Saturday, September 08, 2018

Cash Lending Nangha-Harass -From Client's Desk

Hindi sa lahat ng pagkakataon ay palaging may laman ang ating bulsa kung kaya, napipilitan tayong lumapit sa mga lending companies na nasa paligid lang natin. Problema, mas pahihirapan kapa lalo dahil sa daming hihinging mga requirements. Nauso ngayon ang online lending kaya mas pabor ang karamihan na sa kanila nalang umutang dahil madali lang itong makakapag release ng pera. For a minimum of 8 hours, maaaring nasa kamay mo na ang perang hihiramin mo. Ang disadvantage para sa mga delayed magbabayad, ipapahamak ang reputation mo sa mga kamag-anak at kaibigan ninyo. 

Alam nyo ba kung bakit? Dahil during loan application, hihingin nila ang inyong permiso na papasokin nila ang CONTACT LIST MO. Akala natin hanggang doon lang pero hindi pala, once papayagan natin silang makakapasok, makukuha nila ang lahat ng contacts sa iyong phonebook. Sila yong tatawagan o padadalhan ng SMS sakaling hindi ka magbabayad. Siguradong mapapahiya ka kung hindi mo asikasuhin ang utang mo sa kanila.

Hindi naman lahat nakakalimot sa kanilang mga utang. Marami din naman ang na delayed dahil sa mga validong kadahilanan. Kahit delayed, they are trying to find ways na makakabayad. Kaso lang ang mga bagong lending agent ay karamihan halos mangha-harass na para lang matakot ang magbayad agad ang kanilang client. Hindi naman siguro tama na pwersahin at takutin. Malalaman naman kung talagang magbabayad o hindi ang isang tao. Sigurado dahil wala pang gaanong karanasan ang collection agent kaya ang panglaban nila ay harasin at takutin para magbayad. Tulad nalang sa isang client ng Cash Lending na humingi ng advice sa atin dito sa USAPANG PERA. Tunghayan ang kanya storya para magka-idea din kayo na hindi magandang umutang sa Cash Lending.


CLIENT: sir .. ttanong ko po sana bakit ang cashlending parang nghaharas sila maningil. lahat ng contacts ko tntawagan at text po nila. tas isa sa nkausap nla sinabi pa dw na kakasuhan daw ako.

CLIENT: nung aug31 po duedate ko and unexpected po na nawala ung cellphone ko and ung # ko which is nkaregster sa nadukot na cp ko andon, Then naremmber ko nung aug 31 mismo nawala cp ko . I dont know panu ko sila macocontact, trny q iregster un cashlending sa ibang phone kailangn ung # ko tas my verfcation code. hindi ko nmn alm pnu mkkpag palit ng # n nkaregster kasi need verfction code bgo mkapasok ult sa apps. Nagtry ako mag EMAIL sknla hnd nmn dw pde mapalitan un Acount q kundi byran ko dw mna ung nakuha q bgo magpalit ng #. Tas naun  hndi ko alam panu ko bbayaran, i know Over due nako, Tas bigla po silang Tumawag sa lahat ngnna.access nila na contact ko. Nkakahiya Pati Boss at mga CLIENTS ko tinawgan at Tinxt nila. Super nkakahiya    isa sa nKausap nila Sinabi nila Na kakasuhan na Daw ako , Im trying to call the # they used to text for my contacts pero lht ng pinantxt or call is Nka OFF ung # para mkausap ko sila naun.

talaga po bang kinakasuhan nila agad ? at ipapakulong po ba nila.. Which is wala pa po ing sahod bbyaran ko nman po sila. pero bakit ganun gngawa nila
nagttry po ako maghnap ng ibang mahhiraman kahit 1week to pay lang para mabyaran ko muna sila kasi sa 16 pa po ung sahod ko


sir plsss po . help po talaga po ba kinakasuhan nila ung hndi pa nkkabayad over due po


ipapa bargy po ba talaga nila agad sir ? 9 days po ako due . Nakkiusap po ako saknla na wed ko po babayaran ng buo kasama ang penalty po . pero sabi hindi na daw po pwde kasi makkipag coordinate na dw po ang legal deprtment nila sa Brgy para ma aksyunan daw po


kasi lahat po ng na access nilang contacts tintxt nila naun at tntawagan pero kinkausp q namn po sila at nagmmkaawa ako na Tues ko babayran

nanga2ko namn po ko saknla na Tues ko ibabalik pero pag hndi ko daw po nabayaran naun hanggang 4pm   mkkipag ugnayan na dw po sila sa brgy



pero sir ipapa brgy po ba talaga nila ako? kasi pagkaka sabi pa don sa nakausp nila is KAKASUHAN daw po ako
sir ipapa brgy po ba talaga nila ako  pag hindi ko nabayaran naun?,
siguro kung matagal na pero wala pang isang buwan hindi
opo and diko namn paabutin ng 1mnth waiting lang po kasi aq sa sahod ko.


