Tuesday, September 25, 2018

TALA -Nawalang Cellphone Paano Na?

Hindi natin alam kung kailan at kung saan natin maiiwan o malaglag ang ating mga cellphone. Napakasakit isipin lalo na kung mahal ang pagkabili natin nito. Hindi lang yan, lalo na kung matagal na natin itong pag-aari. Kung matagal na, siguradong maraming ala-ala na itong nagawa sa ating buhay. Hindi mo agad ito makakalimutan, pilitin mo man ang iyong sarili o kahit kaya mo pang bumili ng bago talagang mag-iiwan ito ng panghihinayan lalo na kung naging kasama mo na ito sa matagal na panahon at naging saksi ng iyong mga pinaggagawa araw-araw.

Ang masaklap kung marami itong lending apps na pinagkakautangan mo sa loob ng ilang araw o buwan. Problema mo ang sakit na nararamdaman, mas lalo pa itong pinalala kapag kung pati ang mga utang mo sa mga apps ay hindi mo na alam kung paano mababayran.

Marami ang nagtatanong sa amin tungkol sa mga issue ng pagkawala ng kanilang mga cellphone at naka-install doon ang iba't-ibang lending apps na inutangan nila. Isa na dito ang Tala Philippines App. Marami ang namroblema kung paano nila mababayaran sa ngayong nawala na ang kanila cellphone; ang iba naiwan, ang iba naman nalaglag pero marami din ang ninakaw.

Hindi madali ang pagkuha ng replacement sa inyong cellphone number na nawala. May mga proseso pa itong sinusunod para mabalik ito sa iyo na kaparehong number. Kukuha kapa ng affidavit of loss sa abogado at dalhin mo pa ito sa wireless o business center ng iyong cellphone company.

Ang iba nahihirapang sundin ang proseso kay kung saan-saan nalang ito nagtatanong ng alternatibo para mapabilis ang pagpalit ng kanilang cellphone para mapasok uli ang kanilang Tala account. Hindi maiiwasang kakabahan ka lalo na kung malapit na ang due date mo sa Tala. Ayaw nilang masira ang kanilang credit score dahil inaalagaan nila ito dahil mabait si Tala sa mga client na marunong magbayad lalo na kung hindi ito delayed.

Ngayon hindi na kailangan pang pahirapan ang inyong mga sarili dahil pwede na itong mapalitan sa lalong madaling panahon kung gustuhin nyo.Dahil hindi nyo na mapasok ang inyong account, maaari kayong makiusap sa inyong mga kaibigan na mayrong existing loan sa Tala na i-message sila at ibigay ang concern nyo kasama ang nawalang cellphone number para mai-check nila sa system.

Kung wala kayong kaibigan na mayrong loan sa Tala, pwede rin kayong mag-email sa kanila. Ang official email na tumatanggap ng concern para mapalitan ang inyong cellphone number sa inyong Tala accout ay ito: support@tala.ph

Once natanggap na nila ang concern nyo, agad nila itong papalitan tapos ma verify na tama at walang agrabyadong tao na apektado sa pagpapalit. Kindly report immediately bago pa masira ang credit score mo sa Tala.

Kung kailangan nyo ng tulong tungkol dito, pwede kayong lumapit sa amin at mag-email sa aming official email na: admin@usapangpera.ph or usapangpera.ph@gmail.com

READY KA NA BANG MAG-LOAN KAY TALA PHILIPPINES?
Kung nagustuhan mo ang guide ko at sa effort na ginawa ko para mapaliwanag sa iyo kung ano ang kaibahan ni Tala sa ibang lending company online, please po gamitin nyo ang aking REFERRAL CODE: ALD86C or click this link:  http://inv.re/60qvi


No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.