NO TO Online Loan Pilipinas - Ang Dating Moola Lending

Share:
Binago na nga nila ang kanilang pangalan pero ang kanilang pagkagahaman ay nandoon pa din. They carry all features nong tinawag pa silang MOOLA LENDING. Madaling sabihin na legal sila pero mahirap intindihin na hindi naman sila sumunod kung anong nakasaad sa batas. International company nga sila pero hindi naman nila kayang sasabihin o ilatag sa mesa ang mga inclusions ng kanilang services. Marami silang tinatago sa mamayang Filipino, masasabi nating napaka oportunista nila. 

Ginagamit nila ang matinding pangangailangan ng mga Pinoy. Well, in the first place nakakatulong naman sila sa atin. Pero masasabi kung hindi lubusan nakakatulong. Instead, nagdudulot ito ng gulo ng buhay o maaaring mawawala ang inyong peace of mind kapag makakautang kayo sa kanila. Alam nyo kung bakit? Dahil sa sobrang laki ng interest, kung wala ka talagang magandang negosyo at trabaho siguradong ibabaon ka nito sa lupa at putik.

Mahigit isang taon ko rin silang nakasama kaya medyo kabisado na ako sa mga kalukuhan na pinaggagawa nila. May mga patago silang charges na hindi masyadong malinaw sa karamihan lalo na yong mga baguhan palang. Oo, mabilis ang proseso at hindi masyadong mabusisi ang pag-apply pero doon ka rin nila titirahin sa Prolongation Fees. 

Ano ba ang Prolongation Fees ng MOOLA LENDING na ngayon ay tinatawag sa bagong pangalan na ONLINE LOANS PILIPINAS? Ang Prolongation Fees ay hindi ang ADVANCE INTEREST. Kaya marami ang nagtataka kung bakit lumalaki ang ang kanilang principal amount kahit bayad na sila, ito ay sa kadahilanang ang Prolongation Fees ay sinisingil nila every renewal ng inyong loan or reloan.

Ang masama dito, halimbawa hindi mo kayang bayaran ang inyong buong loan kasama ang interest? They will advice you na pwedeng i-extend for another 30 days. Tanging ang babayaran mo lang ay ang interest at prolongation fees. Akala ng karamihan, iisang amount lang ang kailangang babayaran. ITO ANG LARO NG MOOLA LENDING NA NGAYON AY ONLINE LOANS PILIPINAS:

Kapag nag-agree ka na magbabayad ka nalang ng extension for 30 days. Magpapadala sila ng SMS na may reference number at notice na nakasaad doon ang halaga na dapat mong bayaran para ma extend ang inyong loan for another 30 days. Ngayon, kampante kana na babayaran mo yong amount na nakasaad sa SMS. Nabayaran mo na, kaya may peace of mind kana kunwari. Kunwari lang kasi hindi mo pa alam ang mangyayari after matapos ang 30 days. 

Dumating ang 30 days. Ayon na, it's time to renew again or you need to pay in full ang utang mo. Five day bago ang due date mo, may matatanggap kang SMS, notice from Moola Lend. Nakasaad doon ang halaga na dapat mong babayaran sa due date mo. Magtataka ka ngayon bakit mayrong additional na P700. Para saan ang Seven Hundred na yon? Yon ang Prolongation Fees na hindi nila isinama doon sa SMS na pinadala sayo bago mo babayaran ang loan extension mo.

Kung hindi mo pa rin kayang babayaran ang buong halaga, another extension for 30 days ang i-offer nila sa iyo. Kung papayag ka, magpapadala na naman sila ng SMS sayo na nakalagay doon sa halaga ay yong interest lang, hindi nila isinama ang Prolongation Fee. Kung ang babayaran mo yon pa ring nasa SMS, bago mag 30 days kapag nagpapadala sila ng SMS, ang halaga na mababasa mo bukod sa interest mayron additional P1,400 na nadagdag sa iyong total balance.

Tanong bakit hindi nila isinama ang prolongation fees na P700 doon sa total amount na dapat mong babayaran on your due date? Dahil ba ito ay illegal? Oo nga naman, illegal ito dahil nagbabayad kana ng interest. Bakit mayron pang prolongation fees? Hindi ka naman delayed sa pagbabayad, kaya hindi rin natin masasabing penalty itong P700?

Ito ang masaklap na sitwasyon. Kung sakaling ma-delayed pa kayo sa pagbabayad ng inyong loan, bukod sa nabanggit na mga charges mayron ka pang penalty na babayaran. Kung sakaling nangyayari sa inyo yon, siguradong hindi mo na kayang babayaran ang utang mo sa kanila. Hirap ka na ngang magbayad sa interest, prolongation fees, penalties.... paano na ang principal?

