
Tapos mawala si Doctor Cash, bumalik ito na iba ang pangalan. Ito ay naging Moola Lending. Namamayagpag din sa online world ang lending services ng Moola Lending. Kahit nga ako ay nakakahiram din sa kanila sa mahigit isang taon na. Yes malaki talaga ang interest na pinapatong nila sa iyong inutang pero sila lang din ang mabilis mag-approved ng loan application na walang masyadong hinihingi at tanging valid ID lang tapos dalawang reference, agad-agad mo ng makukuha ang ni-loan mo sa kanila.
Hindi rin naman lahat pumasa sa kanila kahit hindi sila strikto sa requirements. Gumagawa din sila ng credit investigation based doon sa mga detalye na pinadala ng applicant sa kanila through online. Tumatawag din sila at kinokomperma ang mga ito at para din magka idea sila tungkol sa iyo. Dahil matagal na sila sa ganitong negosyo, marunong na din silang makikiramdam sa applicant kaya minsan disapproved ang loan application nyo.
Kagabi October 23, nagpadala ng mensahe sa lahat ng kanilang mga client na magkakaroon na naman ng pagbabago sa pangal simula November 01, 2018. Alam nyo na ba kung ano ang magiging pangalan ng Moola Lending sa araw na iyon? Ipinapakilala nila in advance ang bago nilang pangalan na Online-Loans.ph.
Ang pagbabago ay magsisimula sa alas otso ng umaga or 8am. Wala pa naman silang sinabi na i-deactivate nila ang kanilang kasalukuyan website na moolalending.ph. Pero inaasahan na mawawala ang website na ito kapag naging bukas na sa publiko ang bago nila website. Ipinapaalam sa lahat na maging handa sa araw na iyan para hindi na kayo magtataka kung sakaling hindi na nyo ma-access ang kanilang website.
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.