay P6,000. Hindi ako nahirapan makikipag-usap sa kanila at mag-explain. Sa ibang lending, gusto ko rin susubukan para may idea din tayo kung gaano ka angas ang mga collectors nila. We will do some survey experience sa mga existing lending companies. Maaaring makikiusap ang USAPANG PERA AT IBA PA!! blog sa mga followers namin para masubukan ang mga lending companies na hindi kami nakapag-apply ng loan. We do hope somebody will coordinate with us.


Prolong
If you are unable to repay your loan within the due date, we offer prolongation for another 30 days. Note: prolongation interest and fees will be applied.

Make a payment of 6,000 PHP using your Reference number at our official payment partners. 

How to Repay a Loan from MoolaLending
For collections and payment, contact: collections
Hours of operation: 10:00AM – 8:00PM


1. Go to a payment partner branch.

2. Complete the needed information for the Bills Payment Kiosk/Form.
Pay only via our partner DRAGON LOANS and DRAGONPAY
Always use the reference number we gave you on repaying.

Paying via 7 Eleven c/o DRAGON LOANS
Use the 7-Eleven Cliqq kiosk and go to Bills Payment > Loans > DRAGON LOANS.

Paying via Bayad Center, SM Payment Counters c/o DRAGONPAY
(SM Department Store, SM Hypermart, SM Supermart, SM Savemore), Cebuana Lhuillier, LBC, or Robinson’s Payment Center Get a payment form and write DRAGON PAY as Receiver/Biller Name.


3. Make a payment and receive a payment confirmation receipt.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.