ANO ANG KAUGNAYAN NI CASH LENDING AT LOAN IT?

Share:
TODO DENY si Cash Lending na kasama nila si Loan it. Sige palagay natin na hindi nga sila kasama sa iisang mother company, bakit mayron kaming natuklasan na mga katibayan na magkapareho sila sa isang salitang ginagamit.

Una, Alam nyo ba kung anong salita ang natuklasa namin na magkapareho sila? Ang salitang UNIPESO. Sa website ni Cash Lending, nakalagay sa pinakababa ang email address na HELP@UNIPESO kung sakaling mayron tayong katanungan na ipaabot sa kanila.

Pangalawa, hinanap namin ang Cash Lending application sa Google Playstore. Napansin
namin sa browser na nandon din ang salitang UNIPESO. Ibig sabihin magkasama ang kanilang website at ang kanila Playstore app.

Pangatlo, alam nyo ba kong ano ang natuklasan namin kay Loan It? Hinanap din namin sa Google Playstore ang Loan It application. Nong mahanap na namin ito, laking gulat namin dahil ang nakalagay sa browser ay kaparehong salita din kung anong mayron kay Cash Lending. Posible bang hindi ito sinasadya at tanging aksidente lang?


Paliwanag ng karamihan, nagkataon lang baka iisa lang ang developer ng kanilang app at naka default ang mga features. Sigurado kaya sila sa mga iniisip nila? Kung ikaw ang may-ari ng app na binili mo sa isang developer, papayag kaba na ang laman ay hindi tungkol iyong kompanya at serbisyo? Syempre hindi, baka iisipin ng mga tao na kinopya mo yong sa kanila at wala kang sariling identity. Kaya pilitin mo talaga ang developer na baguhin at ilagay ang iyong gustong mga salita na related sa company at services mo.

Pang-apat, ang confirmation message sa app ni Loan It ay binanggit ang pangalan ni Cash Lending. Matagal na si Cash Lending sa Playstore, kung sakaling parehong app ang binili ni Loan It sa developer ng Cash Lending, imposibleng hindi ito binago ng developer bago nya ito bininta kay Loan It. Para sa aming, hindi kami naniniwalang walang kaugnayan ang Cash Lending at ang Loan It.

Alam naman natin kung anong mga bad reviews ang lumabas kay Cash Lending. Maraming reklamong nanghaharas ang kanilang mga agent sa mga clients at mga naka stored na contacts sa clients cellphone. Hindi malayong mangyayari din ito sa Loan It kung sakaling ma delayed kayo kahit isang araw lang ng inyong payments. Kaya mag-ingat para hindi kayo mapapahiya na naman sakaling umandar ang kanilang unprofessional acts.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.