Moola Lending - Iwasang Magbayad ng Maaga

Share:
Nakailang beses na kaming nakakatanggap ng reklamo sa mga existing client ng Moola Lending tungkol ito sa pagbabayad ng maaga bago pa ang inyong due date. Lahat ng nagbabayad ng maaga hindi agad ito pumasok sa kanilang account. Ang masaklap mahihirapan kayong ipaloap o kausapin sila dahil hindi nila sinasagot agad ang mga tawag at text mo. Ano po ang ibig sabihin nito? Bakit may ganitong estelo ang Moola Lending? 

Kapag hindi updated ang payments mo, siguradong hindi ka rin makaka-apply ng reloan sa kanila. Ang masaklap, saka pala ito mag-a-update sa araw ng due date mo mismo. Eh paano na yon kung nagbabayad ka ng maaga dahil ang purpose mo ay para makapag-reloan? You will be disappointed kapag nangyari ito sa iyo. Kaya ang payo namin sa inyo, huwag kayong magbayad ng maaga bago pa ang due date nyo.

Ano ba dapat ang gagawin para I can maintain my good credit score kay Moola Lending? Maganda naman kung nababayan mo ng maaga ang loan mo kaso hindi ito papasok agad sa account mo. Kung gusto mong magreloan, walang silbi kaya huwag kanang magbayad ng maaga. Pero siguraduhin mo din na huwag kang magbayad ng lagpas sa araw ng inyong due date, dahil kahit isang araw lang mayron itong kaukulang penalty.

Ang Moola Lending ay madaling lapitan pero mabilis din itong magdagdag ng penalties sakaling hindi mo nababayaran ang utang mo sa takdang oras at panahon. Iwasang ma-delay, dahil siguradong iiyak ka at siguradong maghahanap ka ng kakampi mo para lang malihis ang iyong responsibilidad bilang mangungutang.

Maging responsible borrower tayo. Laging sundin ang napagkasunduan na araw upang ikaw ay magbabayad ng iyong inutang. Hindi masamang magbayad ng maaga kung gugustuhin mo, sigurado naman itong papasok sa araw mismo ng iyong due date. 

Again, paalala sa lahat na iwasang magbayad ng maaga sa Moola Lending kung ang habol nyo ay mag reloan. Siguradong madismaya lang kayo at walang mapala. Kakabahan kapa dahil hindi mo agad makikitang clear na ang utang mo. Pero kung kaya naman, bayaran mo nalang sa araw ng inyong pinagkasunduan.

No comments

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.