Dahil 30 days na pala ang nakalipas mula nong binayaran ko ang aking loan extension, oras na namang magbayad uli para sa another 30 days extension ko sa P20,000 loan ko kay Moola Lending. Pansamantalang patuloy ko itong babayaran ang 30 days extension hanggang sa buwan ng December. Kung nasubaybayan nyo ang mga dati kong post mas makakatipid ako sa PROCESSING FEE kung magbayad ako ng extension kay sa babayaran ko ng buo tapos magre-reloan.
Sa P20,000 loan mo sa Moola Lending, P2,000 ay mapupunta sa processing fee or 10% sa total amount. Samantalang, kung babayaran mo lang ang extension fee, makakatipid ka ng P1,300 dahil ang P700 ay mapupunta sa PROLONGATION. Mas minabuti kung ganito muna ang gagawin ko hanggang December bago ko babayaran ng buo at maghihiwalay na kami ni Moola Lending. Pasado na kasi ako sa mas malaking loan na inaplayan ko sa Bank of Makati.
Medyo may kalakihan nga ang interest ni Moola Lending pero nakakatulong ito sa mga nangangailang tulad ko. Tanging si Moola Lending lang ang nagpapahiram sa akin ng P20,000 sa pangatlo kong reloan. Nag-umpisa akong magloan kay Moola Lending noong isang taon, October 8, 2017. Malapit na ang anniversary ko kay Tala, biruin nyo matagal na akong client ni Tala pero ni minsan hindi ako tumakbo sa responsibilidad ko sa kanila. Wala naman talagang rason na magreklamo kayo kung pinanindigan nyo ang inyong responsibilidad bilang isang borrower.
Aaminin ko sa inyo kahit ako din nagawa ko ito minsan. Huwag nyong ikakasama ng loob, minsan kulang-kulang na nga pera natin at galing pa sa utang pero makuha pa nating bumili ng mga bagay na hindi naman importante at hindi nakakatulong. Kung makakaasta tayong mga Pinoy akala mo ang laki ng sinasahod natin pero hindi alam ng mga kapitbahay natin na ang pera na ginamit natin sa pagbili ng mga bagay-bagay ay galing sa utang. Makuha pa nating magshopping kahit yong pera na inutang natin ang purpose noon bago mo pa utangin ay hindi naman para sa shopping. Pinoy nga naman...
Pagka-oras ng bayaran wala ng pamabayad. Aligaga sa paghahanap pero ilang araw nalanag bago ang due date, wala pa din mahanap. Magbago na ang ihip ng hangin, dahil wala ng mauutangan para pambayad...maghahanap nalang ito ng mga social attention. Walang ibang bukang bibig, mataas ang interest at hindi makatarungan. Bakit kaya hindi nya ito naisip nong nag-apply at nong pagkakuha ng pera.Uhmmm Pinoy nga naman...
Ito ang malupit, nong mag-apply palang hindi magawang magbasa ng mga terms and condition, mga agreement at kahit mag research ng mga reviews tungkol sa
papasokan nitong transaction? Pero ito, kapag nahihirapan ng magbayad, lahat ng website ng gobyerno ina-access na kahit ang liliit na mga sulat ay binasa na para lang makahanap ng panlaban sa mga lending na hindi na nya mababayaran...Nakakatuwa di ba po? Reality po ito sa ating mga Pinoy...hindi nag-iisip kung anong pwedeng mangyari sa unahan sakaling pumalpak...sa atin lang gusto nating tayo palagi ang angat...ayaw natin maagrabyado...ayaw nating malamangan...di ba marami sa ating ganyan? Sana naman maging responsible borrowers tayo at palaging iisipin ang responsibilidad natin bilang isang nangungutang.
Isa lang masasabi ko kay Moola Lending, dapat din ninyong tingnan ang system nyo sa umaga bago kayo tumawag to follow-up kung nabayaran na ang loan. Sa nangyari sa akin kahapon, 3pm pumasok ang payment at bandang 6pm nakatanggap na ako ng confirmation sa system nyo na bayad na nga pero kinabukasan tinatawagan pa ako sa umaga kung nabayaran ko ba ang loan ko. Buti nalang hindi maayos ang signal ninyo kaya hindi sila nakatigim ng malambing na salita. Pero salamat sa isang agent na lalaki, I forgot the name, siya yong nag confirm na pumasok na nga ang bayad kahapon pa ng hapon. Pero yong babaeng tumawag, muntik na akong mapikon dahil pauli-ulit hindi naman nya ako maintindihan, mukhang sira ata ang telephone nila.
No comments:
Post a Comment
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.