Monday, October 01, 2018

SuperCash Lending - Isang ID Lang ang Tinatanggap

Ilang oras lang mula nong ipalabas natin dito sa USAPANG PERA ang tungkol kay SuperCash Lending naging #1 Trending na ito sa Google Playstore under ng Finance. Nong makita ko ito kagabi, medyo tahimik lang na halos hindi mo makita kasi hindi talaga ito lumalabas kung i-search mo sa Playstore. Nagkataon na nakita ko itong lumabas sa isang google ads kay nakuha ko ang direct link nito sa playstore.

Nong makita ko ito, nasa pinaka malayong bahagi na ito sa mga magkasunod na mga lending apps tulad nila Tala, Pondo Peso, Umbrella at iba pa pero ngayon makikita mong lumilitaw agad. Sa pang apat na itong spot ngayon kasunod ni Tala, Umbrella, Quickcash123. Based doon sa nakuhang clicks sa gamit kong URL shortener 700+, tatlong oras pagkatapos kong mai-post ito sa USAPANG PERA website at maipakilala ito sa Pinoy Pautang Online Guide.

Ang daming reklamo na nakuha ko sa ibang group dahil wala pala itong ibang VALID ID na tinatanggap kundi ang nag-iisang DRIVER'S LICENSE lang. Alam naman natin na majority sa mga Pinoy walang driver's license. Dahil nilagay natin ang contact number ng SuperCash sa ating post kay ang iba direktang nagreklamo sa kanila mismo sa SuperCash.

Minabuti nating kausapin ang isang agent ng SuperCash si MS. NANCY. Nagpapasalamat ito dahil sa traffic na nakarating sa app nila ngayon araw. Pinaabot ko rin ang reklamo tungkol sa kanilang ID system kung bakit isang uri lang ng ID ang tinatanggap. Nag sorry ito sa lahat for the incovenience na naranasan ng lahat ng gustong mag-apply. Sinabi pa nya" dalawang araw palang daw kasi simula ng ito'y mag-umpisang tumanggap ng loan applicants".

They are not closing the door para sa mga interested applicants na walang driver's license. Dahil sa susunod na mga linggo, magkakaroon sila ng update sa kanilang app, at madadagdagan na ang mga valid ID's na tatanggapin ng system nila. Kaya inaasahang maraming applicant ang makakapasok kapag naging available na ang system na sinasabi nila.

Sa ngayon, patiently waiting muna tayo at maghanap muna ng ibang lending companies na pwede mahihiraman ng pera. Kung nasundan ninyo ang listahan namin, more than 50 lending companies na ang naisulat namin dito sa USAPANG PERA. Huwag mawalan ng pag-asa sakaling nangangailangan kayo ng pera para pambayad ng mga bills ninyo, subukan nyo ang lahat na pwedeng mauutangan basta siguraduhin lang, be a responsible borrower.

1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.