Kailangan ng LOAN. Ano ang dapat gawin? Mga katanungan ng isang taong nangangailangan ng tulong pinansyal, sapagkat dumarating sa buhay ng tao ang kakapusan sa aspetong pinansyal at dahil dito kinakailangan ng agarang solusyon at ito nga ay ang pautang.
Pero bago manghiram ng salapi kailangang isipin at maging handa sa kakaharapin at sa posibleng problema, kailangang bigyan natin ng sapat na pagpaplano ang mga ito, kailangan nating maintindihan ang mga responsibilidad na nakapaloob dito, kung gaano kalaki o kaliit ang interes, haba ng termino na ibibigay at ang mga opsyon na ibibigay kaugnay sa loan na ito.
Magkano ang halagang ating kailangan?
Sa ibat ibang kadahilanan lahat tayo ay nangangailangan ng salapi, subalit ang iba ay nagiging mali ang paraan kung paano at kung kailan ito gagamitin.
Sa panahon ngayon kailangan nating ibase ang lahat sa realidad at ibatay ito sa ating kakayahan. Magkaroon ng pagbubudget sa kita at sa gastos base sa pera na pumapasok. Para maiwasan ang sobra at kulang na pagkalkula ,alamin ang iyong kakayahan sa pagbabayad ng utang upang hindi masira ang iyong reputasyon.
Ang mabilis na pagbabalik sa inutang na pera ay magdudulot ng pag-ikli ng panahon ng iyong pagbabayad at sa ganitong sistema liliit din ang interes na iyong babayaran.
May mga Paraan upang mapabilis ang pagbabayad ng Utang.
Una na rito ang pagtitipid. Ang hindi pagbili ng mga bagay na hindi kailangan ay makakatulong ng malaki. Maaari itong gawing pandagdag sa pambayad sa ating mga inutang. Huwag kaligtaan ang due dates, spagkat maaaring mawala ang nakalaang pakinabang na nakalaan para sayo at maaari ding magdulot ito sayo ng tensyon o kaba dahil sa dagdag na bayarin.
Samantalahin din ang mga diskwentong makukuha sa pamamagitan ng pag-aapply ng auto debit at paperless. Kung magagawa rin lang natin na mangbayad ng twing ikalawang linggo ay ating gawin sapagkat sa ganitong paraan mabilis nating matatapos ang ating mga obligasyon.
Maraming mga kaparaanan upang makabayad ng iyong mga inutang, subalit kung hindi ka makatupad sa napagkasunduang petsa maaari kang tumawag sa iyong loan servicer upang humingi ng tulong kung paano ang iyong gagawin. Piliin pa rin ang petsa ng pagbabayad ayon sa iyong kaluwagan, upang maiwasan ang mga hindi inaaasahang pangyayari at hindi malagay sa isang alanganing sitwasyon.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.