Fast Cash - The PROS and the CONS

Share:
Every lending companies have their own terms and condition. Maaaring mayrong magkapareho pero sigurado akong hindi lahat maliban nalang kung parehong company na magkaibang branch. Pero kahit magkaiba ang branch, lahat pa rin sila susunod sa kung ano ang pinapatupad sa kanilang head office. Hindi maiiwasang maikompara ang isa sa iba dahil nga sa magkaiba nitong pamamaraan.

Sa post na ito, pag-usapan natin ang tungkol sa Fast Cash online lending, uutang ka sa kanila through mobile app at gagawin ito online. Hindi na kailangang magpakahirap pang pumunta sa kanilang opisina para i-submit ang mga kinakailangang dokumento. Napaka dali nalang umutang ng pera ngayon at mabilis pa ang disbursement. Kaya kung may problema ka dahil mayron kang bills na hindi pa nabayaran, sa loob ng 24 hours pwede mo na itong mabayaran sa pamamagitan ng lending assitance like Fast Cash.

Bagong pa lang si Fast Cash sa industriyang ito, dahil bago we can expect na marami pa talagang babaguhin. Nasa trial period pa ang operasyon nila at lahat ng kanilang agent ay parehong mga baguhan. Expect na wala talaga itong experience pa sa ganitong larangan ng negosyo. Ginagawa ko ito brief overview sa kanila para makuha ang mga saloobin ng bawat followers ng USAPANG PERA na nakaranas na sa kanilang loan service. Siguro lahat na naging client nila, mayroong masasabi tungkol sa kanilang serbisyo. 

Kung titingnan natin ang brighter side ng Fast Cash, maganda ang company na ito dahil isa sila sa madaling malalapitan sa panahon ng kagipitan. Napakabilis ng evaluation nila at ng approval. Maliban nalang kung nagkataon na weekend kayo mag-a-apply dahil sarado ang kanilang company during Sunday at wala ding bangko kapag Saturday. Malamang sa lunes mo na makukuha ang loan mo kapag na-approved kayo sa Friday or Saturday.

Kung ang iba pino-problema ang bank account, dito sa Fast Cash solve na yan dahil pinapadala nila sa padala center na iyong pinili kung saan doon mo i-claim ang iyong loan. Kaya sa Fast Cash, lahat ay pwedeng mag-apply ng loan, may back account ka man o wala. Marami na ang natutulungan ni Fast Cash, halos hindi na rin mabibilang pero dahil bago palang sila marami talagang hindi magandang pangyayari na maaasahan.

Hindi lingid sa karamihan na may mga hindi magandang feedbacks din tungkol sa kanila ang ibang client. Ang iba hina-harass daw dahil na-delayed yong pagbabayad nila. Nagugulat din ang iba dahil napahiya sila sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan dahil tinatawagan at sinisingil kahit wala naman ito sa kanilang references. Karamihan sa mga online lending ngayon na gumagamit ng mobile app ay halos pareho ang kanilang estelo. 

Kailangan mo i-allow sila para e access ang inyong mga contacts, sakaling hindi kayo magbabayad, tatawagan nila yong mga nakalista doon sa phonebook mo. Ito'y isang security measure na ginagamit ng mga online lending companies dahil madaling nalang silang masingil sakaling umiskapo ang mga ito. Tayo ang nag-allow sa kanila hindi nila sapilitang pinasok kaya dapat din tayong mag-ingat at mag-isip. Kailangan din nila ng assurance na hindi ka tatakbo sa pagbabayad ng iyong utang.

Oo, nandoon na tayo sa sitwasyon na maraming kaibigan at kamag-anak na natawagan dahil ikaw ay hindi nagbabayad. Kanino bang kasalanan yon diba tayo lang din naman. Pinayagan natin silang gawin yon kaya nangyayari iyon. Ang mga reklamo ay nangyayari sa mga taong hindi nagbabayad at yong mga delayed ang bayad. Syempre tatawag talaga yan sila lalo na kung hindi mo sinasagot ang tawag nila dahil nakukulitan kana, sigurado maghahanap sila ng makausap na pwedeng magsabi sayo na kailangan mo ng bayaran ang utang mo.

Marami kasi sa atin nahihiyang masingil ng utang na idaan sa kaibigan or kamag-anak pero hindi natin inisip nong tayo'y nag-apply palang na pwede talaga yong mangyari kung magmamatigas tayo. Pinoy ako at pinoy din ang mga kamag-anak at kaibigan ko kaya kabisado ko na halos lahat ng takbo sa utak ng  mga may utang dahil ako mismo may utang din. Minsan kasi hindi na natin sila sinasagot dahil makulit, oo makulit sila dahil ginawa lang nila ang kanilang trabaho.

Yong mga nanghaharass? Alam ko hindi nila gagain yan kong ikaw mismo nakikipag-usap ng matino pwera sa iba pero alam nyo ba na marami talagang Pinoy na kung sisingilin mo galit talaga lalo na pagtawag mo kaharap nila mga kamag-anak o kaibigan? Marunong tayong mahihiya lalo na kung ayaw nating mapahiya.