Masasabi kung napakagahaman talaga ng Online Loans Pilipinas dahil binabasawan nila ng 10% processing fee ang bawat approved loans nila. Mukhang wala ka naman nahiram sa kanila kung tutuosin. Tanging pansariling kapakanan lamang ang iniisip ng mga ito. Yong hiniram mo, nauubus lang sa kakapatong ng mga mga charges nila. Kaya ang mapapayo ko sa lahat, huwag kayong umutang sa kanila dahil sigurado akong mababaon talaga kayo sa utang.

9 comments:

  1. Mapagsamantala talaga sila. Yong kinuha maging 300% ang patong nila.

    ReplyDelete
  2. Pumupunta po ba cla sa bahay at baranggay pag hnd nakabayad?sa laki kz ng interest at penalty nla talagang mababaon ka

    ReplyDelete
  3. sobra talaga gahaman nng moola lending na iyan...nadelay lng ng 1 week nabayadan na nga sila ng inutang...aba..walang sawa sa kakatawag at message...sobrang pahirap ang mga iyan. hindi sila nakakatulong...may interest na nga ang inutang na 4500 na naging 6500...tama na yang..naibayad sa inyo..KAYA TUMIGIL NA KAYO SA KAKAMESSAGE AT HINDI KAYO NAKAKATULONG SA MAHIHIRAP....

    ReplyDelete
  4. Saan ba Sila pwde ereklamo? Maari ba akong kumonsulta sa isang attorney?

    ReplyDelete
  5. mga buwisit sila, peste. d ako pumayag ng prolongation na 700 kaya binayaran ko lahat ng utang. mga gahaman, mga patay gutom.

    ReplyDelete
  6. prolong fee nila is 2300 na for 30days my gad mas mlaki pa sa nakuha mong pera ako kumuha ako sa knila 2nd time worth 4k ang nakuha ko lg is 3k and now yung babayaran ko is 5200??tas tinanong ko kng pwde extend kac d pa dunadating pera ko sabi bayaran ko daw ng 2300 para sa prolong grbe

    ReplyDelete
  7. Aba at walanghiya pala yang online loan pilipinas n yan ah!nakapag-aplay na sana ako ng ng loan kasi need ko ng capital.buti n lang at wala akong bank account kaya Hindi ko natapos ang a play ko

    ReplyDelete
  8. Ako po ay biktima ng moola lending ..bakit po?ganito yon ..nag loan ako ng 4k ang natanggap ko 3600 at kada buwan 1200 ang tubo kung dika magbayad at kung madelay ang tubo may dagdag tubo na naman po..sa umang loan ko nag fully paid ako sa pag reloan ko same amount parin.same ref.number..on the next month di ako nakabayad so tubo nalang bbinigay ko hanggang sa panay tubo pero nagtaka ako maliban sa 1200 nadagdagan ang utang ko at ang tubo kada buwan last since sept.ata panay ako ganun gang sa lumaki ng lumaki ..noong may 10 nagbayad ako 9200..tas nagtaka ako may bal.na naman na 820..tas parang nawalan na ako ng gana na magbigay sa bal.nagtaka ako walang tigil na padala ng text sa akin tas noong aug.5 nag text uli iba iba number na 1500 daw bayaran ko at iforward nila kung di ako makabayad so ako naman para iwas problema inutusan ko naman mama ko na bayaran para ma closed na ng wala na akong alalahanin.
    Laking gulat ko ng simula aug.5 til yesterday walang reply ayon sa mga tanong ko sa mensahe ko..ku di panay sila text na di paraw ako bayad at nasa MBA naraw pangalan ko kaya laking gulat ko at sobra na talga buwisit ko kulabg nalang basagin ko roaming ko dahil di ako tinitigilan kht bayad na ako at sobra2 na binayad ko..tas now lang ako na message na we receive your payment bwosit..ang dami ko ng na hussle na tao para lang i follow up sila at nasa 40 emails ako both MBA at moola grabe ka walang hiya sobrang abala ginawa nila sa akin at sobra2 sinisingil nila sa akin..

    ReplyDelete
  9. Wala ng mas masakit sa ngyari sa akin nasa 30k ang nabayad ko sa kanila sa 4k na loan ko at malinis 3600 lang po..grabe pinagdaanan ko kasi kht po bayad na po ako wala parin po silang tigil sa kapapaningil ..grabe abala at stress inabot ko sa moola. Kulang nalang mag reklamo na ako sa tulfo..

    ReplyDelete

Hello,

Salamat sa iyong pagbisita dito sa aming blog. You have any suggestion or comments, please use our comment box.