Monday, September 17, 2018

Fast Cash -Paano Mag ReLOAN?

Sa mga gumagamit pa ng OLD version ng Fast Cash app, you are advice to uninstall or update your app. Mas maganda kong i-uninstalled nyo para mababasa nyo ang new policy ng Fast Cash bago kayo makapasok uli sa kanilang app. Tapos nyong ma-uninstall, hanapin nyo uli ang Fast Cash app sa Google Playstore. Kung nahanap nyo na, install uli at siguraduhing malaki pa ang memory storage ninyo para ma-install ito.

Pagbukas nyo sa kanilang new version app bago mag log-in, ang new privacy policy agad ang bumungad sa inyo. Kailangan kayong mag-agree sa privacy policy para makapasok at magamit ang kanilang app. Kailangan nyong i-scroll down ang napakahabang privacy policy para mai-check ninyo pagkapindot ang maliit na box sa I AGREE WITH THIS POLICY. Kung nag-agree na kayo sa policy ALLOW Fast Cash to make and manage your phone calls, send ang view SMS messages and access device location. 

Now, you can register if new client kayo pero kung old client at gusto nyong mag reloan, log-in to your account by entering your mobile number na nakaregister na sa kanilang system para ma-access mo uli ang iyong previous aacount.. Wait several seconds para sa 6-digit code para makapagpatuloy sa loob ng app. Kung tama ang code na nilagay nyo, you will be verified by the system at pwede ka ng mag-apply ng reloan.

Go to LOAN section at pumili ng amount na gusto mong i-reloan, at pati na din ang loan terms. Kahit reloan na ito, still 7 days and 14 days pa rin ang option to repay your loan.  Tapos mong makapili ng amount at terms, click APPLY NOW. You will be redirected to Certification page, hindi mo na kailangan mag undergo uli sa apat na steps; indentification, personal information, contact information at employment information. Yon pa ring old na naka-save ang basis nila para sa iyong approval.

Dahil wala na yong apat na binanggit namin, ibig sabihin less time na ang pagawa mo ng reloan. Pero ang FACE DETECTION ay manatili pa ring kailangan nila. Kaya sunding mabuti ang instruction sa face detection para hindi ka mahihirapang maging successful ang pagkakuha ng larawan sa iyong mukha. Bago ang face detection, kailangan mong i-ALLOW ang Fast Cash to take pictures and record video from their app.

Make sure na nasunod mo ng tama ang mga action na ipapagawa ng face detection sample para hindi kayo magtatagal sa section na ito. Kapag successful ang face detection, makikita mo na agad ang amount you applied at ang terms of payment, nakalagay na din ang total amount na babayaran mo sa iyong due date. Choose metho of your loan disbursement. Kung wala kang bank account, pwede mong piliin ang Cebuana Lhuillier Cash Pickup. 

Kung Cebuana Lhuillier Cash Pickup ang pinili mo, provide your Recipient Account Name, ibig sabihin ang buong pangalan mo. Dapat ibigay mo din ang personal email address mo. At ang purpose ng iyong loan application. You can write Bills Payment or Medical Expenses.

Kung ang method of disbursement na pinili mo ay deposit to bank account, make sure na ang iyong ilagay na pangalan ay nag match doon sa pangalan ng account holder. Hindi pwede na sa ibang bank account ipapasok ang pera. Kailangang sa bank account mismo sa approved client.

Kung nagawa na ang lahat na kailangang ilagay para sa disbursement, kailangan mong i-check or pindutin ang maliit na box for I HAVE READ AND AGREE TO THE LOAN GUARANTEE AGREEMENT OF FAST CASH. Pindutin ang APPLY NOW at i-ALLOW ang Fast Cash to ACCESS your CONTACTS. Basahing mabuti at unawain ang TIP: Please check your bank information ang make sure it's right. Fast Cash will not be responsible for your mistakes in providing wrong bank information.

You can see your LOAN INFORMATION in the page. Mayron na itong LOAN ID, Apply time at kung ano ang status ng inyong loan. Makikita mo na IN_REVIEW at SUBMITTED. Mag-antay ng ilang minuto or oras makakatanggap ka ng notification kung APPROVED or REJECTED ang LOAN APPLICATION MO. Kung approved, hindi mo na kailangan mag-antay pa na may tatawag sa iyo. Kapag RELOAN, wala ng tawag mula sa Fast Cash. After 24 hours ang pagpasok ng iyong loan. Siguraduhin na hindi ito sa araw ng Biyernes, dahil walang bangko sa Sabado at Linggo. Kapag nagkataon sa araw na iyon, expect na papasok ang pera sa Lunes ng Hapon.

Para sa karagdagang detalye, panooring ang aming Fast Cash Reloan Video Tutorial sa USAPANG PERA Youtube Channel. Huwag nyong kalimutang i-LIKE at i-SUBSCRIBE. Please click this link: http://bit.ly/FastCashReloan


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.