Ikaw ba ay miyembro ng SSS, subalit wala pang My.SSS account, mas mainam na malaman at gawin na ito ngayon upang magamit ang benepisyo ng SSS Online Service Facility.
Ano ang My.SSS?
Ang My.SSS online service portal ay ginawa upang mapabilis ang pagrerehistro ng isang miyembro at nagbibigay daan sa mas magaan at mas ligtas na pag-access ng kanilang social security records online.
Upang magamit ang pasilidad na ito, kinakailangan ng smartphone, tablet, laptop o computer na kokonekta sa internet, ibig sabihin nito na maaari ka ng gumawa ng transaksyon sa SSS sa kahit anung oras at kahit saan ng hindi ka na gumugugol ng panahong pumunta sa sangay ng SSS at mag-aksaya na pumila pa.
Bakit kailangan magregister sa SSS ONLINE?
Ito ay ginawa para sa kaginhawahan ng lahat ng miyembro. Ang paggamit ng My.SSS account online ay makakatipid ng maraming oras, enerhiya, at stress, dahil maaari kang makipag-ugnayan sa kanila kahit na ikaw ay nasa iyong tahanan, o nasa oras ka man ng trabaho.
Narito ang mga ilang bagay na maaari mong gawin sa iyong My.SSS account
-Tingnan, idownload at iprint ang iyong membership record.
-Suriin ang iyong naipost na kontribusyon.
-Gumawa ng transaksyon sa online gaya ng pagfile ng iyong salary loan, at pag apply ng SSS maternity benefits.
-Tingnan ang iyong tala ng pagbabayad.
-Tingnan ang mga detalye ng iyong SSS benefit claims.
-Magpaskedyul ng appointment sa sangay ng SSS.
Kung may katanungan, maaaring magreport o makipag ugnayan sa SSS sa Members forum upang matalakay ang kaugnay na isyu ng miyembro sa online portal.
Kinakailangan na dumaan din ang miyembro ng SSS sa proseso ng registration online, para makatiyak sa seguridad ng identity theft, sa twing makikipagtransact sa SSS sa pamamagitan ng internet.
Sino-sino ang maaaring magparehistro?
Hinihikayat ang lahat ng miyembro na magparehistro para sa online account sa My.SSS, maaari kang magsign-up para sa online SSS account kung ikaw ay kabilang sa mga sumusunod:
-Emplyedo na saklaw ng SSS
-Self-employed o boluntaryong miyembro
-Mga Manggagawang Filipino sa Abroad (OFW’s)
-Mga asawang walang trabaho na may hindi baba na isang buwang kntribusyon.
-Kasambahay o iba pang empleyado sa bahay.
4 na gabay sa SSS Online Registration
Ang paggawa ng SSS online Registration ay pinadali kung susundin mo ito ng tamas a itinalagang proseso nito, Bago magsimula kinakailangang masiguro na ang gagamitin mong web browser ay Internet Explorer 11. Sapagkat ang SSS site ay hindi gumagana ng maayos sa ibang web browser gaya ng Google chrome and Mozilla Firefox.
Hakbang 1: Pumunta sa SSS website’s online registration page.
Iaccess ang Online MThe page magpapakita ito sau ng limang pagpipilian. Mamili ka ng isang impormasyon na dati ng nakarehistro sa SSS.
Savings Account Number / Citibank Cash Card / UBP Quick Card / UMID – ATM Saving Account Number Registered in SSS
Mobile Number Registered in SSS
UMID CARD
Employer ID Number / Household Employer ID Number
Payment Reference Number / SBR No. / Payment Receipt Transaction Number
Hakbang 2. Sagutan ang mga impormasyong kinakailangan sa online form.
Laging tandaan na suriing mabuti at tiyakin na lahat ng dapat sagutan ang nasagutan ng tama.
Kung ang inyong pangalan ay lumampas sa limitasyon ng karakter,gamitin ang katulad na format ng iyong SSS ID o UMID card, Maaari kang makipag-ugnayan sa kanilang hotline( 920-6446 hanggang 55) kung ikaw ay wala pang ID sa kasalukuyan.
Maaari mong iwang blangko ang iyong middle name kung ikaw ay walang middle name, dahil hindi naman ito kinakailangang impormasyon.
Upang maipasok ang petsa ng iyong kapanganakan, gamitin ang drop-down calendar para maiiwasan ang error ng inyong SSS Online Registration.
Kung pinili mo ang “UMID CARD” sa unang hakbang, hihingin nila ang iyong UMID card pin code.
Wala pang pin code? Kailangan mong iactivate ang iyong UMID card sa SSS information Terminal sa mga piling sangay ng SSS.
Huwag kalimutang ipasok ang captcha code sa ibabang bahagi ng page, at lagyan ng tsek ang maliit na kahon nito sa tabi ng “ Tinatanggap ko ang Tuntunin ng Serbisyo”
Kapag natapos na, tingnang maigi ang lahat ng impormasyon. Pindutin ang Submit Button.
Isang maikling mensahe ang lalabas upang kumpirmahin na matagumpay ang iyong pagsusumite ng iyong SSS online registration. Pindutin ang OK.
Hakbang 3. Tingnan ang iyong email pagkalipas ng 30 minuto.
Pagkaraan mong maisubmit ang iyong My.SSS sa web registratiom application, susuriin ng SSS ang iyong impormasyon kung magtutugma ito sa kanilang record, at kung magtutugma sa loob lamang ng 30 minuto ay makatatanggap ka ng mensahe galing sa web.notifications@sss.gov.ph, at ang mensaheng ito ay naglalaman ng activation link at ang iyong User ID.
Kung ang iyong email address na ibinigay ay hindi yahoo mail, (e.g. Gmail, Hotmail, etc.) kung hindi mo makita sa iyong pangunahing inbox tingnan mo ito sa iyong spam folder.
Hakbang 4: Iactivate ang iyong My.SSS account
Kapag natanggap mo ang email galing sa SSS, pindutin mo ang activation link na kanilang ibinigay. Sa loob ng limang araw kailangan mo itong iactivate , sapagkat mawawalang bisa ito, at uulitin mo ito ulit sa simula.
Sa pagclick mo ng link na ibinigay sayo mapupunta ka sa isang page na kailangan mong gumawa ng isang password at itype ulit ito upang kumpirmahin ito.Tiyakin na nakakatugon iyong password sa mga kinakailangang ito.
-8 hanggang 20 alphanumeric na numero
-Ang unang karakter ay alpabeto
-Walang special na karakter
-Dapat na naiiba ito sa iyong User ID
Kapag natapos na, pindutin ang submit button. Kung ang dalawang password ay nagtugma, direktang papasok ka sa My.SSS account
Huling Mensahe
Kapag ang isang miyembro na sinubukang magparehistro sa My.SSS ay nakatanggap ng isang mensahe mula sa kanyang email na nagsasaad ng kanyang pagkabigo sa kanyang pagrerehistro, ito ay nangangahulugan lang na may natagpuan ang Sistema ng SSS na hindi pagkakatugma ng iyong mga isinumiteng impormasyon na nasa kanilang rekord, maaari din naman na ang kinakailangan format ng aplikasyon ay hindi nasunod.
Kung hindi naging matagumpay ang iyong pagpaparehistro sa SSS, maaari mong gawin ang mga sumusunod na hakbang, (sumangguni sa hakbang 1) para kayo ay matulungan
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.