Mga Dapat Tandaan Upang Hindi Maloko Online

Share:


Habang nag-iikot online napadpad ako sa isang group at nabasa ko itong magandang post sa isang admin (CTTO: Electronic Gadget Shop). Nagagandahan ako sa kanyang pagkasulat at naaangkop sa panahon na maraming naloloko online lalo na yong palagi naming sinasabihan na kailangang mag-effort gumastos kahit P15 man lang para sa GoSURF15. Hindi malaking halaga yon kon tutuusin, kapalit nito matutulongan kang mabasa ang mga bagay na kailangan ng data. 

Isa pa, sakto din yong sinabi nya na karamihan sa mga naloko ay umaasa lang sa FREE DATA. Tunghayan nyo ang post mula sa Hachi's Buy and Sell group. Please read below, alam kung marami kayong maututunan lalo na sa mga nag-online business at yong mga mahilig kumagat sa mga offer online kahit hindi sigurado kung ito'y legit o hindi.

O ikaw, nagpapaniwala ka parin ba sa mga "SALE", "BUY 1 TAKE 1", "PROMO" at "INSTALLMENT" AT MARAMING FREE?? Tapos ang gusto ng kausap mo BAYAD KA DAW MUNA?? gamitin natin po ang isip natin kung SCAMMER ba kausap mo o Legit
TIPS PARA IWAS SCAM EFFECTIVE PO ITO AT MADAMI NA KAMI NATULUNGAN DAHIL DITO (kung naloko pa kayo, kayo na ang may kasalanan)

hindi po kailangan ibang tao pa ang magverify para sa inyo,ito lang mga tips:
1. WAG UMASA SA FREE DATA:

95% NG MGA NALOKO AY FREE FB LANG ANG GAMIT SA TRANSACTION! Unang una since LIBO ang gagastusin mo na halaga sa gamit, bakit di ka muna magWIFI o magrenta sa comp shop ng sa ganun MAKAPAGBACKGROUND CHECK KA MUNA NG SELLER hindi yung wala ka man lang makitang picture, ni hindi nyo man lang makita kung ang nakapost ay actual o kopya sa ibang website. MAS MURA MAGCOMP SHOP KESA LIBO ANG MAWALA.
2. CHOOSE CASH ON DELIVERY TRANSACTION METHOD (COD):

Yan na ang pinasafest transaction sa lahat, wala kang ipagaalala dahil wala ka babayaran hanggat wala sa kamay mo ang order mo.
3. **ITO ANG USO NGAYON ** INSTALLMENT/DOWNPAYMENT SCAM:

Madami dyan mga "PROMO" at "INSTALLMENT" na hihingian kayo ng DOWNPAYMENT at payag hulughulugan nyo bwan bwan, PERO, pagbayad nyo ng downpayment ay GOODBYE na ang pera nyo at block na kayo.
4. BUY 1 TAKE 1 SCAM OR YUN MGA SOBRANG MURA "LIMITED TIME OFFER":

Karamihan ng scammer ay ganyan ang offer, yung sasabihin "special promo" at sa murang halaga ay may libre kapang isa tapos free shipping pa! Pero gusto MAGBAYAD KA DAW MUNA BAGO SILA MAGPAPADALA NG ORDER NYO. Dyan kayo maloloko kung hindi nyo muna susuriin ang seller, lalo na mga probinsyano dyan na madaling maniwala at di man lang nagiimbestiga.
5. FAKE LBC PACKAGE/PALAWAN EXPRESS RECEIPT:

Ang pouch ng LBC at palawan express form ay PWEDE MAHINGI OR IRECYCLE. Mga nakikita nyo mga ibang nagbbenta na pinagmamalaki nila ang dami ng package na "ipapadala" or "pinapadala" nila araw araw at pagclaim ng pera AY POSSIBLENG PEKE. Ang dapat suriin nyo ay OFFICIAL RECEIPT para matawagan nyo at ipaverify kung totoo yung resibo o peke.
5.1 MOSTLY ANG SCAMMER AY SMART PADALA ANG GUSTO SA PAGPADALA NYO NG PERA. BAKIT? KASI MAHIRAP MATRACE ANG TRANSACTION UNLIKE LBC, PALAWAN EXPRESS MAS MAHIGPIT AT PPICTURAN PA SILA MISMO BAGO NILA MACLAIM. Pinakasafe? BANK DEPOSIT CORPORATE ACCOUNT para malaman nyo na talagang lehitimo (tanong kayo sa bangko ano ang requirements para makapagopen ng bank AT MALALAMAN NYO ANG PROSESO NA HINDI BASTA BASTA).
6. MEETUP MODUS / DEFECTIVE ITEM:

