Isa ba kayo sa mga nakakaranas ng ganito halos dalawang text every week? Ano ang pakiramdam mo na pinapadalhan ka ng text kunwari concern sila saga ng text na hindi naman approved sa system nila ay hindi masaya sa pinapadala nilang mensahe?
Siguro kung client kana or regular client kana ni Cashalo, OK lang na makakatanggap ka ng mga updates sa kanila pero sa mga pinapaantay ng 90 days, walang katuturan ang ganitong text messages. Ang pinaka masaklap kahit uninstalled mo na ang kanilang app, tuloy pa din ang kanilang pagpapadala ng unsolicited text messages na walang silbi. Bigyan ko kayo ng halimbawa ng mga mensahe na pinapadala nila kahit hindi ako pumasa sa kanilang loan products.
Dapat pagtoonan ito ng pansin sa pamunuan ng Cashalo dahil hindi naman talaga ito maganda para sa lahat lalo na sa mga wala ng planong mag-antay pa ng 90 days bago makapag re-apply. Sa tingin nila siguro sila lang ang nag-iisang Lending app sa mundo ng App store at Google Playstore.
In fact, halos every month mayrong dalawa or tatlong mga lending app na lumalabas na willing magpapahiram ng pera kahit hindi man sila nakaka-based dito sa Pilipinas. Hindi na nga sila strikto pagdating sa requirements, pwede ka pang makapag re-apply with 7 - 30 days. Sa tingin nyo, they will wait for their turn sa Cashalo? Isa pang dahilan, no guarantee kung makakapasa sila pag re-apply nila after 90 days.
By the way, ang mga sumusunod ay ang mga mensahe na natatanggap ko twice every week galing sa Cashalo kahit wala na aking planong mag re-apply pa sa kanila. Dapat they delete all information na naka store sa system nila.
Do you think hindi ito panlilinlang nila sa mga client, may nakalagay na APPLY NA sa baba at mayron pang link na kasama, pero kung i-click mo naman, lalabas yong hindi ka pwede mag-apply within 90 days.
Isang malaking panloloko ito sa mga umaasa sana na mag-apply uli akala pwede na kasi may text silang natatanggap na APPLY NA. Hindi pala ito totoo kasi system generated ito na pinapadala sa lahat ng nag-attempt na mag-apply at mga existing client nila.
Huwag naman silang manloko ng mga taong nag-aakalang pwede na pero paasa lang pala. Isa ako sa muntik ng maniwala sa kanilang panloloko.
Sa unang text nila, P2,000 lang nakalagay na pwedeng i-loan, ito naman iniba nila. Ginagawa nila itong P10,000.
Siguro ang mga madaling maloko lalo na yong mga na scam na, mapapaniwala nila na pwede ng mag-apply uli.
Ilang saglit lang, hindi pala pwede kasi kaka-apply lang nila.
Dito iba rin ang mensahe nila. Oo fixed monthly rate nga pero hindi naman para sa lahat ang ino-offer nila.
Please naman Cashalo huwag kayong manloko.
Delete all infos sa mga client ninyo na they uninstalled your app.
Ito ang masaklap, hindi ka na nga pumasa sa loan may mensahe pa kung saan ka pwedeng magbayad.
Napakalaking kalukuha talaga ang pinaggagawa nila sa mga hindi pumapasa sa kanilang loan product.
Alam nyo ba ang sagot nila kung tatanungin nyo sila kung bakit sobrang higpit ng system nila?
Basahin nyo ang sagot nila, sa messenger man o sa kanilang official email na: hello@cashalo.com
Hi (applicants name)
Greetings from Cashalo!
We're sorry to see that you do not yet qualify. Our loan decisions take into account many different factors and we want to help as many people as possible access credit, but we are not able to approve all loan applications. For future applications, please be sure all your necessary documents are complete, and your information is correct before submitting a loan application to improve your approval chances.
If you decide to keep the app installed, it is possible we will reconsider you in the future.
If you have further concerns regarding the status of your application, we strongly suggest that you send us an email at hello@cashalo.com. Thank you!
Sincerely,
Cashalo Team
ANG GALING GALING NYO CASHALO!
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.