Wednesday, October 10, 2018

Getpeso - May Karapatan Nga Ba Silang Mananakot?

Dahil sa pagdami ng mga lending apps na lumalabas sa Playstore, dumadami din ang mga reklamo tungkol sa mga panghaharas ng mga lending company na ito sa ating mga Kababayan na umutang sa kanila. WE cannot guarantee na sa lahat nalang na panahon ay mababayaran natin ang ating mga utang sa oras mismo sa napagkasunduan. Mayron talagang panahon na tinatawag nating UNEXPECTED things na maaaring mangyayari. Pero ang ganitong sitwasyon ay HINDI rin rason na hindi kana magbabayad ng inyong UTANG.

Nakikinig kami sa mga nagsusumbong sa amin dito kung nakikita naming ang tao na nagsumbong ay walang balak na kalimutang ang kanilang mga utang. Tulad nalang sa isang CLIENT ng Getpeso na nag-email sa amin at humingi ng payo kung ano ang kanyang dapat gawin sa panggigipit at panghaharas ng Getpeso sa kanya. Ang email na aming natatanggap ay mula kay SIR JEFFREY:

Hi,

Ask ko lang po if alam nyo ang email add ng GetPeso? At bakit nawala sya sa Googe Playstore?

Grabe kasi yung ginawa nila sakin. Nung una nakiusap ako na baka pwde iprolong o extension. Ayaw nila pumayag, kailangan daw bayaran, so sabi ko mga 3 days ko sya mababayaran, then ilang araw na hindi sila tumatawag, tas biglaan tumawag sa kapatid ko. Kakasuhan daw nila ako ng Stafa. Pinaghahanap na daw ako. 

Yung kapatid ko babayaran na dapat sila ng 6k ayaw nila pumayag dapat daw 9k. hinayaan nlng ng kapatid ko. sabi ng kapatid ko sige mag file kayo ng stafa. hihintayin namin kayo dto samin. Nkailang ulit din silang nagbanta na pupuntahan daw kami sa brgy. at maghanda daw kami at magsecure. so nananakot na sila. then ngayon ngayon lang bigla naman silang nagtext na nakafile na daw yung case ko sa QC RTC. then ilang minutes lng. buong relatives ko, kaibigan at kawork ko tnext din pala nila. 

Grabe ang panghaharass na gingawa nila at the same time namamahiya na sila.
Salamat.

KUNG NAPAPANSIN nyo puro pananakot ang ginawa ng Getpeso agent. Nabanggit pa nito na nakasampa na ang kanyang kaso sa QC RTC. Talaga lang Getpeso, ni wala nga kayong exact address sa inyong opisina dito sa Pilipinas tapos may nakasampa pang kaso kayong nalalaman. Hindi nga kayo nagbabayad ng TAX at siguradong wala din ata kayong business permit.

Pawang puro pananakot lang ang ginawa ng mga online lending sa mga hindi nagbabayad. Karamihan sa mga lending app ay walang opisina na masasabi nating nagiging legal nga silang nag-o-operate sa ating bansa. Pero mayron din namang mga legal na nagpapautang like Tala, Cashalo, Cashwagon, Moola, Robocash at iba pa. Lahat ng lending companies na nagdeclare ng kanilang exact location o address ng kanilang opesina ay siguradong legal dahil matatakot yan baka ma RAID ng SEC at mga taga business bureau.

Kaya, huwag tayong matatakot sa paninindak nila na ganito at ganyan. Tell them na magsampa sila ng kaso at haharapin nyo. Yon kung may balak talaga kayong bayaran pero karamihan sa kanila, dudulog lang yan sa barangay ninyo at doon kayo magharapan. Sa sitwasyon ni Jeffrey, wala siyang planong takbuhan ang kanyang utang, nagkataon lang na may problemang financial kaya nakiusap ito na babayaran muna ang interest for another extension.

Sa mga baguhang lending companies, hindi talaga yan sila papayag kunwari mayron silang rason na ganito at ganyan pero hindi totoo yan. Papayag yan sila kay sa hindi sila babayaran. Kung may plano talaga kayong bayaran ang utang nyo, kahit hindi man buo BAYARAN nyo. Wala silang magagawa, hindi na rin kayo ihaharas nila -dahil nakikita naman nila na willing kayong magbabayad. Iwasan nyo lang na magtago dahil mas lalo silang magagalit sa inyo at ipapahiya kayo. Yon lang naman ang laban nila yong ittext ang mga kaibigan at kamag-anak nyo. Dahil ikaw naman ayaw mong mapahiya kaya ka sumusunod sa kagustuhan nila.

Sa kwento ni JEFFREY, yong tumawag sa kanya lately, sinisi daw ang kasamahan nito kung bakit hindi pumayag na magbayad muna sya ng P6K, na pwede naman daw. Ibig sabihin nasa collection agent ang panghaharas na tulad nito. Huwag kayong matakot sa pagkukunwari nila na kakasuhan kayo. Harapin nyo kung sakaling totoo dahil pati yan sila, gusto rin na magbayad kayo para iwas abala at gumastos ng pera para sa kaso.


Please panoorin ang video tutorial namin sa Youtube channel na USAPANG PERA TV at huwag kalimutang mag-SUBSCRIBE and also click the BELL button para makakatanggap kayo ng notification o ALERT kapag may bago kaming video tutorial sa isang lending apps o lending company.

