GOODBYE ONLINE LOANS PILIPINAS O MOOLA LENIDNG

Share:
Sa mahigit isang taon, tinuldukan ko na rin ang ugnayan namin ni Moola Lending na kilala sa bago nitong pangalan ngayon na Online Loans Pilipinas. Yes, hindi ko naman pinagkaila na nakakatulong sa akin ang Moola Lending, sa una, pangalawa at maging sa pangatlo pero sa mga susunod na na reloan ko mukhang nahihirapan na akong magbayad dahil sa sobrang laki ng tubo nito. Pakiramdam ko lang yon noon na nakakatulong sila pero sa likod nito, may halong pangamba kung papaano ko ito mababayaran. I am just so lucky o maswerte ako dahil ginamit ko ito sa negosyo at medyo malakas ang sales kaya nakakabayad pa rin ako pagdating ng due date.

Pero nong napansin ko na parang niloloko lang talaga tayo sa lending na ito, imbes na magbabayad ng buo plus interest at mag-reloan uli? Ang ginawa ko ay magbayad nalang ng interest plus prolongation fee para hindi lumubo ang utang ko sa kanila. Oo, nakakatipid nga ako pero kung tutuusin napakali pa rin ang interest na binabayaran ko every month. Masasabi nating malaki ang pagkakamali ko dahil sinagad ko ang P20,000 na limit. Naisip ko noon na malaki ang capital, malaki din ang tubo kung gagamitin ko ito sa negosyo. Pero hindi naman ganon ang nangyari dahil ang negosyo ko ay hindi naman pinapatungan ng malaki para kumita dahil naaawa din ako sa mga suki ko kaya yong karapatdapat lang para sa mga ordinaryong mga tao, yong tipong MAKAMASA na presyo.

Yong kinikita ko sa pera na hinirap ko, halos wala din akong kinikita kung tutuusin. Sinasalo lang ang pambayad ko ng interest sa iba pa naming sales. Maganda ang aking negosyo  at medyo malakas talaga pero kulang lang kami ng kapital kaya naisipan kung patulan itong si Moola Lending. Sabi pa ng nakakatanda at ng karamihan, nasa huli lagi ang pagsisisi. Mahigit isang taon akong pauli-ulit na nagbabayad ng interest na abot hanggang leeg. Hindi ko lang talaga ugali ang makalimot ng utang. Kahit medyo nasagad na ako, iniisip ko pa rin na responsibilidad kung bayaran ito dahil ang utang ay dapat bayaran hindi kinalilimutan.

Wala talaga akong kinita sa nahiram ko sa kanila na P20,000 at kailangan kung magbayad ng P6,000 every month para sa interest. Siguro sasabihin nyo na kasalanan ko dahil umutang ako ng malaki, bakit hindi ko na lang niliitan para hindi ako mahihirapan. Yes, tama kayo. Yon talaga ang kasalanan ko pero isipin din natin, ano naman ang silbi ng P5,000 sa negosyo kung ang kikitain nito ay maliit lang din at kulang pa sa iinterest na babayaran mo?

Masasabi kung wala ng mas hihigit pa sa Moola Lending o Online Loans Pilipinas pagdating sa nakalulang interest. Paano nagiging legal ang operasyon nila kung ibabasi natin ito sa batas ng pangungutang ay labag ito? Isa itong pananawagan para sa lahat ng concern offices sa ating gobyerno kung bakit mayron pa ding mga nakakalusot na mga nanamantala sa kahinaan ng mga Filipino. Kaya kung wala talagang magawa ang gobyerno natin, siguro tayo nalang ang gagawa ng paraan para hindi tayo magiging kawawa pagdating ng araw ng bayaran at para na din hindi tayo mahihirapan.

Kaya nong nakahanap ako ng pagkakataon na makakahanap ng isang lending na malaki ang bigay at napakababa lang ang interest, binayaran ko na itong si Online Loans Pilipinas at hinihinto ko na ang aking kahibangan na patuloy pa ring mag-isip na sila ay nakakatulong sa akin bagkos hindi naman talaga kundi, pinapahirapan lang lalo nila ako sa pagbabayad ng malaking interest kada buwan.

Biruin mo naman, sa P20,000 na inutang sa pangatlong reloan, umaabot ito ng P108,200 sa loob ng 15 months. Tiba-tiba ang Moola Lending sa interest na binayad ko sa kanila pero nakuha pa rin nilang mam bastos sa mga client nila lalo na pagtatawag ng wala sa oras. Bihira lang ang taong tulad sa akin na tumatanaw ng utang na loob sa lending company kahit pinapahirapan nila ako sa pagbabayad ng interest. Dapat, nagbibigay sana sila ng discount dahil mahigit isang taon na kaming may relasyon, para magsyota lang katagalan manlilibre na. Hahaha Tawa naman tayo ng kunti medyo masyado ng ma-drama itong kwento ko sa inyo.

Ako lang ata ang umabot sa ganitong punto na nagbayad ng P108,200 sa interest. Based sa mga nababasa kong kwento, yong iba kahit nasa P20,000 pa lang ang binayad na interest tinataguan na nila si Moola Lending. Pasensya na pero nagiging prensipyo ko talaga na hindi tumalikod ng utang dahil kahit anong mangyayari, utang pa rin yon at dapat bayaran. Kaya ang maipapayo ko lang sa lahat, HUWAG NA HUWAG nyo ng subukan ang ONLINE LOANS PILIPINAS. MAHIHIRAPAN LANG KAYO...MAAARING KAYA NYONG BAYARAN SA LOOB NG DALAWA HANGGANG TATLONG BUWAN PERO SA KASUNOD NITO, SIGURADO AKO MALULUNOD NA KAYO SA UTANG.

Ang Moola Lending o Online Loans Pilipinas ay ang may pinakabastos na mga collecting agent sa buong Pilipinas. Kung ayaw nyong mapahiya o ma-storbo ang ang pagtulog nyo, huwag na huwag kayong umutang sa kanila. Layunin kung isulat ito para mabalaan ang lahat, kung nakaya kung bayaran ang ganito ka laking interest ito ay dahil may negosyo ako. Paano kayo na walang negosyo at umaasa lang sa sahod na kadalasan wala ng natitira? Kung hirap akong magbayad kahit may negosyo, ano pa kaya yong walang inaasahan na pambayad? MAG-ISI, MAG-ISIP AT MAG-ISIP ng maraming beses bago nyo ituloy ang loan application nyo sa kanila. MAGKAISA TAYONG HUWAG NG TANGKILIKIN ANG "ONLINE LOANS PILIPINAS".

Para malaman kung paano umabot sa P108,200 ang interest na binayaran ko sa kanila, inaanyayahan namin kayong basahin ang link na ito: 
http://bit.ly/NOTOOnlineLoansPilipinas

2 comments:

  1. ako din naka utang ng 7000..6300 ang nkuha ko na buo..at 9100 ang buo kong babayaran pag dating ng due date..pagdating mismo ng due date interest lang binayaran ko na 2100..laking gulat ko at di ko malaman bakit naging 9730 na ang lahat2 na babayaran ko for next due date..mas lumaki pa siya lalo..di ko na alam paano mabayaran eh mas lumaki pa lalo..dagdag problema..

    ReplyDelete
  2. SA akin din SA 3000 umabot kaagas ng 6200, takutin KA pang JGR FIRM KUNO NA ANG OPISINA AY NASA CUBAO NEW YORK

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.