Holiday kahapon sa buong mundo dahil Christmas pero hindi yon dahilan na hindi ko babayaran ang aking due date kay Tala Philippines. Hindi ko alam kung bukas ang Cebuana Lhuillier or Palawan Pawnshop para makapag cash-in sa aking coins wallet kaya noong December 24 ng hapon, nagpa cash-in na ako sa Palawan Pawnshop dahil mas mababa ang fees ng Palawan compared sa Cebuana at 7-Eleven.
Muntik ko pang makalimutang bayaran ang aking loan kahit may pambayad naman ako. Mayron kasi kaming bisitang dumating at sa bahay sila nag dinner. Tapos nilang umuwi, naglalaro kami ng anak ko hanggang oras na ng tulogan. Buti nalang mga 11pm na siguro iyon, bigla kong natandaan ang obligasyon ko kay Tala kaya dali-dali akong bumangon at bayaran ito through coins wallet.
Napakabilis lang magbayad ng loan kay Tala kapag coins ang gagamitin mo. Wala pang isang minuto pagkatapos mong pindutin ang MAKE A PAYMENT may request for payment kana para bayaran mo sa 7-Eleven at Cebuana. Sa SMS message na matatanggap mo, may link doon na kasama na kung pindutin mo papasok iyon sa coins wallet mo para bayaran. Nasa sayo kung i-accept mo o i-deny. Syempre magbabayad ka kaya accept mo na para matapos na ang utang mo.
Mulan 2nd loan until now pang 15th reloan ko na, never pa akong nakaranas ng abirya sa pagbabayad gamit ang coins wallet. Para sa akin, recommended ko ang coins dahil wala itong additional charges di gaya ng 7-Eleven, Cebuana at MLhuillier. Makakatipid ka rin kung sa coins kayo magbabayad. Kung wala pa kayong coins wallet, please read this post paano magkaroon ng coins wallet: http://bit.ly/Coinsinfo
Sa mga hindi pa nakasubok umutang kay Tala Philippines, inaanyayahan namin kayo na basahin ang aming guide sa link na ito: http://bit.ly/Talainfo
No comments
Hello,
Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.