GCredit - Paano Magkaroon at Paano Gagamitin?

Share:
Nong unang pagkarinig ko tungkol kay GCredit, hindi ko rin alam kung paano ito gagamitin. Dahil nasa beta stage pa sila, hindi lahat pwedeng magkaroon ng GCredit feature sa kanilang GCash mobile app. Matagal ko ng ginagamit ang aking GCash app sa pagpapadala ng pera sa aking supplier ng allnetwork loading pero nong nakabasa ako tungkol kay GCredit agad ko itong hinahanap sa aking GCash app pero sad to say, I wasn't entitled to used the exclusive features ng GCash.

After 2 weeks ng paghihintay, hindi ko inaasahan na mayron na kasi wala naman akong notice na natatanggap para tingnan ko ang aking GCash app. Nagsend ako ng bayad sa sinabi kong supplier, pero bago ko isara ang aking app sinadya ko munang pindutin ang GCredit button. Nakita ko na mayron na akong GScore, at ang aking Score ay 474. Kaya agad akong nag-apply for GCredit. Napakadali lang naman ng proseso, maaari nyong matunghayan ang aking kinuhang video habang ginawa ko ito. Please click this link para mapanood nyo: http://bit.ly/GCreditYT

Ang GCredit ay magagamit kapag ikaw ay nagshopping o namimili sa isang malls, shop or store na tumatanggap ng GCash QR code as one of their method of payment. Kung mapapansin nyo, halos lahat ng botique sa malalaking malls ay mayrong GCash QR code na makikita sa kanilang Cashier booth. Ibig sabihin nito tumatanggap na sila ng GCash payment or GCredit payments.

Kapag activated na ang inyong GCredit, mayron kayong Credit LIMIT based sa inyong GScore. Pwede nyo ng gawing pamabayad ang inyong GCredit na parang mayron kayong Credit Card. Every month mayrong due date na ibibigay si GCredit sa iyo. Bukod sa babayaran mong halaga ng inyong pinamili o binili, may 5% interest itong patong.


Ang aking approved Credit Limit ay P2,000. Ibig sabihin pwede kung gagamitin ang aking limit hanggang P2,000. Depende kung magkano ang nagagamit ko, may patong itong 5% every 30 days na aking babayaran kay GCash. Ang aking billing date ay every 6th of the month at ang aking magiging due date ay 15 days after billing date, kung every 6th of the month ang aking billing date, ibig sabihin nito every 21st of the month ang aking magiging due date.


How to Pay using GCredit?
Step 1. Tap Pay QR sa inyong GCash App
Step 2. Choose "Scan QR code' and SCAN
Step 3. Type the amount na iyong babayaran and choose GCredit
Step 4. Confirm transaction
Step 5. Ipakita kay Cashier ang reference code na binigay ng iyong GCash app pagkatapos mong bayaran ang inyong pinamili para magiging successful ang inyong transaction at makaalis.


Use your GCredit limit sa lahat ng GCash QR transactions sa Ayala Malls, Puregold, Robinsons, SM at sa marami pang GCash payment outlet nationwide. To know some of GCredit stores, please check this link: http://bit.ly/GCreditstores



Panoorin ang aming video tutorial kung papaano magkaroon at paano gagamitin ang inyong GCredit sa mga malls at shop nationwide. Please watch through this link: http://bit.ly/GCreditYT

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.