Thursday, November 22, 2018

GCredit - May First Ever Funny Experience

Ang GCredit ay isang mode of payment hatid sa atin ng GCash para makapag shopping sa mga malls kahit wala kang dalang cash. Para ka ding nagkakaroon ng credit card pero ito ay digital na maaari mo lang magagamit sa pamamagitan ng GCash app. Itatapat mo lang ito sa nakadisplay na QR code sa store na pinamilihan mo para ma initiate mo ang payment para sa mga items na binibili mo.

May kanya-kanyang credit limit na binibigay ang GCredit sa bawat isa, depende ito sa Credit Score na naiipon mo through your GCash app activities. Ang iyong Credit Score ay tumataas kapag palagi mong ginagamit ang GCash mo sa pagpapadala ng pera, pagbabayad ng bills, pagbili ng load at iba pang GCash services.

Dahil entitled ako sa P2,000 credit limit skay GCredit, sinubukan kong gagamitin ito sa pagbili ng isang ball cap sa Penshoppe. Gusto ko sa subukan ito sa BENCH pero nong time na pumasok ako sa SM City, nagmamadali ako dahil hapon kagagaling ko noon sa National Telecommunications Commission para i-renew your permit namin sa pagbibinta ng mga cellphone sa aking shop.

Ang ginawa ko, kumuha ako ng item sa mga nakahilirang mga ball cap sa kanilang display. Based doon sa price tag na nakadikit, agad akong lumapit sa QR code na nakadisplay sa may Cashiers are at itinapat ko ang aking cellphone para mababasa ang code. Then, enter ko yong amount at pinapapili ako kung sa GCash balance or sa aking GCredit. Dahil gusto kong masubukan ang aking GCredit, I choose GCredit at sinubmit ko ito para malipat ang bayad ko sa Penshoppe GCash account.

Tapos noon iniabot ko sa Cashier ang binili ko at sinabi ko sa kanya na binayaran ko na ang item na iyon through GCash. Kinuha agad nya ang kanilang cellphone na doon naka activate ang kanilang GCash. Kinompirma nya na natanggap nila ang aking bayad sa kanilang QR code. Pero nong ipinasok na nya sa kanilang computer ang item code, naka sale pala ito at hindi nila nadikitan ng new price tag. May discount pala itong P100 kaya sobra yong pinasa ko na bayad.

Kaya inoper ko sa kanya na yong sobrang binayad ko, kung maaari magdagdag ako ng isa pang item at ang kulang ay maglilipat uli ako ng bayad through GCash. Pumayag siya nong una pero nong hawak na nya ang pangalawan item at sinubukang ipasok sa computer nila ang item code, hindi daw pwede na dalawang GCash transaction ang pwede ipasok sa isang transaction. Maraming beses din syang himingi ng paumanhin sa akin dahil humihingi pa sya ng abiso mula sa supervisor nya na nong time na iyon ay naka-break. Dahil medyo inabot na ako ng 15 minutes nag-antay kung pwedeng gawin, sinabihan nalang nya ako na kung pwede CASH yong remaining balance. Dahil nagmamadali din ako nong time na iyon kaya hindi na ako nagpa tumpik-tumpik pa, pumayag agad ako at umalis.

Lesson Learn: 

Ang purpose ko kung bakit nag-initiate agad ako ng payment sa QR code nila ay upang masubukan ko kung totoo ba talaga ang GCredit. Galing mismo sa akin mapapatunayan ko na maganda gamitin ang services na ito. Na amaze ako dahil napakabilis ng proseso, parang nagpapadala ka lang ng regular funds mula sa GCasg account mo papunta sa gusto mong papadalhan ng pera.

Huwag nyo gayahin ang ginawa ko dahil kung nagkakataon na wala kayong cash, mahihirapan pa kayong maghagilap ng ATM machine para makapag withdraw. Paano din kung walang laman ATM mo? Mas malakas loob mong papagalitan ang cashier. Hehehe huwag naman po, kawawa naman sila, karamihan sa kanila pagod yan sa kakatayo tapos dagdagan pa nating mga mamimili ang pagod nila.

Ang magandang gawin, dapat antayin ang cashier na sasabihin sa iyo ang total amount na babayaran at sabihin mong babayaran mo ito through GCash. Siguraduhing nakikita nyo ang GCash QR code sa tapat nila baka yong pinamilhan mo hindi tumatanggap ng GCash transaction. Kapag mayron silang GCash QR code na nakadisplay, 100% tumatanggap sila ng GCash payment mula sa mga mamimili.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.