Friday, December 21, 2018

GCredit First Due Date -Payment Failure

First time kung gumamit ng GCredit, napakaganda ng service at madali lang gamitin sa mga participating merchant na affiliated kay GCash. Kahit na wala akong Credit Card, na-enjoy ko yong mamimili ka na walang cash at tanging cellphone lang ang dala mo. Mas convenient ito in my own opinion. 

Two thousand ang credit limit ko pero hindi ko naubos dahil hindi naman talaga ako mahilig ng ganito. Sinubukan ko lang ang GCredit kung ano talaga ang magandang idudulot nito sa akin bilang mamimili. Nagkataon lang na nagyaya ang aking anak na pumasok sa isang department store tapos wala akong dalang cash, cellphone lang dala ko. Galing kasi kami non sa bahay ng isang kaibigan. Dahil hindi ko matanggihan ang aking anak, kaya sinubukan kong gamitin ang GCredit sa aking GCash app.

Ngayon, tapos na ang pagpapakasaya. Oras na ng bayaran dahil due date ko na nong nakaraang araw. Medyo mayrong hindi magandang scenario na napapansin ko. Dahil malakas ang gamit ko sa aking GCash, I reached the P100,000 limit noong December 13, 2018. 

Kaya problemado na ako, paano bayaran yong GCredit ko eh hindi na pwede makapag transact. Kailangan kung mag-antay ng another month para ma refresh yong P100,000. By the way, P100,000 lang ang total transaction ang allowed ni GCash every month. Ibig sabihin P100,000 cash-in at P100,000 cashout. Imposible naman na puro cash-in lang ang gagawin mo sa GCash. Ang P100,000 na cash-in mo sa iyong GCash, magagamit mo ito sa pamimili sa mga tindahan na tumatanggap ng GCash, bills payment, send money to your family and friends at pati pagbabayad ng iyong GCredit. Both cash-in and cashout out ay may total na P100,000 each.

Paano yon, ang due date ko ay sa December 21. Kaya pumunta ako sa Mall para magtanong sa Globe Store. Lumapit ako sa CSR nila para itanong ang concern ko. Sinabihan ako ng CSR na puntahan ang GCash rep nila na nong time na iyon may kausap. Nagpapa-link ata sa kanilang GCash card sa kanilang GCash app. Kaya inantay ko muna matapos. Nong natapos na, sinabi ko sa kanya ang concern ko pero sabi nito sa akin, wala siyang alam sa GCredit.

Bumalik ako sa CSR at sinabi ko na wala ding alam yong GCash representative na sinabi nya. Sabi ng CSR, wala din daw siyang alam dahil third-party nila ang GCredit. Under daw ito ng Fuse Lending. Sinabihan pa nya ako na tawagan ko raw ang 211 yong hotline ng Globe tapos pa-connect nalang daw sa GCash. Kaya umalis nalang ako kasi mukhang wala talaga akong mapala.

Pagkadating ko sa bahay, tinawagan ko ang 211. Bukod sa matagal sumagot, wala ding option na related sa GCash. Kaya I hang up the call at sinubukan kung tawagan ang 2882, yon kasi ang number na alam kung hotline ng GCash. Paano nasabi ng CSR na sa 211 ako tatawag tapos pa connect sa GCash. Malaki pasasalamat ko kasi narinig ko na may option for GCredit, kaso available lang ito between 8am up to 5:30pm, eh 11pm na nong tumawag ako. 

Tumawag uli ako kinabukasan mga bandang 10:30am yon. Pinaantay ako ng 45 minutes bago sinagot ang aking tawag. Nakausap ko si Ms. Rochelle, ang bait at nakakatuwang kausap. Although, wala itong masyadong alam sa concern ko kasi kumunsulta muna sya sa kanilang technical team. Nakuha ko yong sagot at guide kung paano bayaran ang balances ko kay GCredit. 

Ang instruction na binigay, sa 711 ako magbabayad. Sa cliqq machine, piliin ko alng ang LOANS at hanapin ang FUSE LENDING. Ilagay ang amount, aking cellphone number kung saan nakalink ang aking GCash at GCredit, tapos babayaran na sa cashier ang resibo na lumabas. Dahil hindi ako sigurado na gumagana ang CLIQQ machine ng 711, nag initiate ako ng payment barcode sa aking CLIQQ app na nasa cellphone ko. Pinasa ko sa aking asa through messenger. 

Inutasan agad ng asawa ko ang aming kasamahan sa shop. Sad to say, DECLINED TRANSACTION ang lumabas na error message sa cashier. Ilang beses sinubukan pero ganun pa rin ang lumabas. Kaya umuwi nalang yong inutusan namin. Mga 8pm ng gabi, pumunta ako sa 711 at ako mismo ang nagbayad. Good thing, maayos ang CLIQQ machine kaya ako ang kumuha ng resibo para babayaran sa cashier. Dismayado ako dahil, ganun pa rin ang nangyari, decline pa din ang aking payment para sa aking utang kay GCREDIT.

To cut the long story short. Wala talagang nangyari s araw na yon. Hindi ko nabayaran ang aking utang. Ginawa ko na ang aking lahat na makakaya. Kailangan ko talagang antaying mag refresh ang aking GCash on the first day of January 2019. Mukhang hindi pa handa ang Fuse Lending at GCash sa ganitong scenario. Wala pa silang paghahanda para makapagbayad ang mga GCredit user na, na reach ang limit ng kanilang GCash. Gamit ko rin kasi sa aking Eloading business kaya mabilis ma reached ang P100,000 limit every month. Abangan ang aking next update kapag nababayaran ko na ang aking utang kay GCredit.

No comments:

Post a Comment

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.