Wednesday, August 08, 2018

Updated LTO Student Permit License Requirements 2018

   
Kung mag-aapply ng LTO student permit o lisensya, narito ang mga kinakailangang dokumento na kailangang isumite sa LTO. Ito ay aplikable para sa ating mga Pilipino at mga banyagang nagnanais na magkaroon ng lisensya. Sundin lamang ang sumusunod na gabay na nakalagay sa post na ito.

    Narito ang ilang mga tips kapag pupunta ng LTO o sa kahit na anumang ahensya ng gobyerno. Huwag pumunta ng araw ng Lunes o twing ika-sampung araw ng buwan, sa kadahilanang maraming tao sa ganitong mga araw, dumating ng maaga sa kahit na anong mang tanggapan upang mauna sa pila, at magdala ng pagkain upang hindi magutom sa paghihintay.

Paano mag-apply sa LTO ng Student Permit o Lisensya
Para makapag-apply ng student permit o lisensya, kailangang ng mga sumusunod:
*Kailangang hindi bababa ang edad ng isang aplikante sa labing-pitong taong gulang.
*Nasa wasto at akmang pag-iisip na magmaneho ng isang sasakyan.
*Marunong magbasa at magsulat ng ating dialekto o ingles o naaangkop sa lokal na dialekto
*Para sa banyagang aplikante, kinakailangang hindi bababa ng labing-walong taong gulang ang edad, at kailangang isang taon ng naninirahan dito sa atin bago ang kanilang aplikasyon.

LTO Student Permit License Requirements 2018
Kapag natugunan na ang mga kwalipikasyong ito, at nakalap na ang mga kinakailangang dokumento para sa aplikasyon ng inyong student permit, kumuha ng sertipikong medikal sa mga lisensyadong klinik na karaniwang makikita sa malapit sa opisina ng LTO.

Ito naman ang mga kinakailangang dokumento na babanggitin sa ibaba, ito ay aplikable sa ating mga Pilipino at mga banyagang dayuhan. 

**Natapos na Aplikasyon form ng driver’s License (download LTO student permit form)

**Orihinal at kopya ng iyong birth certificate na may patotoo ng Philippine Statistic Authority (PSA)

**Kung bababa sa labing-walong taong gulang, kinakailangan ng sulat- patnubay ng magulang na nakalagdang malinaw ang pangalan kalakip ang isang ID nito na may lagda. 

**Isang sertipikong medikal na galing sa lisensyadong manggagamot na nagsasabi na ang aplikante ay nasa wasto at tamang pag-iisip para magmaneho ng isang sasakyan, o kung hindi akma ang isang tao para dito.

**Para sa karagdagang impormasyon na para sa mga dayuhang aplikante, kinakailangan ang orihinal at photocopy ng passport na nakalagay ang petsa ng pagpasok sa bansa na hindi bababa ng isang buwan ang tagal ng visa at isang taon mula sa petsa ng aplikasyon, kung  isinilang naman sa ating bansa ang orihinal at photocopy ng birth certificate na may patotoo ng Philippine Statistic Authority (PSA)

Halaga ng LTO Student License
Nagkakahalaga ng P317.63 pesos ang LTO student license na ipinatupad noong Hulyo 2018.
Pagkuha ng lisensya para sa LTO student permit.

Kailangang isumite ang iyong mga dokumento sa staff ng LTO sa mga itinalagang window. Susuriin at pag-aaralan ng mga kawani ng LTO ang iyong mga dokumento. Kanilang itatala sa LTO system ang iyong mga mahahalagang detalye pagkatapos na maaprubahan ito ng itinalagang opisyal. Muli kang tatawagin para naman sa pagkuha ng litrato pagkuha sa iyong lagda. Pagkaraan nito muling maghintay sa susunod na pagtawag para naman sa pagbabayad. Kadalasan na ang petsa ng pagtanggap ng lisensya ay siya ring nakatatak sa release form.

At para naman sa student license isang card para sa student permit na may kasamang opisyal na resibo ang ibibigay sa isang aplikante. Ang proseso ay simple at madali lang, kinakailangan lang ng mahabang pasensya sa pag-aaply ng lisensya.
Goodluck!

10 comments:

  1. Ask ko lang po saang LTO nag iissue ng studentnpermit n nasa card po i need help po

    ReplyDelete
  2. Mga nasa city na LTO po, nag-i-issue ng card. Dito sa amin sa Davao halos lahat na po.

    ReplyDelete
  3. Tanong ko lang po sir kong saan maka kuha nang student permit nang kagaya sa inyo na yellow

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kahit saang LTO branch pwede po yan. May mga card na kasi ang SP ngayon di kagaya dati na papel lang.

      Delete
  4. Hi! Nagiisue po ba sa main lto ng student license card?

    ReplyDelete
  5. Hi po. Saan pa po merong card kasi I need the card version for my passport application. I went to the east ave branch and paper nalang po meron sila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nakakuha kna bh student permit mo na card format? Kung meron saan ka nakakuha.

      Delete
  6. Hi po. san po kayang LTO pwede kumuha ng student permit card format. need lang po sa passport. papel lang po kase binibigay sa tayuman tondo LTO

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.