Tulad ng dati, nakagawian ko na talaga na mag reload pagkatapos kung mabayaran ang aking previous loan. Kung nasubaybayan nyo ang aking Journey kay Tala mula first loan hanggang 13th loan, wala talagang kahirap-hirap. Marami akong narinig at nabasang mga problema tungkol sa reloan nila kay Tala na medyo nakakatakot at nakakakaba pero salamat Diyos, wala akong nararanasang ganon sa mga transaction sa kanila.
Malamang isang dahilan nito ay ang pagiging consistent sa pagamit ko ng coins.ph sa disbursement method ko. Karamihan sa nabasa ko ay offline method ang kanilang disbursement. Dahil wala silang bank account at coins wallet, umaasa lang sila sa Palawan, Cebuana at MLhuillier. May katagalan talaga minsan sa tatlong method na ito pero sigurado naman itong matatanggap ng borrower pagkatapos ng ilang araw pero kailangan lang talagang makikipag-coordinate sila kay Tala.
Para sa akin, highly recommended ko ang coins dahil napakabilis at walang hassle. Kung wala pa kayong coins wallet, pwede kayong gumawa ng account nyo. Sundin nyo lang ang aming guide kung paano gumawa at i-verify ang account nyo. Kindly click this link para sa aming step by step guide para hindi kayo mahihirapang gagawin ito: https://goo.gl/cNRMz7 Napaka-convenient kapag coins ang gagamitin nyo dahil makukuha niyo aga-agad ang pera na hinihiram nyo kay Tala. Kung hindi nyo alam paano magwork ang coins sa mga Pinoy, basahin nyo ito: http://bit.ly/coinsworks
Madali lang makukuha ang pera nyo sa coins. Pwede nyo itong i-widro sa pinakamalapit na ATM ng Security Bank kahit wala kayong ATM. Gamitin nyo lang ang CARDLESS Cashout ni Coins through eGiveCash. Pwede ring gawing negosyo ang coins sa pamamagitan ng pagbibinta ng load, bills payment at remittance. Malaking tulong sa negosyo ko ang coins wallet na matagal ko ng ginagamit sa mahigit dalawang taon na.
Balik tayo sa reloan ko kay Tala. Ang binayaran ko ay P7,925 sa aking loan na P7,500. Nababasan ito dahil mayrong sumali sa Tala gamit ang aking referral code. Bawat referral ay mababawasan ng P100 ang iyong loan balance. Binayaran ko through coins, kaya minuto lang updated na agad ang Tala app ko. Nong makita ko na updated na ito, agad akong nag-apply for RELOAN.
Napakabilis ng proseso, wala pa sigurong 10 minutes, nasa coins wallet ko na ang aking reloan. I was approved sa aking 14th loan sa halagang P8,500. Ibig sabihin tumubo ang aking approval amount ng P1,000 dahil sa 13th reloan ko ay P7,500 lang yon. Ang aking Tala App balance ngayon ay P9,775. Ito ay babayaran ko sa pang tatlumpong araw ng aking loan. P1,275 lang ang interest na pinatong ng Tala sa aking P8,500 loan. Napakababa lang talaga ng interest ni Tala.
Kapag maganda ang record mo kay Tala, patuloy ka nilang papahiramin kahit minsan ma delayed ka ng bayad. Para sa karamihan maganda ang Tala dahil hindi ito strikto pagdating sa singilan. Ang Tala ang #1 Lending app ngayon sa Pilipinas at pati sa ibang bansa. Abangan ang aming video, naglalaman ito ng aking 14th RELOAN.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.