Sa wakas na redeem ko na din yong mobile pass na nakuha ko sa Pera Swipe. Matagal ko na itong nilagay sa aking sling bag pero hindi ako nakakuha ng exact timing para magamit ito sa mga participating stores na nakalagay doon sa email na pinadala ni Pera Swipe. Dati kasi panay load lang ang ni-redeem ko sa aking mga points pero nong marami na akong load, sinubukan kong mag redeem ng Sodexo Mobile pass dahil may gusto akong bibilhin sa BENCH. Isa kasi ang Bench sa option doon sa kanilang participating store. Pero dahil sobrang busy, wala akong time pumasok although palagi lang akong dumadaan.
Kahapon, nahanapan ko na talaga ng pagkakataon na makapasok dahil may oras pa ako. Pero bago paman kinuha ako kumuha ng items, tinanong ko muna ang Manager ng Bench na nagkataong nasa cashier kung tumatanggap ba sila ng Mobile Pass. Nag-aalangin pa siya akong sagutin dahil hindi rin daw nya alam kaya tinawagan nila ang kabilang branch. Hinahanap nya sa akin ang code na mula mismo sa mobile app, eh wala akong maipakita dahil hindi naman nagbibigay si Pera Swipe, deretso sa email ang code sa mobile pass.
Unang feedback nya sa akin OK daw, tumatanggap daw sila kaya namili na ako ng pwedeng bilhin. Ang total amount pala ng aking mobile pass ng Sodexo ay P600, dalawang mobile pass na tig P300 each. Noong nakapili na ako, bumalik sa akin ang Manager at sinabi na hindi daw nila tinatanggap kung wala ang code ay hindi galing sa mobile app. Kaya tinanong ko nalang siya kung tumatanggap ba sila ng GCash. Sumagot naman siya na Oo, kaya tinuloy ko na ang pamimili dahil may P1,650 pa ako sa GCredit.
Pero maya't-maya, bumalik na naman, susubukan nalang daw nila ang mobile cash code kung tatanggapin sa system nila. Nong nasa cashier na ako, sinabihan nya ako na antayin ko saglit yong isang cashier na naka break dahil yon daw nakaka-alam paano i-process ang mobile pass. Sakto, wala pang isang minuto dumating na ang cashier kaya pina-process na nya ang aking transaction. Totoo ngang alam ng cashier kasi wala na siyang tanong-tanong pa, kinuha lang nya ang listahan nila sa mobile pass code tapos deretso na sa system nila.
Ang pinili kung bilhin ay slim fit jeans, mura lang kung ikompara sa isinuot kong Levi's 501 na P3,999 ang bili ko pero ngayon naiisip kung hindi practical ang bumili ng ganung kamahal na jeans dahil, wala din naman itong silbi. OK lang ito nong nag-aaral pa ako dahil mga kaklase ko nagpapasiklaban sila sino may magandang suot pero ngayong may pamilya na ako, parang hindi na practical para sa akin. Mas gusto kong ibigay nalang sa anak ko ang mga gusto ko noong araw. Isa pa, nag-aalanganin din ako baka nanakawin lang kung ito'y nakasampay, madalas pa namang walang tao sa bahay dahil kung aalis ako walang maiwan, nasa shop namin lahat ng mga tao sa bahay.
Ang kagandahan, sa P899 na jean may 10% discount pala ito dahil promo nila ngayon. Wow! na amaze ako dahil lumiit na ang halaga ng jeans na iyon. Ibig sabihin kunti nalang na idadagdag ko para makuha ito. So far, nagdagdag nalang ako ng mahigit P100 para maging successful at makuha ang jeans na binanggit ko.
Sa totoo lang, huwag nyo maliitin ang Pera Swipe. Makakatulong ito sa ating mga Filipino, hindi lang sa load na araw-araw nating ginagamit, pati na rin sa pagbili ng gusto mong items sa mga malls. Ang kagandahan, pwede na rin kayong mag redeem Lazada wallet, purchase lazada airtime load and the best thing cliqq wallet na magagamit mo sa 7-Eleven. Marami na ang pwede mong ma-enjoy sa pag swipe mo everyday.
Sa mga hindi pa alam kung paano gagawin ang Pera Swipe, inaanyayahan namin kayong basahin ang aming step by step guide dito din sa aming website. Please click this link para magagabayan kayo: http://bit.ly/peraswipeguide
DON'T FORGET to use our referral code para pareho tayong makakakuha ng 555 points. Please use this code: brosmiguel
DON'T FORGET to use our referral code para pareho tayong makakakuha ng 555 points. Please use this code: brosmiguel
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.