Sunday, August 26, 2018

SAKIT NG MGA NANGUNGUTANG -ALAMIN?

Iba-iba ang reaction ng mga netizen nong makita nila ang isang trending photos na naging viral hindi lang sa mga utang group, pati sa newsfeed namin dito sa USAPANG PERA hindi nakaligtas. Nakakatuwang basahin pero may malaking kahulugan para sa lahat na mga tao na marunong manghiram pero hindi marunong magbayad ng utang. Kinuha lang namin ang mga nakakatuwang komento sa larawang ito, at alam din namin na mayron din kayong opinion kapag nababasa nyo ang tungkol dito.

Pepito R..... hindi lang amnesia pati sakit sa puso kasi pag sinisingil na nagkaka alta presyon at hinihimatay kaya di na natutuloy ang paniningil kaya paki usap wag na kayong mangutang kayo rin hehehe

Ishaan San ..... At hanggang ngaun walang gamot dyan ayon sa mga scientifico.

Kakeru Y.... May side effect pang sakit yan..... PAMAMANHID at PANINIGAS ng MUKHA

Edna G..... Madali lang naman gamot ng amnesia, ipost lang ang picture ng may utang, gagaling kaagad

Ricardo B...... Kapag nangutang ka dalawa titingnan mo yong inutang at yong utang na loob dahil pinaluagan ka sa oras ng kagipitan mo ang utang na loob hindi yan basta nababayaran

Lolita M..... May alta presyon ding involved kasi pag siningil mo ang may utang sila pang magagalit.

Marilou B..... khit pacenxia nka2limutan sbhin sa inutangan.....

Ruth M...... May gamot sa AMNESYA pautangin mo uli ha ha ha

Kanya-kanyang komento, pero iisa lang naman ang point nito. Kung nangutang ka, dapat mong bayaran...kung sakaling nagkaproblema man at hindi agad nabayaran, dapat itatak mo sa iyong isip na bayarin mo pa rin ito at hindi pwedeng kalimutan nalang ng bast-basta. Masakit isipin ang daming may sakit na ganito lalo na kapag  hindi nila ramdam ang pera na inutang nila. 

Ikaw mayron ka bang kwento na ganito? O di kaya'y may kilala kabang nagkakasakit ng AMNESIA kapag pinautang mo na? Ikwento mo na ito sa amin....

Note: Hindi lahat may ganitong sakit...marami din ang marunong magbayad ng utang. Ang post na ito ay paalaala lang para sa mga taong tamad magbayad at madaling makakalimot ng UTANG.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.