Tala -Paano Mag-Reloan Gamit ang Coins.ph?

Share:

Sundan nyo kung paano ko ginawa ang aking 12th RELOAN few minutes lang pagkatapos kung bayaran ang aking loan sa TALA PHILIPPINES. 

Dahil Fully Paid na ang loan ko, pwede na akong mag-apply ng another loan sa kanila.


Kapag ganito na ang mababasa mo sa inyong cellphone screen sa loob ng Tala app, pwede mo ng PINDUTIN ang APPLY NOW button.



Sa page na ito, kailangan mong sagutin ang kanilang survey question para kayo ay makapagpatuloy sa inyong reloan transaction. Gawin nyong brief at concise ang inyong sagot sa HOW DID YOU USE YOUR LAST LOAN? 

Paano mo nga ba ginamit ang inyong previous loan? Huwag naman sana kayong sumagot na pinamili o ginamit nyo lang sa inyong bisyo. Syempre yong valuable na makakatulong sa iyo at sa pamilya mo.

What would you like to use your loan for? Pwede mong sagutin na Business Expense or Personal Expense. Depende sayo kung saan mo ito ginamit.

What kind of business of personal expense is this? Kung business ang pinili mo pwede mong sabihin na GROW A BUSINESS kung dagdag puhunan at kung sa personal expenses naman, pwede mong sasabihin na binayad mo sa inyong electricity bill.

Please describe how you will use this loan in more detail? Pwede mong sasabihin na pangdagdag mo ng puhunan para lumaki ng kunti ang iyong capital at malaki na rin ang balik nito. Kung sa personal expenses naman, kinulang ang sweldo ni mister kaya napilitan kang mangutang para hindi maputalan ng tubig at koryente.

Do you have any outstanding loans? Sabihin mo na wala kanang outstanding loan dahil iisipin nila paano ka makakabayad kung mayron kapang another loan kaya, choose NO sa tanong na ito. Then, CLICK NEXT...


Pagkatapos mong pindutin ang NEXT, you have the time to read your answers, kung tama ba o may mga mali sa sagot mo. Kung sakaling may mali o di kaya'y may gusto kapang idagdag, pwede mo pang ma edit ito.

Kung gusto mong dagdagan pa o may mali na gusto mong tanggalin, please pindutin mo ang EDIT na nasa gilid.


Sakaling tama na ang nakasulat sa mga sagot mo, pwede ka ng magpatuloy para sa next step. Pindutin mo lang ang CONTINUE para magpatuloy.
 Kapag napindut mo na ang CONTINUE, malalan mo kung ikaw ay QUALIFIED or DECLINED. Kaya mag-ingat sa pagsagot ng mga survey questions

Kung qualify kayo, makikita nyo kung magkano ang pwede nyong hiramin sa kanila. Kung qualify kayo sa P7,000 tapos sa isip mo masyadong malaki, pwede kang pumili ng amount na mas mababa. Pero hindi ka pwede mamili ng mas malaki pa sa qualified amount na binigay sa iyo.

Kapag nakapili kana ng amount na gusto mong hiramin, pwede mong isagad ang full amount kung kaya mong bayaran.

Kapag nakapili kana ng amount, pindutin ang CHOOSE PAYMENT SCHEDULE. Please huwag mong pindutin ang NO THANKS, ibig kasi sabihin kung pindutin mo yan, hindi mo na ituloy ang pangungutang.
 Dalawang method ang pwede mong pagpipilian. Pwede kang pumili na babayaran mo ang iyong loan within 30 days. Ibig sabihin nito isang beses ka lang magbabayad, on or before 30 days o sa aramismo ng iyong due date. 

Mas mataas ng kunti ang interest nito compared sa pangalawang option.

Kung mabigat sa iyo ang isang beses na pagbabayad, pwede kang pumili ng 21 days. Sa option na ito, weekly mong babayaran ang iyong loan.

3 weeks mo itong babayaran. Sa option na ito, makikita mo ang nakasaad na due dates. Mas mababa ang interest nito kay sa unang option sa pagbabayad.
 Kung nagustuhan mo ang 30 days, just click 30 day para sa repayment schedule mo. at kung gusto mo naman na weekly magbabayad, you can choose 21 days na mas mababa ang interest.

Kung sakaling hindi ka nakakapagbayad sa after 7 days grace period, you will should an 8% 14 days extension fees.

IWASANG MAPINDOT MO ang NO THANKS dahil automatic kayong ma-declined.

Kaya ingat din sa pagpili ng mga tamang kasagutan para hindi ma-bokya.

Kapag nakapili na kayo ng payment schedule na swak sa budget mo, maaai mo ng PINDUTIN ang ACCEPT AND NEXT STEP.


Iwasan ding pindutin ang NO THANKS, siguradong BOKYA ang kahihinatnan nyo kapag sinubukan mong piliin ito.
 Dahil swak sa akin ang 30 day Schedule, kaya yon ang pinili ko everytime magre-RELOAN ako kay Tala.

Dito sa P7,000 reloan ko, ang magiging babayan ko pagdating ng 30 days ay P8,050. Ibig sabihin, P1,050 ang interest na pinatong nila sa aking P7K loan. Not bad compared sa ibang lending companies online.


CLICK the small box para ma-CHECK ito, palatandaan na pumayag kayo sa TERMS AND CONDITIONS ni Tala. 

