CALLING FROM UNKNOWN NUMBER - Online Loans Pilipinas Lang Pala

Share:
Ang Online Loans Pilipinas ay gumagamit ng ngayon ng VoIP system to call their clients na ang lalabas ay UNKNOWN NUMBER. Ano ang VoIP system calls? Instead na gumamit ng traditional telephone calls, mas makakatipid ka rito dahil tawag ito gamit ang internet. Maganda din ito dahil hindi ka ma determined ng iyong tinatawagan dahil, kung outside the Philippines ang caller ID, maaari din walang lalabas na numero sa taong tumatawag sayo.

Nangyari ito sa akin recently. Siguro mga 5 days before sa aking due date kay Online Loans Pipilinas o bettern know Moola Lending. Dahil na curious ako, sinagot ko ito at napag-alaman ko na sila nga ang tumatawag at nag remind sa akin ng due date. Para sa kanila, maganda ito dahil nakakatipid at pwede nilang mapasagot ang kanilang tinatawagan dahil syempre magtataka dahil walang numero ang lumalabas.

Hindi parehong maganda ang kinalalabasan ng ganitong uri ng tawag. Pwede din nating iisipin na dahil sa BAD REVIEW ayaw nila na maraming tatawag sa kanila kung sakaling traditioanl system ang gagamitin nila. Isang palatandaan ay ang pagpapalit-palit nito ng pangalan. ALAM NAMAN NG KARAMIHAN kung gaano ka bastos ang kanilang mga agent. Bukod pa dyan, ang pinakamalaki nilang kasalanan ay ang ABOT HANGGANG LEEG kung hindi man noo ang laki o taas ng kanilang interest.

NAPAKAGAHAMAN TALAGA NG "ONLINE LOANS PILIPINAS" pagdating sa pera lalo na sa interest at mga charges. Bakit hindi ito magalaw-galaw ng gobyerno at patuloy paring nag-operate dito sa ating bansa. Marami ang nagiging biktima nila, kung hindi man nakakabayad sa takdang panahon, hahawakan agad nila ang mga leeg ng mga nangungutang dahil pinapahiya nila ito sa mga kaibigan at kamag-anak sa pamamagitan ng pagtawag at pagtext sa mga nakasulat sa kanilang references.

Paano natin matatawagan sila kung ang kanilang VoIP caller ID at nakaka-based sa ibang bansa tulad ng HONGKONG, SINGAPORE or MALAYSIA? Kami dito sa USAPANG PERA.PH ay nagbibigay kaalaman sa lahat ng mga tagasubaybay o followers namin na iwasang umutang sa kanila kung AYAW NYO NG SAKIT NG ULO SA HINAHARAP. NO TO "ONLINE LOANS PILIPINAS". Mamili kayo sa mga may magagandang feedbacks na LENDING COMPANIES sa aming LIST.

Huwag nyo ng subukan, mas maganda i-boycott nyo ang paglapit at pag-utang sa kanila. Hindi ka manghihinayang na wala sila sa listahan ng mga pwede mauutangan dito sa Pilipinas. Sa P20,000 na inutang ko sa kanila, after 1 year umabot ito ng P108,200. Grabe kung tutuusin may malaki na akong negosyo sana kung ginamit ko ang pera na iyon. Ilang beses akong na storbo sa mga unprofessional nilang mga agent.Akala mo sila na ang may-ari ng buhay mo porket may utang ka sa kanila.

KAYA PARA SA AMIN. NO TO "ONLINE LOANS PILIPINAS" o MOOLA LENDING. BAD COMPANY - VERY HIGH INTEREST nA LULUNURIN KA sa laki ng interest. Kung wala kang pambayad o hindi mo alam kung saan kukunin ang pam,babayarad, huwag kanang umutang sa kanila.

GOODBYE "ONLINE LOANS PILIPINAS o MOOLA LENDING....

4 comments:

  1. Ask lang po nasettle nyo po ung amount na kulang? Or nagstaggared payment po kau?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala po kaming kulang...we never missed all our payments. Stay tune marami pa kaming reviews na gagawin based sa experience namin.

      Delete
  2. I encountered the same thing. I agree to this. So as much as possible no to them. Sakit sa ulo!

    ReplyDelete
  3. Sumbong natin kay Sir Raffy Tulfo para ma imbistigahan..

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.