Friday, August 10, 2018

Sino Ang Nasa Antas ng Middle Class Dito sa Pilipinas?

Ayon sa pag-aaral ng National Statistic Coordination Board, 3 sa 20  pamilya ang kabilang sa middle class na antas, kung saan two thirds sa ating populasyon ay naninirahan sa urban areas, ang middle class ay sa pagitan ng mahirap at mayayamang pamilya at base na rin sa pag-aaral mas kakaunti lamang ang nasa middle class na sector.

Kagaya nga ng nasabi kanina ang middle class na antas ay sa pagitan ng mahirap at mayaman, sa ganitong antas sila ay yung may kakayahang pumili ng kanilang pamumuhay at ito ay sapat lamang sa kanilang gusto at hindi nakokompromiso ang pangunahin nilang pangangailangan. Sa katulad nating papaunlad pa lamang na bansa lubhang mahalaga ang socioeconomic class na katayuan para sa ating ekonomiya.

Ang pagtukoy sa kung sino ang mayaman at ang hindi ay sadyang madali para sa mata ng pangkaraniwang tao, subalit kung hihimayin natin ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang klasipikasyong ito ay hindi madali.

Sa anong kategorya ka ba kabilang? Magkno ang iyong kita at gastos?
Una na dito ang pagdetermina ng pangkalahatang kita ng isang pamilya, ang pagdetemina ng kalagayan ng isang indibidwal batay  sa estado ng ating socioeconomic, kagaya sa ating bansa, na kung saan ang pagkaklasipika ay binabatay sa kalagayan ng pananalapi. Ang isa pang dahilan ng pagdetermina ng klasipikasyon ay ang matukoy ang paggasta ng isang pamilya, ang ratio ng kabuuang gastos sa buwanang kita ng isang pamilya.  Ayon sa National Statistic coordination Board’s (NSCB) o mas kilala sa Philippine statistic Authority (PSA)  ang kita ng isang nasa average na pamilya ay nasa tatlong pag-uuri.  Ang NCSB ay grinupo ang bawat pamilya sa tatlo ito ay batay na rin sa kita at paggasta ng bawat pamilya, ito ay may mataas na kita, may katatamtamang kita, at ang huli ay ang  maliit ang kita.

Ayon sa tala ng NCSB ang bawat gastusin ng pamilya na  nasa middle class ay gumagastos ng 34% ng kanilang kita sa pagkain, 13.9%  sa upa sa tirahan/ o gastos sa bahay, 9.8% sa transportasyon, 7.7% sa iba’t ibang bayarin, 5.9% sa edukasyoon, at 21.9% ay para paglilibang sa sarili kasama na rito ang kanilang ipon.

Tandaan na ang datos na ito ay ginagamit bilang basehan lamang ng pagkakalisipika ng bawat pamilya, ang ibang ari-arian o mga propriyedad ay hindi kasama sa pag-aaral na ito, ganunpaman, ang mga figures na ito ay nakadepende sa lugar o rehiyon, kagaya sa davao na ang pamumuhay ay hindi kasing mahal kagaya ng sa maynila o sa cebu.

Ikaw ba ay nasa middle class na pamilya?
Base sa mga datos ng NCSB, para maikonsidera na ikaw ay nasa middle class may mga tatlong bagay na pamantayan para rito.

Ang isang pamilya na may kitang P11,915 hanggang P45,526 kada buwan o P142,795 hanggang 594,317 kada taon,  habang malaki ang pamilya, kailangan malaki din ang kita nito upang umakma sa klasipikasyon ng middle class.


Kung ikaw ay nag-iisa lamang ikaw ay babagsak sa gitnang sektor na klasipikasyon sapagkat malaya kang masusunod ang iyong mga ibig ng hindi nasasakripisyo ang mga pang araw-araw na gastusin, gaya ng pagkain, transportasyon at tahanan at marami pang iba.

