Sunday, August 26, 2018

Upeso -Hindi Pa Officially Released

Biglaang nawala sa ere ang Upeso. Marami ang na-alarma dahil hindi na nila mabubuksan ang app na naka-install sa kanilang cellphone, lalo na yong mga papalapit na ang kanilang due date kay Upeso. Inaakala nila baka matulad sa ibang lending na paglagpas ng isang araw at hindi nakakabayad, tinatawagan ang mga taong nakalagay sa kanilang CONTACTS.

Tulad ng sinabi namin sa last update, hindi talaga sila mawawala. Normal lang talaga sa mga mobile app na paging ina-update para maging maayos ang takbo nito lalo na kung marami na ang gumagamit. Mayron ding mga add-on na ilalagay para sa kapakanan ng mga users at sa kompanya na nagmamay-ari nito.

Nagpalabas ng notice ang Upeso sa kanilang fan page na under development na ang kanilang latest version sa Upeso app. Unavailable muna ito sa Google Playstore sa ngayon habang inaayos pa nila ito. Nagpalabas din sila ng LINK para ma-download ang kanilang latest app pero sinubukan namin itong i-download pero hindi talaga ito nagana. Ibig sabihin kailangan nating antayin ang official release ng kanilang new mobile app version para ma-enjoy muli ang kanila loan services.


Kasalukuyan pa rin silang naniningil sa mga nakakautang sa kanila. Mayron silang collection agent na nakatuka dito. Maaari kayong makakatanggap ng SMS or call para ma-remind kayo sa inyong due date kung paano babayaran ang inyong existing loan sa kanila. Huwag mag-alala, babalik sila sa lalong madaling panahon. Unavailable pa sa ngayon ang kanilang LOANS. Tanging pagbabayad lang ng mga may existing loan ang kanilang inasikaso.  Kung gusto nyong makontak ang Upeso, pwede nyo silang i-PM sa kanilang facebook messenger. Sumasagot sila sa mga katanungan pero kailangan lamang ng kunting pasensya na mag-antay ng kanilang reply.

Sa mga nagbabayad na ng kanilang loan pero hindi pa rin updated ang kanilang loan balances, pakitago lang ng resibo para may katunayan kayo na bayad na yong loan nyo. Marami pa din ang reklamo na kahit bayad na sila, sinisingil pa din. Sa ngayon, maaari talagang magkagun dahil sira pa ang app nila. Pero kapag bumalik na sa ayos, mawawala na ang problema ng unposted payment at magiging updated na agad tapos nyong magbayad.

WALANG NEW APPLICANTS MUNA SA NGAYON. Antaying natin ang kanilang official na pagbabalik at official release ng kanilang new mobile app. Kaya habang wala pa sila, try nyo muna ang ibang lending na maaari ding makakatulong sa inyo para makakabayad ng mga bilss nyo.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.