Napaka saklap ng isang pangyayari sa isang taga subaybay ng USAPANG PERA with regards doon sa kanya existing loan kay Cash Mart. Hindi ko lubos maisip kung nakakayanan itong ipapatupad ng Cash Mart sa kanilang mga client simulat-sapol. Inaanyayahan namin ang lahat na mag-ingat sa ganitong pangyayari. Dahil kahit siguro kayo magagalit kung nalalaman nyo na ganito ang aabutin ng inyong loan balance pagkatapos ng isang buwan.
Isang client ng Cash Mart nagbuhos sa atin ng kanyang hinanakit dahil buong akala nya ay bayad na lahat ng utang nya sa kanila pero mas lalo pa itong lumubo buwan-buwan na nag-umpisa lamang sa Piso. Oo, nagsimula sa piso pero ngayon umabot na ito ng mahigit isang libo.
Noong binayaran nya ang kanyang utang sa Cash Mart, may natira pala itong piso sa kanyang account. Dahil buong akala niya na bayad na ang kanyang utang, kinalimutan na nyo ito at hindi na umutang muli dahil daw sobrang makulit ang mga collector nila, palaging natawag to remind your due dates.
Binayaran nya ang kanyang utang before July 17. On July 17, sa system nila mayron siyang Outstanding Balance na Piso. Natapos ang buwan ng Hulyo at pati Agosto ay dumaan na rin. Ito na, September 3, mayron siyang natanggap na demand letter sa kanilang bahay, ang nakalagay na amount ay P1,383.82. Lumubo ito dahil ang kanyang piso ay mayron P39 penalty everyday.
Ang mahirap ngayon pinagbabantaan pa siya at may nagpapakilalang attorney kuno na palaging tumatawag. Pero sa pagka-alam ko po tanging mga collector lang nila ang gumagawa ng ganong mga estelo. Sabi ng sender sa isip nya talaga nabayaran na niya ang kanyang loan. Na delayed man into daw ng kunti pero buo ang loob nya na, nabayaran nya ito.

Kayong mga followers namin dito sa USAPANG PERA, may gana pa ba kayong umutang sa ganitong lending company na walang malasakit sa kanilang client. Puro pera lang ang nasa isip? Share your opinion sa aming comment section please....
Kupal talaga yang Cashmart na yan. Napakalaki ng tubo malate ka lang ng isang araw. Dapat diyan ireklamk yan o malugi sana.
ReplyDeleteYong mga collector nila mukhang may mga problema.
DeleteMinsan mahirap din mag judge sa mga collector wala akong kinakampihan pero dapat din natin isipin na pinautang tayo then mga mga due date at amount to settle na dapat bayaran, minsan nakakalimutan natin pero lagi nating iisipin ang "quasi delicts" ignorance of the law excuses no one
ReplyDelete