Cashwagon - Huwag Magbayad sa Payment Channel Na Ito

Share:
Pinapaalalahanan ang lahat ng existing client ni Cashwagon iwasan ang ma-delay ng inyong repayment para hindi kayo mapapatawan ng P500 penalty. Malaking bagay na sa bawat isa ang P500. Kaya nga nangutang tayo dahil kapos sa pera tapos madagdagan pa ang babayaran natin.

Maraming lending system ang nagkakaproblema lately. Kasama dito ang Cashwagon, lalo na kung ang repayment channel mo ay Cebuana Lhuillier at M.Lhuillier. Ito ang rason kung bakit nong tumawag ang Cashwagon sa akin, sinabihan ako na huwag magbayad through Cebuana at M.Lhuillier dahil up to 72 hours pa ang posting nito. Oo, aabot ng tatlong araw bago ito papasok sa account mo ang iyong binayad kaya siguradong madagdagan ng P500 ang balance dahil sa penalty.

Cashwagon encourage all their clients to pay through 7-Eleven. Sabi nong tumawag sa akin na real time posting ang 7-Eleven. Although, ganon ang sinabi nila sa akin pero hindi ko sinunod dahil bayad center din ako gamit ang TRUEMONEY. Hindi nga real time pero pumasok naman agad ang payment ko kay Cashwagon.

Ngayon, inulan ng batikos at reklamo ang page ni Cashwagon dahil sa problema ng repayment. Yong iba hindi makaka-reloan dahil hindi pa updated ang account nila. Wala silang magawa kundi magreklamo pero ganun talaga, dapat tayong sumunod sa mga advices para hindi tayo makakaranas ng abirya.

Bukod sa madali lang mag-approved ang Cashwagon, isa sa nagustuhan ko ay wala silang prolongation fee. Kung gusto mong i-extend ang loan mo, tangin ang interest lang ang babayaran mo, wala ka ng ibang babayaran maliban nalang kung delayed ang payment mo mayron silang penalty.

Para sa hindi pa nakapag-apply ng loan sa Cashwagon, follow our step by step guide sa link na ito: https://goo.gl/hAc16v

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.