May mga ibang payag makipag meetup sa inyo pero paguwi nyo or after 24hrs ay sira pala ang item binigay sa inyo sabay BLOCK agad, di nyo man lang alam saan isosoli ang item para pawarranty dahil walang tindahan o address man lang. 
May mga iba pagpaplanuhan pa kayo holdupin. INGAT! (based ito sa customer namin na muntikan na sa iba kaya NANGYAYARE PO YAN)

7. ACTUAL ITEM PICTURE:

Always ask for the picture ng actual item na may name nyo at date sa gilid para sure na seller ang kausap nyo at hindi puro google picture bibigay sa inyo. Usual na idadahilan sa inyo ay “NASA BODEGA PO YUNG ITEM EH” ("supplier" pero nasa bodega? sa dami "daw" ng nassupply nila may oras pa sila umalis ng 'bodega"? kaya magisip isip). LAHAT ng scammer ay sa google kukuha ng picture na papakita sa inyo, DALI TRY NYO MAGSEARCH AT MAGLALABASAN MGA PICTURE NA MAGKAKAPAREHAS.
8. SALES/SHIPPING PROOF:

Madali lang makakopya ng mga resibo ng LBC, Palawan Express, Smart padala text etc, pero kung susuriin ng mabuti ay iba ang sender name (kinopya sa ibang seller) kaya mas mabuting alamin nyo yung mismong Official Receipt ng LBC at verify nyo. KADALASAN AY PURO PICTURE NG ITEM LANG ANG NAKAPOST PERO WALA NAMAN RESIBO NA TOTOONG NAPADALA SA LBC
9. FAKE PHYSICAL STORE:

May mga report na ngayon na ang sasabihin or nakapost sa timeline nila ay MAY TINDAHAN SILA pero walang nakalagay na address. Ang modus po dyan ay pagnagtanong kayo saan tindahan nila ANG TANONG PO AY IBABALIK SA INYO NA "KAYO PO SAAN PO KAYO"? Bakit binalik ang tanong? para kunyare taga mindanao ka ang sasabihin nya ay "TAGA LUZON PO AKO (seller)", pero kung taga luzon ka naman sasabihin nya "TAGA MINDANAO PO AKO (seller).
Bakit ganyan? PARA PO MAIWASAN NYA ANG LUGAR NINYO PANO KASI KUNG BIGLA NYO SINABI PUPUNTAHAN NYO? E d nabisto sya. Yan po ang kalakaran ng scammer na magpapakita ng mga picture ng tindahan "NILA" kahit tindahan yan ng IBA. Tapos magbibigay ka ng tiwala dahil may picture, tapos papadala ka ng pera then BOOM! Wala na ang pera mo at yung picture ngtindahan na binigay sayo walang kamalay malay na ginamit ng scammer.
May mga report pa nga sabi daw sakanila DTI REGISTERED pero PEKE din pala.
10. MAGPPM SA MGA NAGCCOMMENT:

Mahilig kaba magcomment ng "order po ako pm me", "pakideliver po dito" etc yung bang PINAPAALAM MO SA BUONG MUNDO NA BIBILI KA? Well, MALOLOKO KA! May modus ngayon na IBANG TAO ang magppm sayo magpapanggap na sya ang admin ng gusto mong pagbilhan. Matapos ng bayaran ay SAY GOODBYE SA PERA MO dahil sa kayabangan na pagcomment mo na tila pagmamayabang mo na MAY PERA KA PAMBILI ay MAGLALAHO NGAYON NG PARANG BULA dahil ang nakausap mo ay HINDI PARTE O STAFF NG PAGBBILHAN MO.
11. SALES TALK:

At syempre wala naman manloloko na suplado/suplada dahil ang tiwala nyo ang target nila para MALOKO KAYO
Paalala lang sa lahat ng nag bebenta kng ayaw nyo ma banned sa group pa sunod nalang ng rules. Salamat! Godbless 
NO CLONE Units / COPY o kung ano pang TAWAG nyo dyan.. Banned Permanently
Non-gadget post like, networking, internet unlimited, instant job, paluwagan, sabon, damit etc, will be deleted automatically with or without notice.
Posts like buy1 take 1, shipping only and no meetups, unlimited internet, and very low price that arouse suspicion of scamming scheme with be deleted and blocked
BEWARE OF SCAMMERS AND BOGUS sellers or buyers, 

If possible, make transactions through meetups in a safe location like malls and check the items properly to avoid problems.
The GROUP and its ADMINS are not responsible for any damages in any transaction made by the members
Please post with this format to avoid UNNECESSARY QUESTIONS.
FOR SELLING

Actual Picture is REQUIRED
Brandname:
Model:
Selling Price:
Descriptions/Inclusions:
Preffered Location:

FOR SWAPPING:

Actual Picture is REQUIRED
Brandname:
Model:
Swapping Price:
Descriptions/Inclusions:
Preffered Unit:
Preffered Location:

FOR LOOKING/BUYING:

Preffered Unit:
Budget Range:
Preffered Location:

All Rights Reserved 2015

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.