Lagi nating tandaan, walang hinaharass na dahil nagbabayad siya ng utang. Walang napagsabihan ng di maganda dahil nagbayad sya. At mas lalong walang inaway dahil hindi sya nagbabayad. Minsan kasi depende din yon sa pakikipag-usap natin sa mga collection agent. Nasa isip natin na papagalitan tayo o kukulitin tayo dahil hindi nagbabayad or delayed ang bayad.

 Minsan kasi ADVANCE TAYONG MAG-ISIP, kahit hindi ganun dapat ang mangyayari -naging masama dahil hindi tayo nakikitungo ng maayos. Sa kabilang banda naman, yong collection agent -nabubwesit na rin sa kaka-promise mo instead ma-clear na dapat sa listahan nila, ikaw naman hindi gumawa ng paraan para lang makapagbayad kahit interest lang muna kung hindi kaya bayaran ng buo.

Itong post na 'to ay magbubukas ng ating mga isipan para sabihin nyo ang tunay na naranasan nyo kay Fast Cash. Gusto din naming kunin ang mga kuro-kuro nyo at mga opinion para ma-improved ni Fast Cash ang serbisyo nila. Marami ang hindi alam ninyo tungkol sa Fast Cash, sa kabilang banda din maraming hindi alam ng Fast Cash ang mga nararamdaman ninyo pagdating sa serbisyo nila.

Gawin nating tulay ang USAPANG PERA para maayos ang mga hindi magandang pangyayari. Kailangan lang maging responsible borrowers tayo para hindi mawawala ang mga online lending companies na malaki ang maitulong sa atin sa oras ng kagipitan. Aaminin natin at sa hindi, nakakatulong talaga sa ating ang mga online lending, kasama na dito ang FAST CASH.

Please share your thoughts and opinion para mapaabot ito sa management ng FAST CASH. Ang post na ito ay closedly monitored ng FAST CASH at inaasahan namin na maging bukas ang kalooban nyo sa pag-share ng inyong mga saloobin pagdating sa serbisyo nila. 

SA MGA GUSTONG MAGLOAN KAY FAST CASH DOWNLOAN AND INSTALL THEIR APP, PLEASE CLICK  THIS LINK:  https://goo.gl/8Q7kjx

Please write your comment below............

3 comments:

  1. Gusto ko lang i-share ang naranasan ko sa fast Cash, kinausap ko cla na kung pede mag partial muna ako, kasi 4000 loan ko sa knila na umabot sa 5700, Nung nakausap ko agent nila ngkasundo ko kami na mag partial ako, sa gustuhan ko na mkbayad din sa knila ng partial ako mng 4000 sabi ko sa susunod ko ibibigay ung 1700 na kulang ko,,,ayaw na nila pumayag na 1700 lang bayaran ko kc everyday nag-aaply ang interest nila. nagulat ako kc pag check ko umabot na ng 3300 ang bbyaran ko sa knila. kung anu2 pananakot ang gingwa nila sakin,pati kamag-anak ko, nanay ko,byanan, hipag ko sa side ko at side ng asawa ko. at nagtxt pa sakin ang agent nila na "kung hindi ka magbabayad tatawagan ko ulit ang mga kamag-anak mo un ang cnbi ng agent nila sakin. tama po ba ang way ng paninigil nila sa mga tao? katulad ko willing ako magbayad ng paunti2 pero imbis makabayad ka, lalo ka nila ibabaon sa utang. pano po kaya ang magandang gawin?

    ReplyDelete
  2. Bastos mga agent nla. 1day pa lng ako overdue pero galit na galit na cla. Ung tipong pra kilala nla pagkatao mu. Mananakot ng kung anu anu pra mphiya ka. Then pag sinagot nu cla ng hndi maayos ittxt nla lhat ng nsa contact nla. Tama na na kamag anak lng pero hndi tama na lhat ng nsa contact nla ittxt nla. Mga bastos. Ang pera kayang bayaran pero ang damages na ginawa nla hndi na. Hndi kmi nag pa promise na magbabayad kmi on that day. Kya nga kmi nkikiusap eh pra ma extend and willing magbayad ng penalty. Tas babastusin ka nla kesyo hndi pwde. Pra saan pa ang pakiusap ? Hndi na nga namin ma open apps niu so panu nmin mlalaman na gnun na kalaki penalty? Down system pero umaandar ang araw ng penalty ???

    ReplyDelete
  3. Bastos mga agent nla. 1day pa lng ako overdue pero galit na galit na cla. Ung tipong pra kilala nla pagkatao mu. Mananakot ng kung anu anu pra mphiya ka. Then pag sinagot nu cla ng hndi maayos ittxt nla lhat ng nsa contact nla. Tama na na kamag anak lng pero hndi tama na lhat ng nsa contact nla ittxt nla. Mga bastos. Ang pera kayang bayaran pero ang damages na ginawa nla hndi na. Hndi kmi nag pa promise na magbabayad kmi on that day. Kya nga kmi nkikiusap eh pra ma extend and willing magbayad ng penalty. Tas babastusin ka nla kesyo hndi pwde. Pra saan pa ang pakiusap ? Hndi na nga namin ma open apps niu so panu nmin mlalaman na gnun na kalaki penalty? Down system pero umaandar ang araw ng penalty ???

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.