Sinubukan kung kontakin ang Cash Lending para humingi ng opinion sa pangyayaring idinaan sa atin. Pero, sad to say inactive na yong facebook page nila. Baka mayron ng nagreport or bina-blocked nila ang mga nagpi-PM sa kanila. Sana, huwag naman nilang ipahiya ang mga client nila. Para sa kaalaman ng lahat, ang CASH LENDING at LOANIT ay iisa. Kaya kung may utang kayo kay Cash Lending, huwag na kayong mag-apply kay LoanIt, siguradong declined ang loan application nyo.


16 comments:

  1. super po sila mangharas ung txt ok pa pero tawagn pa nila lhat ng na acces na contacts. at ssabhn na hndi ka nkkpag uganayan sknla eh nkkiusap ka na nga at nagbgaynng date na bbyran mo ng buo .. para matapos na ssabhn pa sa mga nkausp nla is KAKASUHAN DAW NILA .. Tama po ba yun?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mga ugaling alien yan, palibhasa hindi kasi mga pinoy ang may-ari sa mga lending na yan kaya madali lang sa kanila mangharass...kaya iwasan talagang ma delayed or hindi magbabayad ng utang.

      Delete
  2. Tandaan po.. Walang nakukulong sa utang.. Sa katunayan pwede ka mag counter claim sa kanila dahil sa damage at pagpapahiya na ginawa nila sayo. Maari nyo po silang ereport sa cybercrime division at Securities Regulation Commission if ang company nila at nakaregister sa SEC at BSP. Mga chinese kasi sila kaya di rin yan madadaan sa legal na paraan kaya sa illegal na paraan nila dinadaan ang collection nila. Tandaan magtanung po sa may mga alam sa batas.

    ReplyDelete
  3. Paano nila naaccess lahat ng contacts ng isang umuutang? Nagbibigay lang tayo ng reference at number nila pero per o dalawang number lang yon? Paano nila nalalaman lahat ng contacts natin?

    ReplyDelete
  4. Walang modo ang mga online lending na yan. May mga word pa sila na "kupal".
    Pwede sila kasuhan sa paninira. Dapat sa mga yan sila ang pinapakulong kasi sobrang laki magpatubo kaya lalo di makabayad

    ReplyDelete
  5. Same worst scenario din sakin... Until now txt ng txt cla na padadala n dw nla bukas yjng complaint s brgy. Namin at sa office work... Na nagreply nman a na bbayran ko unti2 hanggang sa m fully paid q yung utang ki... Laki pa ng interest...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Laki ng interest pero ang liit lng ng makukuha. 3k hihiramin mo pero 2200 lng matatanggap mo.

      Delete
  6. gnyn dn.po xperience ko s cash lending. delay lng two dys. tinwgn n lht ng contaks ko. and ngwarning na cla n ipphiya dw tlga ako f d ko msettle agd ung loan ko. nkkiusp nmn ng maayos.pero cla mga wlng modo.

    ReplyDelete
  7. Paano po kaya icacancel ung hiniram ko?

    ReplyDelete
  8. Ang cash lending grabe mangharasa 5days palang na dedelayee kong manghiya sila ng tao grabe

    ReplyDelete
  9. Nakikiusap ng maayos grabe magtxt ipapapulis pa daw kami

    ReplyDelete
  10. grabe po talaga mangharass ung mga agent nng cashlending/handy loan kung anoano pingsasabi nila ...

    ReplyDelete
  11. Isa rin ako sa naharass nila. Same case kay sir na nag complain. Nawala cp ko 2 weeks before ang duedate ko. Nagkandarapa ako kakahanap ng way para makontak sila. I tried to contact their fb page pero di nila ako enentertain. Then here comes my duedate, nabigla ako pati bayaw ko na nasa abroad nagawan pa nilang emessage na eresponsable daw ako of not paying my debt. Nakakahiya kasi lahat ng contacts ko, menimessage nila.

    ReplyDelete
  12. if ever ba na delete mo ang contacts mo ma hacked pa ba nila yun?

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.