Monday, October 22, 2018

PERA247 - Loan Disbursement Through MLhuillier Na Claim Ko Na

Magandang balita ito para sa lahat lalo na sa mga kababayan nating walang bank accounts at nahihirapang i-claim ang kanilang mga loans o hindi makakapag-apply sa PERA247 dahil kailangan nila ng bank account para ma-approved at makuha ang kanilang pera. Actually, isa din ako sa nahihirapan sa PERA247 dahil ang mga bank account ko ay wala sa kanilanga listahan. 

Tatlong bangko na mayron akong account: BDO, BPI at ONB. Not supported ang BDO at BPI kaso ang ONB, ay hindi working ang nakalagay sa system nila. Hindi tinatanggap ang account number, dahil 11 digits ang kailangan samantalang 12 digits ang account number ng ONB.

Sinubukan ko rin yong eGiveCash ng Security Bank pero pina-cancel ko dahil nong time na iyon, problemado ang eGiveCash -hindi ko makuha ang pera sa Secutity Bank ATM. Isa pa, hindi naman gaano karami ang branches at ATM ng Security Bank, maliban nalang kung sa mga syudad kayo nakatira. Paano na yong mga nakarira sa bayan tapos kailangan pang bumeyahe ng 3-4 hours para lang makahanap ng ATM ng Security Bank? Kaya panay reklamo ang pinaabot ko sa PERA247 dahil kung nahihirapan ako dati, paano pa kaya ang iba na walang ibang choices kundi ang padala centers.

Malaki ang pasasalamat ko sa management ng PERA247 dahil dininig nila ang mga hinaing ng karamihan. Dahil dito, siguradong dadami ang kanilang clients at maging mga applicants na din. Based po sa binigay na mensahe nila sa akin, mayrong mga incoming development na ginagawa ang PERA247 para sa ikagaganda ng kanilang operation at makakatulong din daw ito upang dumami ang kanilang client. 

Sa kasaluyan, auto system data analysis ang ginagamit nila to pre-qualify an applicant. Kaya minsan, magtataka tayo kung bakit kaka-submit palang ng ating application, declined na agad. Hindi lang naman sila ang gumagamit ng ganitong system, kahit nga ang Tala gumagamit din. Magka-iba lang sila sa nilalagay na mga impormasyon para maging qualified ang isang applicant. Huwag kayong magtataka kung rejected kayo sa mga lending companies na sinubukan ninyong aplayan dahil may kanya-kanya silang basehan para maging qualified sa kanilang loan services.

Ngayon na available na ang kanilang OFFLINE loan disbursement, subukan nyo uli mag-apply. Make sure na updated din yong mga impormasyon na nilagay nyo sa inyong profile. Baka matulad kayo sa akin, siguro mga 15 times akong umulit pero declined pa din. Ang dahilan pala, yong birthday ko imbes na 1976, ang nakalagay pala sa aking profile ay 2017. Hindi ko napansin, baka sa unang attempt ko na mislook ko ang section na yon. Kaya re-check your information baka mayron kailangang baguhin.

2 comments:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.