Sa isang punto ng ating buhay ay kailangan nating magdesisyon ng mga nararapat na gawin upang matugunan ang ibang mga kakulangan at makakuha ng tumpak na sagot para rito, sapagkat karamihan sa atin ay nagdadaan sa mga pag-aagam agam at balisang pakiramdam lalo’t pinansyal na suliranin ang pag-uusapan, dahil dito ang pagbubudget ang unang unang ginagawa kapag dumarating ang araw ng sweldo, pagbabayad ng bayarin sa bahay at iba pang bayarin gaya ng loan, sa ganitong sitwasyon pansamantalang napaparalisa ang ating isipan dahil sa pag-iintindi nito kung paano mapapagkasya ang salaping kinita, ganunpaman lahat tayo ay binigyang laya upang makahinga ng maluwag sa mga alalahaning ito kaya naman upang makatulong narito ang limang pamamaraan upang ito ay maibsan.
Bilin lamang kung anu ang ating kailangan.
Ang pagbili ng ating mga nais ay lubos na nagdudulot ng ating kasiyahan na lalong gumastos, at ito naman ay kaunawa-unawa sapagkat ito ay gantimpala natin sa ating mga sarili dahil sa ating mahaba at nakakapagod na mga paggawa, subalit kailangan din naman nating tanungin ang ating mga sarili kung “ kailangan ba natin ito?” ang ating mga pangangailangan ay dapat bigyang prayoridad sapagkat ito ay ating kailangan subalit kung ito ay labis sa ating pangangailangan at masasakripisyo ang ibang bagay ito ay hindi nararapat at ito ay makakapag-intay.
Ipagbili ang mga bagay na hindi na ginagamit.
Sa ibang banda ang ibang tao naman ay nagkakaroon ng kaisipan na ibenta ang mga bagay na hindi na nila kailangan na sa tingin nila ay maaari pang ibenta, sa ganitong paraan makadaragdag ito sa kanilang salaping ipon at ito ay maaari din nilang magamit sa mga biglaang pangangailangan, at sa ganitong paraan mababawasan din ang mga kalat na lamang sa bahay.
Putulin ang pagkain sa labas.
Dahil sa bilis ng pag-usad ng panahon at dahil na rin sa kawalang ng panahon sa pagluluto ng ilan ang pinakakombinyeteng paraan para sa kanila ay ang pagkain sa mga fast foodchain at kumain ng mga paboritong pagkain gaya ng burger at fries subalit mas magiging kombinyete at makakatipid pa kapag magluto sa bahay at makasisiguro ka pang ito ay masustansya.
Ihinto ang pagsubscribe ng mga hindi nagagamit na mga magazine at dyaryo.
Hindi na magiging kapakipakinabang at dagdag gastos pa kung patuloy pa ang gagawing pagsubscribe ng mga magazine at dyaryo, dahil sa panahon ngayon lahat ng tahanan ay may mga telebisyon na, maging ang karamihan ay nakatutok sa panonood ng balita sa online.
Magsimulang magcommute.
Ang paggamit ng pampublikong sasakyan at magtiis ng mahabang linya ng pila para lang makasakay ay sadyang masakit sa ulo, subalit ito ay mas mura, mas matulin kaysa sa paggamit sa mga pribadong transportasyon, at higit sa lahat malaki ang matitipid sa gasolina at maging sa maintenance nito at lalong higit sa lahat makakatulong kang maisalba ang ating mahal na daigdig, dahil makakabawas ng polusyon sa hangin.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.