Cashwagon - Paano Maiiwasan ang Penalty?

Share:
Isa sa pinaka sikat na online lending ngayon ay si Cashwagon. Hindi ito mahigpit pagdating sa kinakailangang requirements. Importante may trabaho ka at tumatanggap ng sweldo buwan-buwan. Hindi lang employed ang pinapautang ng Cashwagon gaya ng ibang lending apps. Priority ni Cashwagon ang mga mayrong negosyo na kasalukuyang pinapatakbo. Kahit wala kang payslip basta may business permit at dti kang hawak, pasok yan kay Cashwagon.

Kung ganun ka bilis at maluwag si Cashwagon pagdating sa loan application, kabaliktaran naman pagdating sa pagbabayad. Medyo may kakulitan din si Cashwagon lalo na sa paniningil. Hindi pwedeng dadaan ang due date mo na hindi ka makakatanggap ng text at tawag mula sa kanilang agent. Limang araw bago ang due date, makakatanggap ka ng SMS galing sa system nila tungkol sa income due date mo, para ma remind kayo sa araw ng pagbabayad.

Tatlong araw bago ang due date mo, makakatanggap ka ng tawag mula sa kanilang agent, paalalahanan ka sa araw ng iyong due date. Malayo sa katutuhanan na makakalimotan mo ang iyong araw ng bayaran. Mahigpit nilang sinasabi na huwag lumagpas sa due date dahil bukod sa patong-patong na interest based doon sa outstanding balance mo, magdagdag din sila ng P500 para sa penalty. Malinaw sa lahat na hindi nagpapabayad ng PROLONGATION FEE ang Cashwagon. Kaya dapat siguraduhin na hindi lumagpas sa due date ang iyong pagbabayad para walang karagdagdagang halaga na madagdag sa utang mo.

Sa P7,000 na utang mo, P2,800 ang interest nito sa loob ng tatlumpung araw o 30 days. Kung balak mong i-extend ng another 30 days ang iyong loan, maaari mong bayaran ang P2,800 para patuloy mong magagamit ang P7,000 na loan nyo kay Cashwagon. Hindi tulad sa ibang lending na meron kapang prolongation fee na babayaran bukod sa interest within 30 days. Kaya para sa amin dito sa USAPANG PERA, magandang utangan din si Cashwagon.

Recommended namin dito ang Cashwago para sa mayrong trabaho at may negosyo. Para sa mga gustong mag-apply, inaanyayahan namin kayong basahin ang aming step by step guide sa link na ito: https://goo.gl/hAc16v at panoorin nyo din ang aming video tutorial sa USAPANG PERA youtube channel para sa madaliang pag-apply ng loan: http://bit.ly/CashwagonYtube

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.