Sunday, November 11, 2018

RFC Thank You For Understanding

Sinasabi ng mga nakausap ko dati na pangit ang pamamalakad ng RFC o Radiowealth Finance Company dahil hindi daw ito pwedeng pakiusapan kung sakaling hindi ka makakabayad on time. Iba naman ang nangyari sa akin last 2 weeks ago. Gusto ko lang pasasalamatan ang ginawa nila sa aking kabutihan dahil hindi naman sinadya na mangyari yon. Nagkakamali lang doon sa pag-update ng aking CURRENT ACCOUNT.

Dumating na kasi ang pinakahinihintay namin na makabitan ng PLDT Fibr, naka force disconnection kasi yong dating PLDT DSL ko dahil yon ang advice ng PLDT dito sa amin para magbigay daan para sa Fibr connection. May isang buwan hindi ko nabayaran kaya nong sinabi ng PLDT na bayaran ko na para ma-connect na yong Fibr, agad akong nagtungo sa kanilang opisina at nag-issue ako ng Tseke dahil wala akong dalang CASH. Last minute na kasi iyon, kaya hindi na na-update ang account ko kinabukasan. 

Sinabi ko sa asawa ko siya na bahala sa due date ko sa RFC dahil mag clear sa araw na yon. Sabi nya, "OK PA NAMAN ANG BALANCE" sa account ko daw. Pero nasabihan ko na rin sya a day before na nag-issue ako ng check sa PLDT. Nakalimutan ni asawa ko, kampante sa balanse kaya hindi na muna nagpa update ng current account ko. Hindi tulad sa narinig ko na ang RFC kusa nalang daw i-deposit ang check, may laman ito o wala "bahala na ang may-ari ng tseke". Sa akin naman, napakabait nila sa akin, every due ko, nagttxt sa akin ang account officer na humahawak sa akin kung pwede na nila ipasok. Nong araw na iyon, wala ang humahawak sa akin pero may ngtxt kasamahan nya. 

Kinumperma ko muna sa asawa ko kung OK ang balance, sabi ng asawa ko OK daw. Kaya nagreply ako sa RFC na pwede na ipasok. Kampante ako na walang problema kaya kinabukasan, may tumawag sakin at sinagot ko. Napag-alaman ko na yong check pala na pinasok nila hindi daw natuloy dahil kulang ang balance. Kaya humingi ako ng paumanhin sa kanila. Sabi ko tatawag ako sa kanila, ipa-update ko muna sa asawa ko ang account. Kaya tinawagan ko agad asawa ko, kaya dali-dali itong pumunta ng bangko at aming napag-alaman na nag clear ng yong na issue ko sa PLDT.

Pinadeposituhan ko agad ng asawa ko, ang masaklap nag deposit na pala sila sa isang account ko. Yong account na yon, nasa supplier namin ng LOAD, ayaw kasi tumanggap ng tseke kaya nasa kanya ang ATM namin. Pinapa widro ko sa ATM galing sa isang account ko pa, sakto OFFLINE ang ATM nila. Kaya napilitan tuloy ang tauhan ko mangibang bayan para magwidro. After an hour binalikan ko ang RFC, at sinabi ko na medyo natagalan dahil OFFLINE ang ATM samin. Naintindihan naman nila ang sitwasyon. Sa totoo lang mababait ang RFC staff dito sa amin, pero balita ko sa ibang branch medyo pangit daw at hindi makakausap. Buti nalang hindi nila ipinilit ipasok ang tseke kaya wala akong penalty. 

Actually ang loan ko ay 9 months term, pero nakikiusap ako na kung pwede 6 months lang. Buti at na-approved ang 6 months kaya ngayon, 2 more months nalang ang kulang mababayaran ko na ang 6 months loan ko sa kanila. Second cycle ko na sa RFC, I was approved sa 40K reloan.  Salamat RFC sa pag-intindi nyo sa akin. Hindi na yon mauulit, naninibago palang kasi asawa ko dahil sya na kasi pinapahawak ko sa aking negosyo para maging full time na ako online at sa pag-aalaga ng anak ko.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.