Thursday, September 27, 2018

Pag-ibig -Ilang Taong Hulog Para Maka Avail Ng Housing Loan?

Maraming nagtatanong kung ilang taon bubunuin sa paghulog para lamang makapag-avail ng housing loan. Hindi rin namin nasubukan mag-apply ng housing loan kaya minabuti naming itanong ito sa Pag-ibig Fund para magkaroon ng malinaw na sagot sa paulit-ulit na tanong ng aming mga tagasubaybay at mambabasa. Mabuti na rin at patuloy nyo itong tinatanong para mapipilitan kaming sumangguni sa Pag-ibig Fund.

Based doon sa tanong na nakasulat sa title natin, isang staff ng Pag-ibig Fund ang nagbigay ng kanyang malinaw na kasagutan. Sana yong mga gustong mag-apply ng housing loan ay magabayan sa sagot na ito. Basahin mabuti ang kasagutan ng Pag-ibig Fund sa tanong tungkol sa ilang taon dapat nakapaghulog ang isang applicant.

Answer:
Ang isang member ng Pag-IBIG Fund na may 24 na buwang kontribusyon, kasalukuyang nagtatrabaho o may pinagkakakitaan ay maaaring mag-avail ng Housing Loan. Maaari din pong bayaran in lump sum ang kulang na buwan upang mabuo ang required number of contributions. Included po sa aming Housing Loan Program ang pagbili ng lote, bahay at lupa, o kaya ay pagpapatayo o pagpapa-ayos ng bahay. 

Nais lang po naming ipaalala na ang pagbili ng property ay kinakailangang residential lamang; hindi po maaari ang agricultural o kaya’y commercial. Ang loanable amount ay base sa inyong gross monthly income, actual need at appraised value ng property. Ang maximum loan term ay 30 yrs depende sa age ng borrower. 

Pakisundan po ang link na ito para sa checklist of requirements depending on the purpose of housing loan: http://www.pagibigfund.gov.ph/dlformshousing.html

Maaari din po kayong bumili ng acquired properties na ibinebenta ng Pag-IBIG Fund. Click this link for more information and list of properties for sale: http://www.pagibigfund.gov.ph/aa/

1 comment:

  1. . Goodeveninģ po ..
    pagibig member po ako pero since ng magpalit ako ng trabaho di na po nahuhulugan yung saken . Tanung ko lang po kung pwede ako na po mismo yung maghuhulog hindi na po yung employer ko ? Pwede po ba ? Thanks in advance po ...

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.