Wednesday, December 05, 2018

pera247 - 2nd Reloan P7,500 Approved

Dahil bayad na ang first loan ko sa pera247, oras na para masubukan ko ang kanilang reloan service. Approved ako sa P5,000 on my first loan at inaasahan ko na tataas ito sa aking second loan. Napakabilis ang posting ng payment ng pera247 compared sa ibang mga lending apps. Pero hindi agad ako nag-apply ng reloan unlike sa Tala na minuto lang nag-apply agad ako.

Nong nag-apply na ako for reloan, walang option sa kanilang app kung magkano ang susunod na halaga na pwede mong mahiram. Dahil open naman ang amount kaya sinubukan kong i-adjust ito sa P10,000. Unfortunately, ilang segundo lang ni-reject ng system ang aking application. Pero after several hours, nong tiningnan ko muli ang app, may message alert ito na kulay pula na kaya rejected ang first attempt ko ay dahil qualified lang pala ako to apply up to P7,500.

Kaya sinubukan kung mag-reapply for my second loan. Sa pagkakataong ito, tuloy-tuloy na ang transaction ko. Isang oras palang matapos ng approval, nakukuha ko na ang pera sa MLhuillier. Tulad sa first loan ko, may bawas pa rin itong P145 para sa MLhuillier service fee. Mas mabilis ang proseso ng reloan dahil wala na rin itong tawag mula sa kanilang mga agent.


Siguraduhin lamang na hindi lumagpas sa desired amount ang i-apply nyo para hindi agad kayo ma declined. Tulad sa sinabi ko nong nakaraan na mas maganda ang pera247 dahil hindi fixed ang interest. Hindi ito nakapako sa 30 days. Ibig sabihin, mas maaga mong bayaran mas maliit ang interest na idagdag nila sa principal amount. Ang daily interest rate nila ay maglalaro lamang sa 0.83% kaya mas maganda kung mababayaran mo ito ng maaga para maliit lang ang interest.

Para sa mga hindi pa nakapag-apply kay pera247, download and install the app sa link na ito: https://pera247.app.link/Jgu0yt0XcN 

Please don't forget to use our referral code: 9JdVA2-PERA247

Maaari nyo ding basahin ang aming step by step guide na makikita sa aming website Usapang Pera. Please click this link pa magabayan kayo: http://bit.ly/pera247Guide

1 comment:

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.