Sunday, September 09, 2018

Saan Maaaring Humiram o Umutang Ng Pera?


Karamihan sa atin ay nakakaranas ng kakapusan sa pinansyal at dahil dito kinakailangan nating humiram o umutang ng pera upang matugunan ang kakapusang ito.  Saan man ito gagamitin, maging ito man ay sa ating pamilya, sa negosyo o maging sa ating pansariling layunin. 


Lagi lamang nating tatandaan ang isang  mahalagang bagay, ang masuri at matimbang ng mabuti ang layunin ng ating paghiram ng salapi. Sa ganitong paraan magkakaroon ka ng kapayapaan sa sarili at sa loob na mababayaran mo ang iyong pinansyal na obligasyon ng walang magiging problema. 

Lagi ring tandaan na may mga disadvantages at advantages ang bawat tao o loan company na iyong hihiraman, mahalaga ding mapag-aralan mo ito upang sa ganon mas lalo mo pang matimbang ang mga bagay-bagay sa iyong pag-uutang.

Ang Pag-utang o Paghiram sa Bangko
Kung ang pag-uusapan ay ang paghiram o pag-utang ng malaking halaga,  ang unang unang pumapasok sa ating isipan ay ang bangko.  Kahit saan man natin ito gamitin, maging ito man ay sa pagbili ng kotse, sa pagpapagawa ng bahay, o pagsisimula ng negosyo, ang pangunahing bentaha  ng pag-utang sa bangko ay malaki ang pwede mong hiramanin na salapi.  Ang tanong lamang dito ay ang iyong kapasidad sa pagbabayad.

Nagbibigay din sila ng mga package sa iyong inutang, kalakip nito ay ang termino ng iyong pagbabayad, eskedyul ng pagbabayad, pagpapalawig ng termino ng pagbabayad, at pagdagdag ng halaga ng iyong uutangin. 

Ang iyong magandang credit line ay dagdag puntos upang mapadali at mapalaki ang iyong uutangin. Maaari mo ring bayaran ang mga ito sa bago o sa itinakdang petsa ng pagbabayad.

Ang disadvantage naman ng paghiram o pag-utang sa bangko ay mas istrikto sila pagdating sa mga kinakailangang isumiteng dokumento at dapat kailangang pumasok ito sa kanilang pamantayan. 

Bukod pa dito, nangangailangan sila ng kolateral lalo na’t malaking halaga ng salapi ang iyong uutangin, at ang pagproproseso nito ay may katagalan din kaya naman asahan na hindi ito makukuha agad.

Paghiram o Pag-utang sa Tao
Ang paghiram o pag-utang sa tao ang siyang pinakamadamali at komportable sa lahat ng pautang. Kaagad matugunan ang iyong pangangailangan lalo na’t kung may mga kaibigan ka, na nakaka-angat sa buhay na handang magpahiram ng salapi, na ang tanging puhunan mo lamang ay ang pagtitiwalang kanilang ibinibigay sayo. 

Sa ganitong sitwasyon kadalasan ay berbal lamang ang usapan, subalit may iba na humihingi ng promissory note o simpleng kontrata lamang. Karaniwan  sa pag-utang sa kaibigan, ay walang hinihinging interes, o kung may interes man ito ay maliit lamang. Maliban na lamang kung mangungutang ka sa isang lending shark na sobrang taas magbigay ng interes.

Ang isang disadvantage ng paghiram o pag-utang sa tao ay limitado lamang ang maaari mong mahiram na salapi, sapagkat ito ay nakadepende lamang sa kung magkano ang hawak nilang pera, at ang isa pang disadvantage ng paghiram sa kakilala ay maaaring masira ang inyong relasyon kung sakaling hindi mo matugunan ang ipinangakong takdang araw ng pagbabayad dahil sa kung anupamang hindi inaasahang pangyayari o anumang kadahilanan.

Paghiram o pag-utang  ng pera gamit ang mobile app o gamit ang internet.

Marahil ang pinakamadali sa lahat ng paghiram  ng salapi ay ang paghiram gamit ang internet tulad ng; Cashwagon, Moola Lending, Tala Philippines at iba pa.

Ang cashwagon ay isang online lending company na nakatutok sa online consumer financing, ang advantage ng paghiram dito ay madali lamang, hindi na nangangailangan ng kolateral, hindi mahirap unawain at madali lamang. Lahat ng kondisyon at bayarin ay malinaw na nakasaad  sa kanilang website. 

Ang disadvantage lamang nila ay limitado ang loan na maaari mong mahiram sa kanila sa pasimula, subalit ito ay madaragdagan base na rin sa kung paano ka magbayad ng iyong inutang at ibinabase rin nila ang iyong uutangin base sa iyong buwanang kita. Ang termino ng kanilang ibinibigay na pagbabayad ay maikling panahon lamang na hanggang 30 days.

Source: Cashwagon

2 comments:

  1. Naghahanap ka ba ng mauutangan with low interest at mabilis ang process? Apply for a loan in just 2 minutes and know more about our products by clicking this link ~ https://gdfi.com.ph/

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.