Humigit kumulang ang 21.9% na matitira sa iyong kita ay nasa iyong discretion kung paano mo ito gagamitin. Kung ito ba ay gagamitin mo sa pagbili ng isang mamahaling bagay, sa bakasyon, sa investment, sa madaling salita ang matitirang perang ito ay maari mong gamitin sa kahit na anong ibig mo o dili naman kaya ay iyo na lamang itong ipunin. Sa kabuuan, upang masabi na ikaw ay nasa middle class kailangang ang iyong average na gastos ay nasa 66.2%, mas kakaunting paggastos mas mainam .

Anu ang panganib ng nasa middle class.
Hindi natin makakaila na ang pinakamabigat na banta sa mga nasa middle class ay ang pagbaba at pagtaas ng ekonomiya,  sa ganitong sitwasyon unang nakakaranas nito ay ang nasa middle class

Paglikha ng trabaho
Karaniwan na ang nasa middle class ay nakadepende sa kanilang sahod. Na ang ibig sabihin nito na ang nasa ganitong antas ng populasyon ay nagtatrabaho, sa katunayan nito hindi lamang sa ating bansa ang may ganitong sistema saklaw nito ang buong mundo.

Kapag ang isang bansa ay nawalan ng mga kumpanya na sapat na nagbabayad para sa mga nagtatrabaho ito ay nagbubunga ng pagbagsak ng ekonomiya, kagaya ng nangyari sa america noong 2000 bumagsak ang kanilang ekonomiya na nagresulta ng pagkawala ng trabaho ng marami kabilang na dito ang nsa middle class. Kabaligtaran naman ng nangyari sa ating bansa na dumami ang trabaho at tumaas ang antas ng ekonomiya at dito rin sumilang ang Business Process Outsourcing (BPO)
Inflation

Ang inflation ay lubhang malaki ang epekto sa atin , lalo na ng nasa gitnang sector ng lipunan, ibig sabihin lamang nito na ang implikasyon sa kanila nito ay hindi maganda, makikita dito ang pagkakaiba ng kahirapan at katatagan sa pananalapi, at  ang pagtaas ng bilihin ang maghihila pababa ng nasa gitnang sector.

Kapag ang halaga ng pamumuhay ay tumaas bunga ng pagdagdag sa buwis na ating babayaran atin ito agad na mararamdaman, ang ating pamahalaan ay kagyat na gagawa ng paraan para rito, at muling panunumbalikin nito ang nasa ibabang bahagi ng ating lipunan pataas. 

Social safety nets
Ang pagsisikap ng ating gobyerno na matugunan ang mga pangangailangang pinansyal ng bawat isa at maipaabot ito sa pamamagitan ng mga ahensyang gaya ng philhealth, pag-ibig at ng SSS, sapagkat alam ng ating gobyerno na kailangan natin ito dahil sa ang nasa gitnang sektor ng lipunan ang siyang may pinakamalaki at aktibong nag-aambag ng pondo para rito.

Ang pag-ibig ang pinakamadaling malapitan ng mga mahihirap at nasa gitnang sector ng lipunan kung ang pag-uusapan ay ang pagbili ng tahanan, kung ikukumpara ito sa banko ang ang pag-ibig ay nabibilang sa socioeconomic classes, kung ang pinansyal na tulong mula sa ating gobyerno ay hindi maging mabisa magiging sagabal ito para sa mga nasa gitnang sector.

Ang ekonomiya at ang gitnang sector
Nagkakaroon ng maling akala ang ilan sa pagtatakda ng gitnang sector at ng mahirap na sector, ang basehan ng iba na kapag nakakakangat ka na ay mayaman na at yung hindi ay mahirap na, kagaya nga ng nasabi na may mga pamantayang sinusunod para dito, at hindi nga lang malinaw sapagkat ang nasa gitnang sector ay sumusunod sa galaw ng ating ekonomiya.

Ang nasa mahihirap na sector ay nasa mahigpit ding pangangailangan sa paggastos, ang nasa gitnang sector naman ay may kakayahan sa paggastos na maaari ding magresulta ng kahirapan kung labis ang paggastos nito. Ayon kay Michael Ettlinger ng American Progress org. ang susi ng isang malakas at magandang ekonomiya ay nasa gitnang sector, bakit? Sapagkat karamihan ng mamimili ay nasa bahagi ng gitnang sector, maaring sila ang maging sukatan ng magandang lagay ng ekonomiya at maging mukha nito.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.