Mga Gabay Paano Kumuha ng Pag-ibig Loan

Share:
Ang isa sa pinakamainam na benepisyo ng pagiging miyembro ng Pag IBIG Fund ay ang pautang sa pabahay. Kung hindi ka hihigit sa 65 taong gulang at nagbabayad ka ng 24 na buwanang kontribusyon sa Pag IBIG Fund, subalit may mga pasubali ito maaari mong makamit ang pautang na ito sa pabahay kung, wala kang anumang natitirang pabahay o multi-purpose na pautang sa Pag IBIG, at wala kang pautang na pabahay ng Pag IBIG na kinansela, binili, o na-foreclosed.

Kahit na ang minimum earners ay maaaring magkaroon ng pagkakataon na bumili ng kanilang sariling tahanan sa pamamagitan ng Affordable Housing Program. Ang mga miyembro ay maaaring humiram ng hanggang 6 milyon, at ang pinakamahabang termino ng pagbabayad para sa utang sa pabahay ng Pag IBIG Fund ay umaabot sa tatlumpung  taon.  Narito ang limang hakbangin sa kung paano ang pag-aaply dito.

1. Kumuha ng forms na may kaugnayan sa iyong kukuning aplikasyon
Maaari kang bumisita sa kanilang website sa www.pagibigfund.gov.ph pindutin lang ang “Forms” at iyong idownload, libre lamang ito, o kaya naman ay magtungo sa pinakamalapit nilang tanggapan at humingi ng forms ng aplikasyon gayundin ang mga checklist ng mga kinakailanngang isumiteng dokumento. Kung ikaw ay higit sa animnapung taong gulang at isang OFW o dili naman kaya ay animnapung taong gulang at kasalukuyang kang uutang ng dalawng milyong piso hanggang anim na milyong piso kinakailangan mong sagutan ang palatanungang medikal kaakibat nito ang pagsailalim din sa isang medikal na pagsusuri. Gamit ang BPI calculator maaari mong itsek ang kanilang interes rate sa ganitong paraan maaari mong maikumpara ito sa ibang mga bangko

2. Isumite ang iyong aplikasyon sa Pag-Ibig Fund Housing Loan
Pagkatapos na matalaan at makumpleto ang mga kinakailangan dokumento, maaari nang isumite ang iyong aplikasyon. Magbayad lamang ng ₱ 1,000 para sa pagproseso ng iyong aplikasyon.

Kung ang ari-arian o propriyedad ay matatagpuan sa NCR, maaari kang magtungo sa tanggapan ng Pag IBIG Fund na matatagpuan sa Shaw Boulevard, Kamias, o Imus. Kung halimbawa naman na ang isang ari-arian ay nasa probinsya, maaari mong isumite ang iyong aplikasyon sa pinakamalapit na tanggapan ng Pag IBIG Fund ng nasabing ari-arian o propriyedad.

Kung gusto mong gawing madali at hindi maabala ang iyong oras maaari mo itong gawing online, pumunta lamang sa www.pagibigfund.gov.ph at pindutin ang E services. Laging tandaan na ang pagproseso nito ay umaabot sa dalawampung araw sapagkat kanila itong sinusuri at pinag-aaralan.

3. Pagtanggap ng Notice of Approval
Makakatanggap ka ng isang liham ng pag-apruba sa iyong aplikasyon o Notice of Approval (NOA) o kaya naman ay Letter of Guarantee (LOG) sa ganitong sitwasyon maaari mo ng lagdaan ang iyong mga dokumento sa pagloloan. Kung sakali naman na hindi maaprubahan ang iyong aplikasyon may mga dahilan silang isinasaalang alang para ditto ito ay ang pagtsetsek ng iyong records, kabilang dito ang iyong employment status, kapasidad mong magbayad, kanila ring susuriin ang ari-arian at ang halaga nito kung hindi ito tumugma sa kanilang pag-aanalisa ang iyong aplikasyon ay hindi maaprubahan.

4. kumpletuhin ang mga kailangan para sa iyong NOA
Binibigyan ka ng siyamnapung araw para makumpleto ang mga kianakailangang dokumento para sa iyong Notice of Approval. Laging tandaan na mayroong iba't ibang mga kinakailangang dokumento at ito ay depende sa ari-arian na gusto mong bilhin. Iminumungkahi namin na gawin mo agad ng madali sapagkat ang ilan sa mga kinakailangan dokumento ay inaabot ng araw, o minsan ay linggo pa nga upang makumpleto. Mas maagang pagsusumite ng nakumpletong dokumento mas malaki din ang panahon para maitama ang mga nasabing dokumento, kung ito man ay may mali, gayundin naman mas maaga ding makukuha ang loan na nakalaan para sayo.

5. Tanggapin ang iyong naaprubahang Loan
Magdala ng dalawang balidong IDs para sa pagpresenta sa Pag-Ibig Fund,ito ay para sa pagkuha ng naaprubahang pera o tseke na mula sa Pag IBIG Fund, maaari mo na itong ipambayad sa ari-arian na nais mong bilhin. Siguruhing nakapagdala ng labingdalawang piraso ng postdated checks  kung ang pagbabayad para sa utang ay hindi sa ibabawas sa suweldo. Kung may iba pang katanungan o may nais malaman maaari mong suriin at pag-aralan ang aming mga gabay sa pag-ibig housing loan.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.