PLEASE WATCH OUR VIDEO TUTORIAL BELOW

7 comments:

  1. Hihingi po ako ng legal advice regarding my situation. Ng apply po ako ng loan sa isang mobile app. Here's the thing po, yung loan ko po is for 15days lang for me to repay. Nag overdue ako ng ilang days then unfortunately nawala phone ko kung saan nakainstall yung application nila to monitor my loan as well as the sim card na gigamit ko to sign up the loan. So theres no way for me to access their application. May Facebook page sila. Nag chat ako doon matagal nga yung response. So i tried to install their app po baka sakali na magawan ko ng paraan to open it (change contact number or any) pero wala suprisingly nawala yung app nila sa playstore/appstore. Ilang weeks lumipas may nag contact sa auntie ko. Yes. Yung lending company po yung nag contact sa auntie ko regarding my loan kasi overdue na masyado. And take note di lang sa auntie ko, meron din nag contact sa friends ko na di ko po alam bakit may phone number sila ng friends ko though hindi ko nilagay yung mga phone numbers nila for comaker. Sinisingil na nila ako sa loan pero wala akong enough money na para bayaran ang loan kasali na ang interest. So nagbigay analang ako ng said date for me to repay. Since then naga kontak na sila ng pabalik balik (rude accent/ threats and anything). One day po nag check ako sa kanilang Facebook page and to check the reviews, puro ho bad reviews about sa service nila na pareho rin ng nangyari sa akin. And mas nakakagulat pa po, may mga reviews rin na nag sasabi na kinokontak parin sila kahit tapos na makapagbayad. So nabahala po ako kase malaking amount yung ibabayad ko tapos baka manyari sa akin yung nangyari sa kanila. One time ng exchange of conversation kami ng kanilang agent na nasa "legal department" daw nila. (Referring to pictures below) Naga ask ako ng kanilang Office Address pero walang maibigay. What to do with this kind of situation po? Tingin ko kasi illegal sila at modus nila na gawin yung wawalain yung application nila sa playstore hanggang may mag ooverdue na yung account ng mga overdues nila. And also regarding sa mga phone numbers ng mga friends and relatives ko na na access nila. Can I file a case against them?

    ReplyDelete
    Replies
    1. On the day na inalaw mo sila to access your contacts, sa minutong ding iyon nakukuha na nila ang lahat ng contacts mo at na stored na sa kanilang system. Kahit uninstall mo pa app nila, wala kanang kawala kasi hinigop na nila contacts mo. Sakaling hindi ka magbabayad, yon lang kasi hawak nila para singilin ka.

      Actually maraming apps ang nawawala sa playstore dahil nag-update pero so far naman bumabalik sila. Si Upeso at Getpeso nawala din saglit pero available na uli sila sa playstore. Huwag kang matakot na sisingilin ka kahit tapos kanang magbayad dahil may instances talaga mangyari yan pero kung may hawak kang katunayan na nagbabayad kana, may habol ka kay sa wala ka talagang pinaghahawakang katibayan, siguradong mas malaki pa ang kahihiyan na aabutin mo kaya ang maipayo ko bayaran mo ang utang mo para manahimik na sila.

      Delete
    2. bayaran nlng sila para manahimik na sila tama po ba yun? paano nmn yung gingawa nilang papamamahiya sa mga taong hinaharass nila hindi ba dapat pagbayaran din nila yun,mabigat po yung mga ginagawa nilang papamamahiya hindi po ata dapat na basta nlng sila bayaran sa halagang gusto nila para matapos ng yung panghaharass nila.

      Delete
  2. May mga kaso napo ba dto na nagpupunta tlga sila sa bahay mo pag ndi ka nakabayad?

    ReplyDelete
  3. Getpeso na yan.ipinahiya ako sa mga katrabaho ko.lahat nang contact ko sa phone book ko pinagttxt nila.keso sabhi nila kinasuhan ako at eto pa kaya ako napahiya halos lahat nang katrabaho ko parang tinakot din nila kasi sa text nila parang co maker ko sila eh wala nmnmn akong co maker nong nag apply ako sa kanila.tama bha yun na ipinahiya nila ako sa trabaho ko at at ipagkalat na may utang ako.at mga panggigipit nila

    ReplyDelete
  4. Question lang, hindi po ako yung nag loan at hindi rin po ako pamilyar sa terms and conditions ng get peso na yan. May tumawag sakin na agent at dahil sa ako daw ang reference nung taong nag loan kasama daw yung pangalan ko sa small claim cases. Nung sinabi ko na hindi ako pumapayag na ilagay yung pangalan ko ang sabi sakin may tumawag daw sakin before at umagree daw ako na kapag hindi raw binayaran nung nag loan ay kasama daw pangalan ko sa kakasuhan. Is there a way para maidemanda tong get peso na to? And also, gusto kong mabasa yung terms and conditions nila bago ko gawin yun. Where can I see their terms & conditions? Salamat po.

    ReplyDelete
  5. sobrang mangharrass lahat ng tao na wala.naman kinalaman pinagtatawagan ang utang nababayaran peeo ang kahihiyan na tawagan at magbitiw ng mga salita na d maganda d naman ata tama

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.