Wednesday, January 30, 2019

Cashwagon Reloan Apat Na Oras Lang Disburse Na

Ilang araw ding hindi ko kinagat yong offer ni Cashwagon na mag reloan ako after kung bayaran ang aking previous loan na P7,000. Nakailang buwan din na interest lang ang binabayaran ko dahil kulang ang pambayad ko ng buo. Naka tatlong buwan din ata ako na nagbabayad ng interest lang. Ang kagandahan kay Cashwagon, interest lang ang babayaran mo every month sakaling hindi mo pa kayang bayaran ng buo. 

Walang penalty o prolongation fee sa Cashwagon, hindi gaya ni Moola Lending (Online Loans Pilipinas) na kahit nagbabayad kana ng interest, may additional kapang babayaran -ito ang prolongation fee na P700. Ibig sabihin kahit bayad kana sa interest, hindi ka makakalusot sa P700 prolongation fee. Siguradong lulubo pa rin ang utang mo. Ang hindi ko pa gusto sa Online Loans Pilipas, yong 10% processing fee nila pero sa Cashwagon wala silang processing fee. Buong halaga ang makukuha mo sa iyong loan.

Ito ang natuklasan ko pagdating sa interest ni Cashwagon at Online Loans Pilipinas, pareho sila ng interest rate na pinapatong sa loan nyo. Ang kaibahan lang, walang prolongation fee at processing fee kay Cashwagon. Yon ang rason kung bakit hininto ko na ang paghiram kay Online Loans Pilipinas. Itong kay Cashwagon naman, panghuli na ito. Naalanganin lang kasi ang release ng loan ko kay RFC dahil, kailangan pa ng new business permit dahil January ngayon at renewal ng mga business permit sa Pilipinas. Most of the time, end of the month ang processing ng business permit namin tapos mid of the month kailangan ko ng pera kaya napilitan kong mag reloan kay Cashwagon.

Hindi ko inaasahan na ganun ka bilis ang reloan kay Cashwagon. Alas otso ng umaga ako nag-apply for reloan, alas dose ng tanghali tiningnan ko ang aking bank account pumasok na agad ang pera na hiniram ko. Nong tsinek ko din ang aking email, mayron ng notice sa email na pinasok na nila yong pera ko sa aking bank account. 

By the way, P9,000 ang inaprob na reloan ko. Babayaran ko din ito after 30 days. Napilitan lang akong mag reloan dahil kakalabas lang namin mula sa ospital, na confined kasi ang anak ko. Medyo may kalakihan ang binayad namin sa ospital kaya no choice ako, kailangan kung magpa-rescue kay Cashwagon. Buti at mabilis lang ang proseso, ilang oras lang nakuha ko na agad.

Hindi naman masama kung hihiram ka sa mga lending company na ito basta siguraduhin lang na kailangan mo ito para masolusyonan ang pangangailan mo at hindi mapupunta sa luho. Bukod pa doon, siguraduhin na kaya mong bayaran pagdating sa oras ng bayaran. Hindi yong saka na magreklamo pagdating ng bayaran, in the first place kahit gaano kalaki ang interest kung iniisip mo talaga na obligasyon mo ang pagbayad sa hiniram, kailangan mo talaga ito bayaran.

 Iba ang utang sa hinihingi, dahil kapag sinabing hinihingi, wala ka ng babayaran. At sigurado din akong hindi magbibigay ang mga lending companies ng pera kung hindi ka pumayag sa mga terms and conditon nila. Isa na ito ang pag AGREE mo na babayaran mo ang inutang mong pera pagdating ng due date.

Hindi ko recommended ang Cashwagon pero nakakatulong sila lalo na oras ng emerhensya. Kung gusto nyo ng madaliang proseso sa reloan, you can try them. Siguraduhin lang na good payer kayo at mayron kayong good credit standing sa kanila. Patuloy ang promo nila ngayon, ZERO interest sa first time borrower pero payable within 10 days lang. Kung alanganin kayo sa budget pwede nyong subukan pero siguraduhin na kaya nyong bayaran.

Para sa gabay kung paaano gagawin ang loan application sa Cashwagon, please read our guide sa link na ito: http://bit.ly/CashwagonZero

1 comment:

  1. Ang tagal nman nila magpareloan nagbayad ako july30 due date is August2 till now wla akong reloan kakadis appoint lang.
    #Cashwagon

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.