SSS Online Payment for OFW

Share:
Mga paraan ng SSS para sa Online payment para sa mga OFW

Magandang balita sa mga kababayan nating OFW! Gamit ang pasilidad ng SSS para sa online payment para sa mga ofw, self-employed, at mga boluntaryong miyembro. Ang SSS ay naglunsad ng online service na pinapayagan ang ating mga kababayan na nasa ibayong dagat na makapagbayad ng kanilang loan sa pamamagitan ng online payment.

SSS Online Payment para sa mga OFW
Ang pasilidad na ito ay binuo ng SSS upang matulungan ang mga kababayan natin na nsa ibayong dagat upang maging magaan at mabilis  ang kanilang  pagbabayad ng kanilang kontibusyon at pagbabayad sa kanilang mga loan, kahit saan at kahit anumang oras na hindi na kailangan pang pumunta ng opisina ng SSS, banko o kahit sa alinmang payment centers. Sa ganitong pamamaraan mababawasan ang mga buwan na hindi malalaagpasan na hindi mabayaran at maging ang inyong loan, kaya naman madaling mamonitor ang lahat ng iyong mga transakyon pagkatapos ng iyong mapili kung anu ang skedyul ng iyong pagbabayad maging ito man ay buwanan o twing sa ikatlong buwan.

Magkano ang iyong binabayarang SSS contribution? Maaari mo itong maitsek gamit ang SSS contribution table.  Maaari mo ring makita ang iyong SSS contribution, gamit ang SSS online inquiry system, kahit pa ito ay ang iyong mga nkaraang bayad sa iyong kontribusyon pa, maging ang iyong impormasyon at ang history ng iyong pinasukang trabaho, maging ang iyong loan at marami pang iba, maari mo din itong iprint kung sakali kailanganin mo ng kopya nito.

Pamamaraan sa SSS Online Payment
May dalawang paraan upang mabayaran ang iyong SSS contribution at ang pagbabayad mo ng iyong loan. Una gamit ang bancnet pangalawa gamit naman ang online banking ng mga kapartner na bangko ng SSS gaya ng union bank, bdo, bpi, metrobank, eastwest bank at mga katulad nito, ating tatalakayin ang dalawang pamamaraang  ito.

SSS online payment gamit ang Bancnet
Ating simulan sa pinakamadaling paraan gamit ang Bancnet. Ang kagandahan sa paggamit ng online payment na ito ay hindi mo na kailangan na magparehistro pa para makabayad ng iyong SSS payment. Ang Bancnet ay pinoprotektahan ang ating privacy at security, kaya naman ligtas itong gamitin.

Mga benepisyo gamit ang Bancnet

Ligtas at secure
Hindi na kinakailangan pang magparehistro
Walang babayaran para sa anumang transakyon
Walang dagdag na bayarin

Mga hakbangin sa kung paano makapagbayad sa SSS online
1. Bisitahin a ng bancnet SSS payment portal sa www.bancnetonline.com
2. Piliin kung aling bangko ang iyong gagamitin para sa pagbabayad
3. Pindutin ang “I Agree” na buton para sa terms and conditions
4. Ilagay ang iyong bank account na mga detalye gaya ng iyong atm card number account type at atm pin
5. Ilagay ang 10 digit ng iyong sss number  at 6 digits na naglalaman ng buwan at ang taon (yyyy) – (XXXXXXXXXXmmyyyy)
6. Ilagay  ang halaga ng iyong babayaran
7. Pindutin ang “SUBMIT”


Gamit ang bangko sa pagbabayad ng iyong SSS online payment
Ilan sa mga bangko sa ngayon ay nakikipag ugnayan sa SSS para sa pagkolekta ng mga remittance, pagbabayad ng SSS Contributions at maging sa pagbabayad ng loan. Ito ay nakadepende pa rin sa iyong banko, kailangan lamang na maglog in ka muna gamit ang iyong online banking bank, magtungo sa payment section at piliin ang SSS bilang iyong napiling institusyon. 

Pagkatapos nito ilagay ang detalye ng pagbabayad, madali lang din itong gawin kung may katanungan o kaya naman ay may gusto kayong ibahagi ukol sa pagbabayd ng inyong SSS Contribution, maari nyo itong ibahagi sa pamamagitan ng comments section

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.