Saturday, September 29, 2018

Bakit Nga Ba Ang Bilis Mang Reject Ang Mga Lending Apps?


Ang daming na-dismaya sa karamihan sa mga lending apps na lumalabas ngayon dahil ilang minuto palang. rejected na ang loan application mo. Ni hindi man lang tumawag para ma confirm o ma-verify ang mga detalye na binigay mo sa kanilang apps. Inulan ng reklamo ang Fast Cash, PERA247, Cashalo, Pondo Peso, Umbrella, Easy Peso at iba pang lending apps dahil  sa bilis nilang mag reject or ma-declined ng mga applications. Bakit nga ba ganito ang kinalabasan ng ating mga loan application sa kanila?

Most of the lending apps na nasa Google Playstore at Apps Store ay gumagamit ng auto system data analysis. Ito'y isang sistema or programa sa computer na siyang incharge sa pagbasa ng mga detalye na pinapasa ng mga applicant. Naka pre-set na ito at may sariling standard para papasahin o i-approved ang isang application. Isang halimbaw nito ay salary bracket.

Kung ang kanilang program sa data analysis ay naka-set sa P10,000 lahat ng applications na below P10,000 ay automatic ire-reject ng system. Kaya magtataka kayo bakit wala pang ilang minuto rejected na ang application niyo. Ito ang unang stage nila to evaluate the applicants. Kung pasado kayo sa data analysis, saka pa ito papasok sa system ng isang agent para i-double check at i-evaluate ang mga data na inyong pinadala sa kanila.

Buong akala ng karamihan na masyadong strikto sila pagdating sa applications. Yes, masasabi nating halos pareho nga sa inisip nyo pero talaga hindi ang data analysis ang may kagagawan nito dito, ito'y dahil na rin sa standard data na nilagay sa program upang ang isang applicant ay makakapasa.

Hindi lang salary bracket ang pinagbasihan para pumasa o ma-reject kayo. Marami pang factors ang tinitinignan ng mga lending companies. Nandiyan din ang detalye ng inyong cellphone device. Kapag na detect ng sistema nila na kunti lang ang laman ng inyong contacts, messages at kapansin-pansin na less activity lang ang nagawa ng inyong cellphone, 100% you are automatically rejected by the system.

Kahit ang mga lending companies na gumagamit ng ganong sistema ay naghahanap din ng paraan para magpalit. Dahil nasa beta stage palang sila at hindi pa afford ang pagbili ng bagong system, nagtiis at nagtyaga muna sila para lang makapagpatuloy sa kanilang operation. Masyado kasing mahal ang mga programs at system na ginagamit sa mga kumikita ng lending companies like Tala at Home Credit.

Kaya payo namin keep on trying at keep updating your personal info lalo na sa finances ninyo. Marami sa aming mambabasa at followers na hindi huminto ay nakapasa din after several trying. Mayron ngang nagpadala ng mensahe ng pasasalamat sa amin na umabot na ng sampu saka pa ito nakapasa. Pero don't worry, hindi lang iisang lending company ang nasa Playstore at App Store. Napakarami na nila kaya kung susubukan mo lahat, siguradong makakakuha ka talaga ng pera.


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.