Tala - May Problema Ba ang System Nila?

Share:
Marami kaming natanggap na mensahe sa PPOG nagtatanong kung bakit nakakatanggap na sila ng confirmation through texts na bayad na ang loan nila pero pagbukas mo sa iyong Tala app, nandon pa rin yong amount na binabayaran mo na. Hindi mabilang ang mga tanong kung bakit nagkaganon. Tulad sa mga ibang lending apps, hindi talaga maiiwasan na makakaranas ng mga system failure ang mga lending companies. Maaring mayrong ginawang update o mayron silang ginalaw sa kanilang system para magpatuloy ang kanilang serbisyo kahit mayron kunting abirya.

Hindi lang payments issue ang dumating sa amin. Marami din ang nadismaya dahil nagbabayad sila ng maaga para makapag reloan pero ang resulta declined ang loan application nila. Oo, nakakadismaya talaga kapag ganun ang nararanasan natin, we expect na makakautang pero kabaliktaran ang nangyayari. Hindi naman ito ang unang pagkakataon pero medyo nakaka-alarma dahil marami ang apekted sa system error ni Tala lately.

By the way, nakakatanggap din ako ng tawag mula sa mga clients ni Tala na nagkaproblema. Nag search daw sila sa google at lumabas daw yong number ko. Hindi ko na matandaan saang post ako naglagay ng aking TM number, ang natandaan ko Smart at Sun number ang nilagay ko sa aking mga post. 

Isama na rin natin ang  naranasan ko nong ginawa ko ang 13th reloan ko sa kanila. Kumuha ako ng video sa transaction na iyon para makikita ko kung anong mga abirya ang mararanasan ko. Muntikan na talagang ma-declined ako. Out of 12, 11th times, segundo o lagpas minuto nakuha ko na ang pera through my coins wallet pero nong pang 13th reloan ko, medyo mabagal ang respond ng system at may nakalagay pa na TALA WILL GET TO KNOW MORE about me. Naku, lagot akala ko talaga declined na kaya ni refresh ko ang home button twice, at lumabas ang YOU ARE QUALIFIED to loan P7,500. Saka pa ako nakahinga ng maluwag.

Nagpadala ako ng mensahe sa Tala pero as of this writing, wala pa akong natanggap na reply. Siguradong inulan sila ng maraming message ngayon dahil napansin ko na marami talagang apektado sa system error na nangyayari today. Antayin muna natin kung ano ang update nila kapag nagreply na sila sa mensahe ko sa kanila.

Sa mga hindi pa nakapanood ng aking video tungkol about my 13th reloan, pwede nyong mapanood sa link na ito: https://goo.gl/aqGSvR  Pansinin nyo ang nangyari nong i-submit ko na ang aking reloan, nagloading saglit kahit OK naman ang internet speed ko. This week ata nag-umpisa ang system error ni Tala.

Kayo, may napansin din bang error sa account nyo? Kung due date nyo na...siguradong kakabahan kayo dahil baka late na naman ang posting ng inyong payments. Yong sa akin, hindi ako nagbayad sa 7-Eleven kaya siguro hindi ako apektado. Coins ang gamit ko at so far, napakabilis ng posting.

Sa mga hindi pa nakapagtry kay Tala, download their app gamit ang link na ito:   http://inv.re/60qvi or Please use our REFERRAL CODE: ALD86C

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.