Dumarating sa buhay natin ang kakapusan sa pamumuhay slalo at higit sa lahat sa pinansyal na aspeto, at dahil tayong mga filipino ay sanay sa ganitong sitwasyon madali nating napag-aayaw ayaw ang mga bagay bagay sa ating paligid, at nagagawan ng agarang solusyon.
Ang pagsisipag at pagdodoble kayod sa trabaho upang matugunan ang kakapusang ito ay nasa atin ng kultura, subalit sa laki at dami ng mga pinansyal na gastusin sa pamilya ito ay kapos pa rin, ngunit sa isang lohikal na pamamamaraan ang pag-utang ang pinakamadali, mabisa at kagyat na paraan upang matugunan ang kakulangang ito, maging ito man ay gagamitin sa pangangailangang pampamilya, pansarili o maging sa pagpondo ng isang negosyo.
Ang paghiram o pag-utang ay lubhang napakadali na sa panahon ngayon gamit ang internet madali ng maka-acccess sa kahit anung financial na institusyon, subalit kailangang alamin muna kung ito ba ay magiging akma sa iyo. at dahil na rin sa madaling paraang ito maaaring bumisita sa kanilang website mag-apply online, sagutin lamang ang mga nakahandang katanungan at siguruhin na walang nalampasan para sa mabilis na pagproseso ng iyong aplikasyon, ang kakulangan sa iyong mga sagot ay nagreresulta ng pagkabalam ng iyong aplikasyon.
May laya ang isang aplikante na piliin ang petsa ng pagbabayad maging ito man ay sa loob ng 15 araw o maging sa loob ng ilang linggo, dito rin nakadepende kung magkano ang halaga ng iyong babayarang service fee.
Ang bawat kumpanya ng pagpapautang ay may kani-kaniyang terms and conditions, gayunpaman sa pangkalahatang ay mga pamamaraan at alituntunin silang sinusunod, upang maging maayos ang kanilang serbisyo. Ang pangunahing kailangang na isusumiteng dokumento ay isang balidong ID’s na inisyu ng ating gobyerno kabilang na dito ang mga sumusunod: driver’s license, passport etc.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.