Once naging kulay ORANGE na ito, pindutin ang CONFIRM para sa next step at page.
Once na CONFIRM mo na, papipiliin kana ng mga disbursement method. May apat na paraan para makuha mo ang iyong pera galing kay Tala.

1. Direct to Bank Account - kailangan mong mag-provide ng account number sa inyong bangko para doon ipasok ni Tala ang pera mo. Mababawasan ka dito ng service fee depende sa amount na ipinasok nila.

2. Padala Center Pickup - kung wala kang bank account at gusto mong makuha sa M.Lhuillier o Palawan Express, piliin mo ito. Kaso nga lang mas mahal ang service fee nito ranging from P30 - P120.

Kaya dapat mong pag-isipan kung saan kayo nakakatipid pero kong walang ibang option, so no choice kana.
 3. Padala Express Pickup -para ito sa mga Tala client na gusto e claim ang kanilang loan sa Cebuana Lhuillier. Mas mabilis ito at mura lang din ang service fees. 10 - 30 minutes mula ng ikaw ay ma-approved kung working days, pwede mo na agad makuha ang pera mo.

4. Coins.ph - ito ang pinakapaborito kong method of disbursement at pati din sa pagbabayad dahil walang additional charges or fees. Buo mong makukuha ang loan mo at minuto lang nasa account mo na. Pati din sa pagbabayad, auto posting at siguradong makaka-reloan ka kaagad.

 Kung pinili mo ang Coins.ph, mababasa mo ang katulad sa larawan sa mismong cellphone screen mo, sa loob ng Tala app.

Siguraduhin na verified na yong account mo para agad maipasok ng system ang iyong loan. Nadi-detect ng system kung hindi verified ang account mo. Pero dati napapasokan pa ito pero ngayon  sa bagong program nila, hindi na talaga papasok ang funds.

Huwag mong piliin ang Coins.ph kung wala kapang account at kung mayron man hindi pa verified, dahil hindi mo ito makukuha.

Tala will advice you na e verify mo muna ang Coins account mo bago nila maipasok ang iyong hihiraming pera.
 Kapag pinili mo ang Coins wallet mo, makikita mo ang page na ito sa iyong cellphone. Make sure na tama ang Account name na nakasulat at pati na rin ang Cellphone number. 

Isang pagkakamali mo sa cellphone number, hindi mo napansin ang tamang number ng iyong cellphone, siguradong sa iba ito papasok.

Walang reversal sa transaction ng Coins.ph kaya dapat mag-ingat sa pag check ng mga detalye na inilagay mo bago gagawin ang transaction.

Kung sigurado kana na tama ang mga detalye, pwede mo ng pindutin ang SUBMIT MY INFO.


Pagkapindut mo ng Submit My Info, mayrong maliit na window ang mag pop-up at mababasa mo ang nasa larawan. Dito inulit ang Coins,ph account Holder Name, syempre dapat pangalan mo nakalagay at ang Recipient's phone number ay dapat number mo din.

Kapag 100% sure kana na tama ang nakasulat, click the button SEND MY LOAN. 

Iwasang pindutin ang cancel dahil babalik ito sa previous page at uulit ka na naman sa pagawa nito.




ONCE na-PINDUT mo na ang SEND MY LOAN, iikot ang Tala logo tulad sa nakita mo sa larawan. 

Siguraduhing may stable internet sa cellphone mo para hindi magka-abirya.

Sa section na ito, it takes around 30 seconds tapos na ang paglipat ng pera mula sa Coins account ng Tala papunta sa Coins account mo.




 Ilang sandali lang, mababasa mo na ang ganito sa screen mo. WE ARE SENDING YOUR LOAN TO YOUR COINS.PH ACCOUNT!

Kung hindi ka aabot dito, ibig sabihin mahina ang internet mo or may problema sa system ni Coins or system ni Tala.

Pinakamatagal dito ay 10  minutes. Normal process ay 30 seconds up to 1 minute lang.

Kung magka problema, agad isumbong sa Tala para mahanap nila ang dahilan kung bakit hindi tumuloy ang paglipat ng pera sa account mmo.

SA PAGE NA ITO YOUR LOAN IS ON THE WAY PERO SA TOTOO NAMAN, PUMASOK NA SA COINS ACCOUNT MO ANG FUNDS.

KASABAY NITO, MAKAKATANGGAP KA NG NOTIFICATION MULA SA COINS NA MAY FUNDS NA PUMASOK AT AGAD DING TUTUNOG ANG CELLPHONE MO DAHIL MAY SMS NA NAGLALAMAN NA SI TALA NAGPADALA SAYO NG PERA THROUGH COINS.




ILANG SIGUNDO LANG PAG REFRESH MO NG IYONG TALA APP, MAKIKITA MO NA AGAD ANG AMOUNT NA KAILANGAN MONG BABAYARAN PAGDATING NG 30 DAYS.




KATUNAYAN NA PUMASOK SA COINS MO ANG INYONG LOAN.



MAKAKATANGGAP KA NG SMS  GALING KAY TALA NA PINADALA NA NILA ANG LOAN MO THROUGH COINS.PH

Sa SMS na ito, makikita mo ang date kung kailan ang due date mo at magkano ang babayaran mo.

Sa mga hindi pa nakakasubok sa humiram kay Tala, pwede kayong umutang sa halagang P1,000 sa inyong first loan. Kapag good payer ka, aabot sa P10,000 ang ipapahiram nila sa iyo.

Gamitin lamang ang referral code ng USAPANG PERA na ito: ALD86C or click this link:  http://inv.re/60qvi

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.