Moola Lending Due Date -From Admin Desk

Share:
Being the admin dito sa USAPANG PERA, hindi ko ginagamit ito para pumasa sa mga lending companies. Hindi pa kilala ang site na ito nong magsimula akong mag-apply ng mga online loan kaya wala akong dapat ipagmalaki. Isa sa nasubukan ko ay ang Moola Lending, sila ang napakabilis nag-approved ng aking loan application. Walang kahirap-hirap na nakuha ko ang hiniram kong P4,000.

Although, malaki talaga ang interest sa kanila pero sinubukan ko pa rin dahil nong time na iyon, kailangan ko talaga ng malaking halaga para pang additional capital pero dahil first timer, limited amount lang ang binigay nila. Nabayaran ko naman ang aking loan pagdating ng due date. Nagreloan ako para continues ang cash flow sa aking munting negosyo. Approved ako for P6,000. Nagpapasalamat ako dahil tumaas ang aking limit, lalaki ng kunti ang capital ko sa loading business ko through coins wallet. Pagdating ng due date, binayaran ko uli para makakapag-reloan.

Para sa pangatlong loan ko sa Moola Lending, I was approved for P20,000. Nagulat ako bakt approved ako sa ganun ka laking halaga. Kinuha ko pa rin kahit may bawas na P2,000 para sa 10% processing fee. Consistent na ang pagpahirap nila sa akin ng P20,000 hanggang pang-11th loan ko na. Naisipan kong ibahin ang estelo para hindi malaki ang maibigay ko kay Moola Lending. Dahil wala pa talaga akong pang extra capital, hindi ko na binayaran ng buo ang loan ko, instead binayaran ko nalang ang interest na P6,000 plus P700 na prolongation fee.


Sa ganitong paraan I can save P1,300 dahil kung magbabayad ako ng P26,000 para sa P20,000 na loan ko at magreloan uli, hindi naman P20,000 makukuha mo. Ito'y mababawasan ng P2,000 para processing fee. Habang wala pa akong pang extra puhunan, patuloy ko nalang babayaran ang P6,700 para hindi lalaki ang utang ko sa Moola Lending tulad sa nangyari sa iba na lumalaki ang loan nila dahil ni interest ay hindi nagbabayad. 

Oo, nandito na tayo sa malaking interest nila pero hindi yon ang dahilan na hindi mo babayaran ang utang mo dahil responsibilidad mo yon. Pumayag ka sa agreement bago mo kinuha ang pera. Huwag magreklamo, dapat maghanap ng paraan para mababayaran ang utang at hindi maging magulo ang buhay dahil sa mga naniningil. Sa Moola Lending man o sa iba, dapat talagan isiping mabuti ang mga maaaring idudulot nito sa pagkatao mo kung sakaling hindi ka makakabayad ng utang. Huwag talikuran ang responsibilidad mo bilang borrower, be a responsible borrower at hindi nakakalimot ng utang. Hindi maganda para sa sarili at pamilya mo, lalo na sa mga nakapaligid sayo.

Since my first loan, I never encountered na binastos ako ng isang Moola Lending agent. Maayos sila makikipag-usap everytime tumatawag sila. Laging humihingi ng pasensya sakaling nakaka-isturbo sila. Kahapon tumawag uli sila dahil due date ko kahapon, hapon na kasi hindi ko pa na settle dahil hindi ako makakalabas ng bahay, kasama ko kasi ang makulet kong anak. Plano ko na gabi na ito babayaran dsa 7-Eleven.

Tinanong lang nila ako kung ma-settle ko ba kahapon. Sabi ko Oo, pero gabi pa dahil di ako makakalabas. Well, 11th reloan ko na kaya alam na nila na may word of honor ako dahil ni minsan hindi talaga ako pumalya sa pagbabayad. Late man ito pero hindi talaga ito lumagpas sa araw mismo ng due date. Ito'y dahil din sa willingness ko na magbayad. Marami kasing tao kahit may pambayad naman, hindi magawang magbayad dahil wala sa kanila ang willingness na magbayad. Oo, nga naman kahit anong pilit nilang magbayad ka pero kung ayaw mo naman eh wala ding magyayari.

Nakalimang pasensya ang sinabi ng agent kahapin. Babae ang nakausap ko at mahinahon itong nagtatanong. Hindi nya ako pinagalitan dahil kung sakaling ginawa nya yon siguradong mapapagalitan ko rin sya. Hehehe.... Ang sekreto para hindi kayo awayin, huwag din nating awayin. Ang pakikipag-usap kasi natin sa tao nagdi-depende sa BUNGAD ng kausap natin. Minsan kasi, tayo pa ang galit kahit alam natin na due date mo na at mayron kang dapat babayaran sa araw na iyon. 

Nagkukunwari lang tayo na hindi affected sa ating utang pero sa totoo lang nahihirapan ng maghanap kung saan kukunin ang pambayad kaya minsan kahit hindi naman pagalit ang bati ng agent na tumawag, mamasamain agad natin. Akala natin pinuwersa na tayo, pero sa totoo lang dapat alam na natin na ganun talaga mangyayari. Huwag tayong masyadong sensitibo dahil wala tayong pambayad o dahil may utang tayo kaya tayo tinatawagan. Lahat ng bagay nadadaan sa mabuti at mahinahong usapan, nasa iyo na kung paano mo i-handle ito.

Overall experience ko kay Moola Lending, sa kanila lang ako nakakaranas ng respeto during sa conversation. Siguro kadalasan mabait talaga akong kausap, pero dahil hindi naman tayo perpekto, at maraming mga kahinaan, lumalabas din ang pagka-highblood natin lalo na kung maraming iniisip na problema. Dahil dyan huwag tayong padalos-dalos, walang problemang hindi nalulutas basta ikaw na meron nito ay naghahanap ng solution. 

Mabuhay kayong lahat dito sa USAPANG PERA!

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.