Tuesday, October 09, 2018

Tala - System Maintenance Mode

Inulan kami ng mga tanong kung bakit ganito, bakit ganyan at kailan magiging OK ang lahat. Pangatlong araw na mula ng magkaproblema ang app ng Tala Philippines. Marami ang apektado lalo na yong mga nag due date. Dahil ayaw nilang masira ang kanilang record kay Tala, binayaran agad nila ang kanilang loan. Kung dati real time ang posting ng payments, ngayon iba ang nangyari. Ang iba inabot na ng 8 hours gago pumasok ang kanilang payments mula sa 7-Eleven.

Nagkalituhan ang karamihan, mayron pa ngang nagdoble ang bayad. Kung dati mayron tayong natatanggap ng SMS to confirm our payments na posted na, ngayon wala na. Isang followers natin ang nagreklamo kanina dahil, naging doble ang bayad nya. Inutusan kasi nya ang kanilang katulong kagabi na bayaran ang kanyang loan na 7,200+. Dahil late na ito, hindi na sila nagkita ng katulong kagabi at kinaumagahan sa akalang hindi nabayaran dahil wala nga SMS na natatanggap, kaya nagbabayad na naman siya. Late na nyang malalaman na nagbayad na pala ang katulong kagabi nong iabot nito ang resibo.

Problema ngayon, hindi agad nagreply ang Tala pero later on, kinumperma ng Tala na they received the two payments. Hindi pala nila ibabalik ang pera, ibabawas daw nila ito sa loan repayment after nyang mag apply ng reloan. Dahil down ang system, hindi siya makaka-reloan. Naka-hold ngayon ang mga transactions kay Tala.

Yong mga nagbabayad ng maaga dahil gusto mag reloan ng higher amount, hindi makaka-reloan dahil hindi pa updated ang kanilang loan balances. Paano na ngayon yan? Pati kami dito sa USAPANG PERA hindi din namin alam kung kailan maaayos ang system nila. Kailangan lang talaga ng pasensya para hindi uminit ang ulo ng bawat isa. Hindi lang Tala ang nagkaganito, in fact, lahat ng lending apps dumadaan talaga ng maintenance mode.

Manatiling kalmado muna tayo para maayos ni Tala ng mabuti ang kanilang system para magiging smooth ang operation sa susunod na mga buwan. Para din naman ito sa kapakanan ng lahat ng kanilang client. Importante nagbayad ang mga may due date para hindi masisira ang inyong credit score kay Tala. Kung sakaling hindi agad pumasok ang inyong bayad, siguraduhing may hawak kayong resibo for verification at reference.

Huwag agad mawalan ng pag-asa, huwag agad madismaya. Laging iisipin, lahat ng lending app dumadaan talaga sa ganitong sitwasyon. Aanhin yong kung tiis lang kung ang hatid naman nito'y matagal na kaginhawaan. Sa ngayon sumasagot naman ang Tala sa lahat ng mensahe para sa kanila through their app ticket, kaso hindi nga lang agad-agad. Inulan din sila ng maraming tanong at inquiries kaya nahihirapan silang sagutin ito lahat. Be patient while inaantay natin ang pagsaayos ng kanilang app at kanilang lending system.

1 comment:

  1. ako ngbayad ng loan last oct 10. ngreloan. approved agad ngtxt ang tla. nung tignan ko sa acct ko wla. tpos binuksan ko app. problem sending may loan. kailangn ko p nmn pangtuition ung mkukuha ko. paano mkaka exam ang anak ko.

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.